CHAPTER SIXTEEN

346 5 0
                                    

"Eh kung i-text ko na lang si Nanang na late tayo makakauwi? Para naman makapag-enjoy ka rito dahil kararating mo lang din at wala kana masyadong nababarkada simula nung dumating ka." napatitig sa akin si Rseyine na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko o hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

Mabait pa rin akong kaibigan kahit backstabber ako 'no. Ay? Amindo! Char!

"Oo ah, mamaya na lang siguro, ngayon na nga lang tayo nagkita-kita. Baka bukas o sa makalawa wala na naman tayong mga connection sa isa't isa." tumango-tango ako bilang sagot bago kinuha ang phone ko at tinext si Nanang na i-lock niya na ang mga pinto sa bahay dahil mal-late kami ng uwi ni Rseyine.

Humarap ako muli kay Rseyine matapos kong bigyan ng mensahe si Nanang tsaka siya sinenyasan, ngumuso lang ito sa akin at muling kinuha ang isang alak at isang basong juice sabag abot na kinuha ko naman agad at nilagok ito. Kahit walang chaser kaya ko naman dahil parang paso na ang dila ko sa alak pero ininom ko pa rin para naman kahit papaano mabigyang tamis ang lalamunan ko, iwas sunog ba.

BLLAAAAAAAGGG!

Nagulat na lamang kami nang biglang natumba ang mesang kinalalagyan ng mga alak at gamit namin.

"WHAT THE FUCK?!"
"TANGINA NAMAN BASANG-BASA NA AKO OH!"
"HOW DARE YOU!"
"YOU SON OF A BITCH!"

Iba't ibang komento galing sa Vasileios Clan nang mapagtanto kung ano ang nangyari sa mesa namin.

"Balita ko, kayo raw ang malalakas sa dito at sa Underground Area? Pwes! Wala akong pakialam! Ako ba kilala niyo ba ako? Ako lang naman si Taran Nando ng 13th Street Gang! Kaya labanan niyo ko kung matapang nga kayo! Nasaan ba ang kanang kamay niyo rito? Heto ba?!" He pointed at Rseyine, AKA Tres. Tres immediately shook her head.

Ang cringe naman ng atake ni Kuya.

"Oh? E di sino?!" Akmang ituturo niya si Medusa gamit ang kaniyang hintuturo, agad kong hinila ang daliri niya at pinilipit ito kaya nagsisigaw siya sa sakit.

"Stop pointing your finger at someone you don't even know," I coldly said to him at binitiwan ang daliri nito.

"Aba't matapang ka ah!" Agad niya akong inambahan ng suntok pero agad ko lang itong sinangga gamit ang kamao ko na ikinagulat ng tao sa paligid ko.

Oh? Hindi naman masyadong masakit?

"AHHHH!" Napahiyaw ito habang hawak-hawak ang isang kamay nito.

"Puñeta! Ano pang tinutunganga niyo diyan?! Talunin niyo! May pusta 'yan!"

Humarap naman ako sa mga tauhan niyang nag-aalinlangang sumugod sa akin hanggang sa sumigaw muli si Pugo at saka pa lamang silang nagsilapitan sa akin. Loko, iyang ulo mong walang buhok pipirutuhin ko talaga 'yan at gagawin kong biggest kwekkwek.

They can't easily reach me lalo na't napakalayo ko sa kanila. So, I decided na lumayo ng konti sa Vasileios Clan na hindi pa makapaniwala sa nakikita, baka kasi may masaktan pa sa kanila eh, kaya mas mabuti ng lumayo kaysa may madamay.

Sa unang atake pa lang nila, isang suntok ang ibinigay ko sa pinakamalapit na lalaking sumugod. Tumilapon siya pabalik, nabunggo ang isa pang papalapit pa lamang. Isang sipa ang pinakawalan ko sa sumunod na umatake, sapul ang kaniyang sikmura at napahandusay siya sa sahig. Lima na agad ang napatumba ko pero sa bandang ikalawa ay medyo nahirapan ako dahil mas lalo silang dumarami.

Gusto sanang makisali ng Vasileios Clan kaso sinenyasan ko silang 'wag na lang silang makialam at alam kong alam na nila kung anong klaseng senyas iyon.

"Paunahan na lang tayong alisin ang maskara ng babaeng 'yan para bulgar agad sa publiko," rinig kong bulong ng isa habang naghahanda sa kaniyang susunod na atake. Sumunggab naman ang mga kasama nito at sumang-ayon pa sa sinabi ng lalaki.

Mabilis ang pangyayari. Tatlo na lang ang natira pero kahit isa walang nakakaalis ng maskara ko at hindi pa ako nakakasugat kahit galos man lang. Tumakbo ang isa sa kanila papunta sa likuran ko, pero mabilis akong umikot at isang suntok ang ibinigay ko sa kanyang mukha, na nagpahiga sa kaniya. Ang pangalawa ay sumugod nang may dalang patalim, ngunit bago pa niya ako maabot, naagaw ko na ito at ginamit upang matamaan ang kaniyang braso. Napasigaw siya sa sakit at bumagsak.

Habang nag-uusap pa ang tatlong pinakahuling lulusob sana sa akin, iniikot ko ang paningin ko upang tignan kung ilan ba ang napatulog ko. Hanggang sa may nakita ang puñeta kong mata.

Dalawang taong kilalang-kilala ko na naghahalikan, at iyon ay sina..

Sandro at Jean.

Haha, ang sakit niyan ah.

Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko kaya't pakiramdam ko ay bumigat ang nararamdaman ko.

Ewan ko pero parang gusto kong umiyak sa hindi malamang dahilan.

Wala silang pakialam sa paligid. Basta kung hanggang saan mararating ng dila nila, ay hindi sila titigil.

Basta nasasaktan ako sa nakikita ko at ewan ko bakit.

"HUMANDA KA, AAAHHHH!"

Nakalimutan kong nasa isang laban pala ako.

Mabilis akong umikot upang salubungin ang kilos ng tao sa likuran ko, ngunit mukhang mali ata ang ginawa ko dahil isang makapal na dos por dos ang sumalubong sa akin at malakas na napalo ang tuktok ng ulo ko.

Napaharap naman ako sa kinahaharapan ko kanina at nakita ko sina Sandro na napatigil sa ginagawa. They looked at my spot. Halatang nagulat sila sa nakita.

Sino ba namang hindi magugulat sa nakita kung ang makikita mo ay isang taong pinalo ng dos por dos at sinalubong pa ng isang malakas na sipa sa tiyan.

"U-ugh!" Napaungol ako sa sakit dahil sa nangyari.

I didn't expect this! Putragis!

Isang malakas na uppercut ang iginayad ko sa taong sumipa sa akin kaya ayun, nakatulog.

Kahit sobrang sakit na ng ulo't katawan ko, ay hinarap ko ang taong humampas sa akin ng dos por dos. Nakita kong nakangisi ito nang humarap ako sa kanya.

Akmang papaluin niya na naman ako, ng agad kong sinalag ito. Agad kong pinakawalan ang isang suntok sa kanyang sikmura, sinundan ko ng isang sipa sa kaniyang tagiliran. Napaurong siya ng bahagya pero nakabawi rin agad. Tumama ang kamao niya sa panga ko, ngunit hindi ko ito ininda. Mabilis akong yumuko para iwasan ang susunod niyang suntok at sabay tumayo para magbigay ng isang malakas na suntok sa kaniyang panga. Natumba siya.

Nasa akin ang huling hampas niya sana. Tumayo ako at binuhos ang buong lakas ko sa huling suntok. Bumagsak siya sa lupa, tuluyang nawalan ng malay.

Huling kalaban na lang ito at wala na!

SSSSSSHHHRRRRKK!

Naalis ang maskarang nakatakip sa mata ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Isang punyal ang nakaalis sa maskarang nakatakip sa akin.

Tangina!

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now