AGASHER DAME REYES
Maaga akong pumasok ngayon sa opisina, mas nauna pa ako sa boss ko. Kahit napakasama ng pakiramdam ko, pinilit ko pa ring pumasok.
Syempre, habang naghihintay, binuklat ko muna ang laptop na binigay niya sa'kin at nagtipa-tipa.
Tiningnan ko ang account ko sa Underground kung pwede pa ba, then pwede pa nga.
Agad ko itong linog-out at tumungo sa isang site upang makagawa ng panibagong account.
But you can't enter this site without the head's permission, syempre.
I do what I did before, entering sites without the head's permission, hack their system, then boom! You can sign up now.
Username: Assaul|
'Assault' lang ang nilagay ko at naglagay na ng password.
Yes! I have a new account! Yuho—
"Jean, call Miss Reyes to come here early." Napatigil ako sa pagsigaw sa isip ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at magsalita si Boss. Nag-angat na din ako ng tingin at nakita kong kakapasok lang ni Boss sa loob, kasunod lang niya si Jean.
Mabilis kong nilagay ang headphones sa ulo ko at mabuti na lang na may music ito, kaya nagpanggap na lang ako ng walang narinig at may pa-headbang-headbang pa habang sinusunod ang kanya.
Rock ito kaya talagang mapapa-headbang ka.
Ramdam kong napatingin sila sa pwesto ko pero isinawalang-bahala ko lang yun.
Napatigil na lang ako sa pag-headbang nang may yumakap sa'kin. Mula sa pagkakapikit ng mga mata ko ay napamulat ako at tinignan kung sino ang taong 'yon.
Nakita ko si Jean na nakayakap sa'kin. Muli nanamang nanumbalik ang mga alaala ko kagabi, kung paano sila maghalikan at magyakapan. Teka, bakit ba nasasaktan ako? Pake ko ba sa kanila! Mag-make-out pa sila sa harapan ko e! I-video ko pa! Tss.
Dahan-dahan kong inalis ang headphones ko.
"Anong problema?" tanong ko sa kaniya.
Humiwalay naman ito at pinunasan ang luha niya. "Maraming salamat sa'yo ha, kung hindi dahil sa'yo baka wala na ako rito, huhuhu!"
Umiyak na naman ito habang nakatingin sa'kin. Tinanguan ko lang ito at binigyan ng pekeng ngiti.
"You're welcome."
"Back to work, guys!" I tried to cheer up my voice at nag-umpisa na namang mag-type sa laptop. Syempre, inalis ko na yung site na yun dahil baka magtaka pa 'tong si Jean 'pag nakita niya.
"Alis na ako, Sandro," paalam ni Jean kay Sandro bago humarap sa'kin.
"Coffee tayo later, Agasher ha?" nakangiting aya nito sa'kin.
"Ah, yeah sure." Then she walked out the door.
I started to work as what I'm doing.
I didn't bother to look at Mr. Salvador 'cause I know he's busy too.
I signed a lot of papers as what Mr. Salvador's doing too.
Sinusubukan niya akong kausapin pero hindi ko siya kinakausap o pinagbibigyang pansin dahil alam ko naman na sasabihin at iisipin niya.
Bakit ako nasa lugar na 'yon?
Duh!
Parang nagtutulungan lang kami sa pagpirma. Tinutulungan ko siya kung may magandang ipinasa ang mga investor niya at pipirmahan ko.
Until I suddenly stopped because of what I've seen.
"Atantha Myftle Porsepulos Proposal." Basa ko sa nakasulat. Huh?
Atantha Myftle? Ano raw? Para akong naduling dahil bala-baliktad ang mga letra. Wrong spelling is wrong!
"Sir," tumayo ako habang hawak-hawak ang folder.
Napahawak ako sa ulo ko nang biglang nag-ikot ang paningin ko. Bigla kong naramdaman ang pagkahilo, para bang ang buong mundo ay umiikot nang mabilis. Tumindi ang sakit sa ulo ko, parang may martilyo na pumapalo sa bawat sulok ng utak ko. Parang sumisikip ang dibdib ko at hirap akong huminga.
"S-sir, hindi ko po maintindihan, alien po yata ang may-ari niyan." Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng mesa niya habang napapikit ng mariin, hoping na mawala ang sakit. Ang mga tuhod ko ay nanghihina at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse anumang sandali.
Shete, parang binabasag ulo ko ah. Ang sakit, ang bigat. Hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko ay unti-unti nang nagdidilim ang paligid ko. Parang may malamig na pawis na bumabalot sa akin at parang bumabagsak ang katawan ko, hindi ko na kayang lumaban pa.
"You okay?" Dinig kong sabi ni Sir. Umiling ako nang dahan-dahan hanggang sa hindi ko na talaga kinaya at bumagsak na naman ako sa sahig.
"Agasher!" Iyon na lang ang huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
Aktuelle Literatur[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...