CHAPTER FIVE

480 10 0
                                    

AGASHER DAME REYES

Nakayuko ako ngayon habang nagd-drama. Ewan ko kung bakit ako pumayag na mapunta sa maingay na lugar na ito tapos ang baho-baho. Masakit sa ilong. Parang pinaghalong malalandi, alak, at sigarilyo. Ops.

Sakit na ng ulo ko at pakiramdam ko may mabigat na nakapatong sa dibdib ko.

Habang nagddrama ako ay biglang may lumapit sa tabi ko dahan-dahang niyugyog ang balikat ko, "Agasher, wake up. Uuwi na kita."

Napaangat ako ng ulo dahil sa nagsalita at naguguluhang tumingin sa kaniya dahil pamilyar ang boses niya. Sir Sandro?

Nang maaninag na si Sir Sandro ay hindi ko mapigilan ang luha ko at humagulgol sa harapan niya.

Lagot ako sa kaniya bukas huhuhu!

"Mom, Dad, I'm sorry," I want to cried out loud, "Mommy! I'm so sorry for what I did, please forgive me. Forgive me."

It's been 3 years simula ng gawin ko ang isang bagay na hindi naman dapat.

"Hey, it's okay," dagdag sa iyak ko ang sinabi ni Sir sa akin.

Kahit papaano pala ay may ganitong side siya. Sana ganiyan na lang siya palagi, soft spoken ba. Lagi na lang kaya siyang may regla.

"Daddeeehh! Huhuhuhu, I'm very sorry," para na akong baliw na umiiyak dito habang tumatawa pa. Mental na next nito.

Nakayuko akong umiiyak at sinasabayan ang malakas na tugtogin. Para talaga akong tanga rito na umiiyak.

Umalis si Sir. Nairita yata sa iyak ko.

"Why do you have favoritism kase? Bakit hindi niyo ako kayang pagtuunan ng pansin? Mabait naman akong anak. I thought I'm your princess? Your favorite princess? Pero, bakit kayo nagpabulag kay Tremaine! I hate you all people! I hate you all!" Nararamdaman kong may humahaplos sa buhok ko habang nakayuko ako.

"What is your problem, woman?" Mas lalo akong napaiyak nang marinig ang boses na iyon. He's back. The man that I loved.

Siya 'yon. Ang lalaking misteryosong nakatitig sa akin kanina. I just realized na siya 'yon nang makita ko ang babaeng ipinalit niya sa akin, It's Yvanna. Marami man ang nag-iba sa kaniya ay hindi ko pa rin makakalimutan ang sakit na binigay niya sa akin.

"Stop crying, Dame," he comforted me. I missed this.

"Kyle," mas lalong lumakas ang iyak ko nang marinig pa ang isa pang boses.

"Why are you here, Babe?" dinig kong tanong ni Kyle sa kaniya.

"Nakita lang kita. By the way, who's that girl?" ramdam ko din ang titig ni Yvanna sa akin.

"Friend of mine," parang nadurog ata puso ko dahil sa sinabi niya.

Gago yata 'to. Kaibigan pero ganito?

"Okay, hintayin kita sa table namin," dinig kong paalam nito kay Kyle.

Sumilip ako bahagya at nakita kong nakatitig pa rin sa akin si Yvanna habang naglalakad papalayo.

"Do you want me to drive you home, Dame?" tanong nito sa akin at patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko. Inangat ko na ang ulo ko at tinabig ang kamay niya tsaka iniikot ang paningin because I felt uncomfortable bigla. Naghahanap ng daan kung saan ako pwedeng tumakbo baka sakaling masuntok ko siya sa panga.

"No need, Storm," walang pagaalinlangan kong sagot sa offer niya, umigting ang panga niya bago isinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Why can't I drive you home?" he asked.

"Bakit mo pa ako ihahatid, eh wala na ta—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may sumingit sa salita ko.

"She's with me, Montevalye. Is there a problem here?" nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses na iyon. Bumalik si Sir.

Anong ginagawa niya dito? Nawala ata kalasingan ko dahil sa kaniya. Akala ko si Jean ang pinunta niya rito?

"Just having a conversation— Wow! It's the great womanizer Sandro Salvador. Why are you with her? Why'd you left her?" napalingon si Storm sa kaniya at napaataas ang kilay siyang napatanong kay Sir Sandro.

"I think it's time for her to go," hindi sinagot ni Sir ang mga tanong niya instead ay tinulungan niya akong tumayo sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa braso niya at bahagyang suminghot dahil tumutulo ang sipon ko. Bahagya pa nga akong nanginginig dahil din sa lamig. Geez.

"Why are you in this place, Salvador?" tanong ulit niya kay Sir Sandro.

Manahimik kana, Storm, please lang! Baka mapaaway pa kayong dalawa sa mga tanong mo!

"I invited her, Montevalye and I paid our bills that's why I left her for a while. I didn't expect you to be here and talk to her like that. She seems so uncomfortable with you. Sick psycho." sagot naman ni Sir sa kaniya. Napalingon ako kay Storm para tignan ang reaksyon niya.

"Sick psycho? Huh. Hindi ko siya hahayahang sumama siya sayo, Salvador. Malay ko bang ilagay mo siya sa mga listahan ng mga babaeng linaspag mo?" nakangisi siyang sumagot kay Sir Buhangin.

Ano daw? Maging isa sa mga naikama ni Sir? No way, high way! Kay Bullet na ako, hehehe.

Tinabig ni Sir ang kamay ni Storm na humawak sa braso ko para pigilan akong sumama kay Sir, "Stop talking nonsense, Montevalye. Now, get your ass away from her or do you want me to call Yvanna that is looking in our direction right now? Agasher is mine so fuck off."

"Hoy! Kayong dalawa huminto na kayo. Anong mine mine? Ayos na ako, Sir. Kailangan kong hanapin si Jean dahil baka mapahamak pa siya. Balikan mo na si Yvanna dun, Storm." ay oo nga pala. Pansin kong kanina pa wala si Jean? Nasaan na kaya 'yong babaeng 'yon?

"Ginsen fetch her earlier. No need to worry." sagot agad ni Sir sa akin.

"Oh, ayos na pala siya. Eh kaya ako na ang maghahatid sa kanya," si Kyle naman ang nagsalita.

"Anong ikaw? Wala! Walang maghahatid sa akin dahil uuwi akong mag-isa! Che!"

Tinapik ko lahat ang mga kamay nilang akmang hahawak sa akin ulit at naglakad ng pagewang-gewang? Huuuh? Ewan ko lang, sumasayaw kasi 'yong bote tsaka mesa eh.

Agad akong tumayo at naglakad ng pagewang-gewang? Hu? Ewan ko lang, sumasayaw kasi 'yung bote tsaka mesa e.

Ramdam ko na rin ang matinding hilo habang tinatahak ang daan patungong labas ng bar na ito at alam kong sumusunod si Sir sa akin para gabayan alo.

Sa bar ako dinala ni Jean to enjoy this night and to forget the problems daw. Ngi? Eh mas lalo nga akong namroblema dahil dumating si Sir Sandro, pero teka nga. Paano napunta si Sir dito?

Tinext ba siya ni Jean o coincidence lang?

Nasusuka ata ako, shete!

"BWAAAAAAOAKK!" napasuka ako ng hindi oras nang bigla may humawak sa bewang ko at hinigit ako. Hala! Taeeee!

Lagot na! Patay ako nito bukas! Wait, sandali nga. May appointment 'yung fianceé niya sa akin bukas. Paano na! Matagal pa man din maalis itong hangover ko niyan!

Magsasalita pa sana ako nang makaramdam ako ng matinding antok at hilo hanggang sa bumigat na ang talukap ko, biglang dumilim na ang paningin ko.

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now