CHAPTER TWENTY-NINE

382 4 0
                                    

"Sandro! Ano ba!" galit na sabi ko habang pilit kinakalas ang kamay niyang nakapalupot sa beywang ko habang nananatili akong buhat niya na parang sako ng bigas at palabas ngayon kami ng bahay nila Nanay Stella.

Kung ganito lang ang mangyayari, sana hindi na lang ako nagsalita kanina. Sana itinikom ko na lamang ang bibig ko dahil ngayon, kinakaladkad niya na ako patungo sa kotse niya at pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong ang oras na 'to ay oras na ng mga chismosang mga kapitbahay. May iba pa ngang napasilip sa kanilang mga bintana upang tignan ang nangyayari.

"Ayokong sumama! Maayos na ang buhay ko dito! Bakit mo ba— ARAY!" Malakas akong napadaing ng bigla niya akong binaba isinandal sa kaniyang kotse.

"Do you want me to fuck you here, woman?" mahina ngunit mariin ang kaniyang pagkakasabi kaya hindi ko mapigilang umiling. Nahihibang na ba siya?

Ilinabas niya ang susi at binuksan ang pinto ng passenger seat kung saan niya ako isinandal. Pinilit niya akong papasukin dito at agad isinarado ang pinto, kaya saglit akong napahinto na kaagad ding nakabawi at pilit binubuksan ang pinto na linock niya pala.

Tinignan ko siya kung saan pupunta at nakita kong lumapit siya kila Nanay Stella at may kung anong sinabi na ikinatango nila. Ano na naman kayang kasinungalingan ang sinabi niya kay Nanay Stella para magawa niya itong mapapayag? Ang kaninang nagaalalang mukha niya ay napalitan ng saya at kaginhawaan. Habang nakikita kong nakikipag-usap pa siya, agad kong kinalikot ang loob ng kaniyang sasakyan upang mabuksan ko ang pinto.

Bakit kasi auto ito!

Hinanap ko agad sa mga parte ng kotse ang button kung saan ko pwedeng buksan ang pinto at dumako ang tingin ko sa gitna. Pinindot ko agad ito at inayos ang damit kong nagusot pero walang bumukas na pinto marahil iba pa ito.

Sa oras talaga na makalabas ako sa kotse na 'to, magtatago na talaga ako sa lugar na hindi nila ako makikita. In short, 'yong liblib dapat.

"Nandyan ka lang pala." nakangising kong pinindot ito at akmang bubuksan na sana sa may gilid ng ayaw na itong bumukas. Narinig ko naman ang pagsara ng pintuan sa kabila kaya napalingon ako.

"So slow, darling." Nawala ang ngisi ko ng makita ang nakakalokong ngisi ni Sandro. Badtrip!

"Ibaba mo na nga ako, Sandro! Hindi na ako natutuwa sa laro mo!" Naiiritang sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Mukha ba akong nakikipaglaro, Dame? I'm doing this for your own good. Ayaw mong madamay sina Nanay Stella, hindi ba? Kaya nandito ako at handang-handang madamay sa mangyayari." aniya, napahalukipkip na lang ako, wala akong idea kung ano ang ipinupunto niya ngayon at kung ano mang gusto niya.

Salvador siya at ako 'yong taong ipinagkasunduan nila na kailangan dakpin. Bakit niya ako tinutulungan? Baka patibong ito?

"Please, stop thinking too much. I'm not into my family's side. Huwag kang mabahala. May sarili akong desisyon." Napanguso na lang ako ng maramdaman kong bumukas na ang makina at nakita kong gumalaw na ito.

Nasa daan lang ang tingin ko at pinagmamasdan ang mga taong naglalakad na nadadaanan namin.

Handa na kaya talaga ako?

"Hoy, Sandro!" Napaigtad ako ng biglang may magsalita sa loob ng kotse. Pamilyar ito at tiyak kong si Rhys ang nagsalita.

"What?" Mahinang sagot niya naman.

"Anong 'what' ka diyan! Natunugan ka ng bunso niyo at alam niya na kung saan kayo papunta!" Awtomatikong nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Rhys at dahil sa narinig ay nangilid na agad ang mga luha ko. Sinasabi ko na nga ba!

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now