CHAPTER EIGHT

453 9 0
                                    

"Si Baby Pseudonyms po?" tanong ko kay Nanang nang makalapit kami sa kaniya.

"Nasa garden siya, anak. Naglalaro." Napalingon naman ako kay Sir at tiningnan ang reaksyon nito.

Mukha siyang nagtataka base on his reaction. Hehe.

"You do really have a child?" tanong nito.

Tumawa ako ng malakas at linapitan siya.

Baka akala nitong si Sir tao ang inaalagaan ko dahil may pakwarto ako ha.

"Nanang, ipaghanda niyo po ng maiinom si Sir Sandro. Salamat po." Umalis naman si Nanang kaya kaming dalawa na lang ni Buhangin ang naiwan.

"Tara po, Sir, ipapakita ko si Baby Pseudonym sa inyo." Nakangiti ko namang kinuha ang kamay niya at hinila papuntang likod ng bahay ko kung saan nandoon ang garden.

"Pseudonym," tawag ko kay Baby Pseudonym. Agad naman itong lumingon sa'min at tumatawang tumakbo patungo sa'kin.

I missed my baby boy so much!

"HHRRRROOOAAAHR! HMMM!" Napaangat ito ng tingin kay Sir Sandro.

"Baby, si Sir Sandro nga pala. Boss ko." Pakikilala ko kay Sir.

"Sir Buhangin, si Baby Pseudonym, baby boy ko po. Wala pa po akong anak ha. Alaga lang po. Alagang leon." Natatawang sabi ko habang hinihimas ang ulo ni Pseudonym.

"Ang bait mo ngayon, baby boy? You like my boss, hmm?" Mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa'kin at umuungol pa na para bang ang saya nito.

Ano kayang ikinasasaya ng baby boy ko, hmm?

Napalingon ako kay Sir nang bigla siyang tumikhim, "Let's just meet in my office later. I'm going." Bago pa man ako makapagsalita ay agad na itong umalis.

Kumunot ang noo ko dahil sa naging kilos niya.

Aish! Magkikita pa naman kami mamaya. Natakot siguro si Sir, hindi maipinta mukha niya kanina habang buhat ko si Pseudonym eh.

Tiningnan ko naman ang wristwatch ko at nakita kong 8:37 a.m. na. "May dalawang oras pa pala ako para makapag-ayos para sa pakikipagkita ko kay Miss Sanchez. Bye, baby boy. Sa susunod ulit, mommy will get you a toy, a'right?" I kissed his head at ibinaba siya ulit para makapaglaro siya sa garden then stood up.

Naglakad na'ko patungong loob ng bahay at nakasalubong ko si Nanang.

"Nasaan na iyong boss mo?" nagtatakang tanong nito sa'kin.

"Umalis na po eh. Pasensiya na po kung pinagod ko pa po kayo, akin na po 'yan," kinuha ko ang isang basong tubig na nasa tray tsaka ngitian si Nanang at nagpasalamat bago siya anyayahing magpahinga. "Pahinga na po kayo, Nanang," nakangiting sagot ko sa kaniya at tinungo ang hagdan para umakyat na sa kwarto.

Nang makapunta na ko sa loob ng kwarto ko ay saka na ako naghanap ng damit na susuotin para sa meeting 'kuno' namin ni Miss Sanchez.

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now