THIRD PERSON OMNISCIENT
Makalipas ang ilang oras ay nananatili lamang na nakaupo si Agasher sa kaniyang swivel chair at nakatutok sa mga monitor na nasa harapan niya. Wala siyang ginawa magmula kaninang natapos siya maglinis ng sugat kundi ay ang panoorin ang magkakapatid na patuloy na pinaguusapan ang pagbabalik nila kay Agasher sa magulang nito sa Greece.
Rseyine's voice cut through the chaos, her frustration evident. "Ayaw ko! Ayaw ko ang plano niyo, Kuya Arckon! Look. Galit na sa’kin si Agasher at ayoko nang madagdagan pa ‘yon," sabi ni Rseyine habang nagpupunas ng luha. Si Agasher ay nakatuon sa mga screen, ang mga daliri niya ay naglalaro sa ibabang labi niya habang pinoproseso ang nangyayaring kaguluhan sa labas, sa ibaba ng kwarto niya.
Ang mga salita ni Rseyine ay nagpaalala ng tensyon na dinaranas ni Agasher. Hindi niya maipagkakaila na ang patuloy na banta, salita at desisyon nila ay makadagdag pa sa stress ni Agasher. Bigla habang patuloy na naguusap ang magkakapatid, the sharp sounds of gunfire and shattering glass filled the room, a dark soundtrack to a desperate situation.
Agasher's mind raced—this shouldn't be happening. Bahay ko pa talaga ang ginawang battlefield!
"Bloody hell. This can't be," mura ni Agasher matapos ang kaguluhang nangyayare sa sala niya ngayon, ang kanilang nga pinamiling gamit ay hindi nakaligtas sa putukan.
"Yuko!" Kasabay ng sigaw ni Kai, sabay-sabay silang nagsipasok sa bahay habang nakayuko. Ang mabilis na pagpasok nila ay kasabay no'n ang mga rumaragasang balang bumalot sa bahay ni Agasher.
"‘To na nga ba ang sinasabi ko eh!" rinig niyang pagmamaktol ni Rseyine habang patakbong nagtago sa likod ng isang single sofa. The sofa spun as bullets struck it, providing her with intermittent cover while the gunfire scattered debris around.
Itinapat ni Agasher ang labi niya sa maliit na mic sa tabi ng isang keyboard at nagsalita, "Rseyine, pumunta kang kusina at buksan mo ‘yong ilalim ng alababo ngayon din." Ang tono niya ay malamig, umaasang ang utos ay makakatulong sa gitna ng kaguluhan. Sigurado si Agasher na sila lang ang makakarinig no'n at hindi maririnig sa labas.
Rseyine complied, kahit halatang nabigla siya. Ang isip ni Agasher ay mabilis na nag-iisip ng maaari niyang gawin sa susunod, sinusubukang pigilan ang ngiti sa kaniyang mukha dahil sa nakikita niyang pagkataranta ni Rseyine. She looked lost.
Habang sina Arckon naman ay bumunot na ng baril at sinabayan ang mga tao sa labas. The gunfire outside turned into a contest of attack and defense, as the enemies met the defenders' bullets head-on.
Agasher watched the footage outside and saw the armed men crowding into the courtyard. Ang bawat screen ng monitor na may surveillance footage ay nagpapakita ng mga galaw ng kalaban kaya mas nagiging alerto si Agasher. Para siyang nakakita ng isang reality show kung saan ay may iba't ibang task na ginagawa ang mga ito.
"Rseyine," Agasher spoke into the mic.
"Oh?" sagot ni Rseyine habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng kusina. Ang mga matalim na tunog ng bakbakan mula sa labas ay umaabot sa kusina, nagiging matinding pressure habang ang mga baril ay nagtataglay ng tunog ng pagsabog.
"Huwag mo nang iikot ‘yong paningin mo at kunin mo na ang mga baril." Pinipilit ni Agasher ibalik sa dati ang ekspresyon at huwag matawa dahil sa mukha ni Rseyine. Ang kaniyang pagkataranta ay tila nagpapalakas sa nakakaasiwang sitwasyon. Parang tanga, Rseyine.
![](https://img.wattpad.com/cover/372836920-288-k685843.jpg)
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...