CHAPTER TWELVE

435 7 3
                                    

Huminga muna ako saglit para kumuha ng lakas bago dahan-dahang binuksan ang pintuan.

Lord, may nagkakarerang kabayo sa loob ko. Tulungan niyo ako!

Tapos tae! Iyong mga markang ibinigay niya sa balat ko litaw na litaw! Kainis, mabuti na lang medyo mahaba-haba buhok ko kaya natatakpan ko.

"That's your table and laptop. That's all yours," malamig na sabi nito na para bang walang nangyari kanina.

Ha! Ganyan pala, Sir, ha?

"Before I start po may gusto pa po ba kayo, Sir? You want me to prepare you a coffee or lunch?" parang tangang tanong ko sa kaniya.

Aba! Ginaganyan niya ako, ha. 'Kala mo naman talaga! Kalma, Agasher and be professional. Kalmahan mo at gawin mo na lang ang trabaho mo.

"I don't. Just sit there and wait for the calls, and arrange my schedule for this week." Agad naman akong tumungo sa lamesa ko at binuksan ang laptop.

"Sir, may password po."

"Ano pong password, Sir?" tanong ko. Sabi niya ay akin daw 'to pero bakit may password? Dapat wala kase akin na 'to. Duh?

Lumingon ako sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng mga reports.

"Write 'Thatha' and it's T-H-A, Thatha." Habang sinasabi niya yun, ay nakatutok pa rin ito sa papel kaya wala akong nagawa kung hindi i-type na lang.

"Tha-tha?" nagtataka akong nagtype sa laptop, 'di ba usually kapag sayo yung laptop dapat name ng business or name ng may-ari? Bakit Tha-tha? Sandrotha ba name ni Sir? O Harrelltha? Luh! Pangit naman. Nakakakilabot.

Bahala na nga si Batman! Basta maayos ko lang schedules, report, at ibang proposal, ayos na ako.

Makakapag-twitter na kasi ako. Makikita ko yung mga comments ng mga pinsan niya. Tsaka baka makita ni Tremaine the bruha 'yon kaya mas magandang ready na ako.

OGDame here I come!

MAKALIPAS ng ilang oras ay naayos ko na ang dapat kong ayusin.

"Sir, clear na po lahat. Bukas po may meeting po kayo kay Mr. Emerson mga alas kwatro ng hapon po." Matapos kong sabihin ay inistretch ko ang mga kamay ko paitaas.

That feels so gooooood! Nangawit ako kaka-type ay medyo curvey ang likod ko kaya ngayong nag-stretch ako parang bumalik sa dating pwesto mga buto ko ah.

"Okay, great." napasimangot ako sa sagot niya at pakiramdam ko bumigat ang dibdib ko bigla.

Inaatake yata ako sa puso. Help! Naninikip puso ko.

OA!

Dahil sa sobrang boring ko ay binuksan ko na lang ang twitter ko, walang pinagbago. Sabog ang notification ko. Napadako naman ang tingin ko sa trending.

#GolddiggerXOGDame
#PersopoulosArrival

Paniguradong kagagawan na naman ito ni Tremaine. That bitch! She's getting on my nerves! Nakita niya na pala at nagpa-trending pa ang baliw.

Ilang minuto pa lang ang lumipas ng mag-trending ang mga hashtag na 'yon kaya nag-scroll ako para magbasa-basa ng mga komento.

Napalingon ako kay Sir dahil narinig ko ang pangalan ni Tremaine.

"Trouble, trouble.. Yeah, kagagawan na naman ni Tremaine.. I don't know? I think jealousy? Tch.. That crazy bitch.."

"Okay, bye moron... C'mon, bro, stop asking me that shit."

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now