Sa pangalawang araw na hindi lumalabas sa kwarto, walang araw at oras naman akong hindi tinatantanan ni Vhione at pinipilit akong lumabas.
"Lumabas ka na kasi diyan! Dalawang araw ka nang hindi kumakain!" Malakas niyang sigaw mula sa labas ng kwarto habang kinakalabog ang pinto.
"Kumakain ako dito!" Pabalik kong sigaw.
"Anong kumakain?! Anong kinakain mo diyan, aber?!"
"Kulangot siguro, Vhione. Malamang may mga tinapay po ako dito, bigas, at rice cooker, so mabubuhay ako sa gutom. Huwag mo na akong bulabugin! Please lang! Gusto kong matahimik kahit isang araw lang para makapag-isip." Pagpapaliwanag ko sa kaniya sabay kalansing ng kaldero. Narinig ko siyang um-oo at ang mga yapak niya palayo.
Miss ko na si Pseudonym. Napanguso ako sa inisip ko, siya lang din ang nagiging dahilan para kumalma ako.
Naglakad na lang ako patungong terrace ng kwarto ko at doon muna tumambay. Habang nakatambay, pinakatitigan ko ang bawat lugar, mga tao, at bahay hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang marangyang kotse na huminto sa harapan ng kaharap naming bahay. Nagtataka akong naghintay at natatawa sa iniisip ko.
Baka may bagong boylet si Sharon, ang bading naming kapitbahay na palaging may dinadalang lalaki sa kaniyang house. Sa isang buwan ko rito palaging may naghahatid sa kaniyang iba't ibang mga sasakyan at ngayon mukhang mayaman yata ang natipuhan ng maldita!
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ang taong nasa loob nito at iniluwa doon si Sandro, he's wearing a slim fit suit that makes him even more handsome and hot. Oh shocks! Sa akin pala 'to.
Geez. Akala ko pa naman— pero inpernes ang gwapo niya at mas lalong lumaki ang muscles niya. 'Yong tipong ang sarap magpasakal.
Hay, Agasher! Nababaliw kana yata!
I saw him walk towards the gates of—wait, ano na naman bang ginagawa niya dito?
Agad akong tumakbo pababa para pigilan sana si Vhione sa pagbukas ng gate, pero huli na dahil nakarating na sila sa may pinto.
"Good morning, ikaw po 'yong pumunta last time para bisitahin si Aga." Bati ni Vhione sa kaniya.
Ngumiti naman si Sandro at tumango, "Uhm, can I talk to Agasher?"
Malawak na napangiti si Vhione sa kaniya at sinagot si Sandro. "Oh, sure! Nasa taas lang siya." At agad niya namang pinapasok si Sandro sa loob. Nang akmang isasara na ni Vhione ang pinto, nakita niya ako, gulat itong tumingin sa'kin.
"Anong ginagawa mo diyan?" she mouthed. Sininyasan ko naman ito na manahimik.
Hindi kami napansin ni Sandro dahil tuloy-tuloy lang itong pumasok at umupo sa isa sa mga sopa sa sala.
Pinanliitan ko pa si Vhione bago lalong sumiksik sa likod ng pinto na may itim na kurtina, siya naman ay sinundan at linapitan si Sandro.
"A-ah, Ano— Si Agasher, alam mo bang hindi kumakain 'yong babaeng 'yon simula nung nag-walkout siya. Nagkulong lang siya sa kwarto niya ng dalawang araw, tapos hindi niya kami kinakausap, may susi naman kami kaso ayaw niyang ibukas sa tuwing bubuksan namin. Sir Sandro, tulungan niyo naman po kaming mapalabas siya. Tutal ay nandito na rin naman kayo, mukhang mag-bestfriends naman kayo eh. Hehe."
Mahina akong napamura dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig nitong babaeng 'to. Sinumbong pa talaga ako.
Habang pinagmamasdan sila, sinasabayan ko naman ang malakas na bunganga ni Vhione na nagk-kwento kay Sandro at binubuksan ang bintanang nasa likod ko. Nang mabuksan ay dali-dali akong lumabas at tinakbo ang parte kung saan maaari akong umakyat patungong terrace ng kwarto ko upang doon dumaan papunta sa loob ng kwarto ko. Nagmistulan akong magnanakaw sa lagay kong ito.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...