CHAPTER TWENTY-THREE

270 4 0
                                    

Nakanguso kong liniligpit ang mga regalo at bulaklak na binigay sa akin ni Sandro ngayon dahil kakaalis niya lang, may kinakailangan daw siyang asikasuhin sa trabaho at sa mga kapatid niya. Bago siya umalis ay sinabi niya sa aking huwag na muna ako lumabas-labas ng bahay nang hindi ko kasama ang dalawa kong kaibigan dahil baka mapahamak ako o 'di kaya ay matipuhan ako ng mga kapatid niya.

Hindi ko maintindihan ang parteng sinabi niya sa akin na baka matipuhan ako ng mga kapatid niya marahil ay hinahanap-hanap ako ng mga ito para ibigay sa mga magulang ko. Pakiramdam ko tuloy ay halos lahat ng mga kakilala ko ay nakikipagkasundo na sa Persopolous o kay Tremaine dahil din may reward nga naman kung sino ang makapagbigay ng prinsesang pumatay sa kaniyang sariling lola.

Matapos kong iligpit ang nagkakalat na mga regalo ni Sandro dito sa sala ay nagpunta ako ng kusina para kumuha ng isang can ng softdrinks sa ref at linagay ito sa mga parteng minarkahan ni Sandro kanina. Sana bago pa man magising at makababa ang dalawa ay mawala na dahil namumula na ang mga ito, kahit iyong nasa itaas lamang ng dalawa kong dibdib na hindi masyado makita ang maiwan huwag lang itong masyadong visible sa kanila.

Sumandal ako sa kitchen sink habang nakatapat sa leeg ko ang can ng softdrinks. The sun was about to rise, and I could feel the kitchen and living room heating up, likely because the air conditioners were off. It was only six when Sandro arrived, so there wasn't much daylight then.

My thoughts drifted back to what we did earlier and how I allowed him to kiss and suck on different parts of my body. Sumugal na ba ako, or should I stop this before it goes too far? Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin at sa paligid ko, tiyak kong maraming madadamay kapag nagdesisyon ako pero bakit ganito?

I knew I would be safe with Sandro, but I couldn't shake the feeling of unease. As long as his connection with my sister remained, I couldn't find peace. Naiisip ko tuloy na baka may napagkasunduan sila na hindi ko alam and his confessing were all fake.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng malalim dahil kakaiba na ang nararamdaman ko, parang hindi ko na mapagkakatiwalaan ang mga tao sa paligid ko.

Alas ocho y cincuenta ng umaga nang nagtagumpay akong na-i-alis ang ibang mapupulang marka ni Sandro'ng nasa leeg ko at kasabay nun ay ang maingay na bunganga ni Rseyine pababa.

"Magandang umaga, Agasher! Wow! Kanino kaya galing 'tong mga paper bag na 'to at bulaklak na 'to?" dinig kong malakas na sabi ni Rseyine mula sa sala. Naglakad ako patungong pinto ng kusina at sumandal sa gilid habang hawak na ngayon ang tasa kong may laman ng gatas. Nakita kong tinapik ni Reid ang kamay ni Rseyine at parang nagdedebate pa sila kung pakekelaman ba ni Rseyine 'yon o hindi hanggang sa nahagip ako ni Reid, tinuro niya ako sabay lingon ng ulo ni Rseyine sa pwesto ko.

"Huwag mong pakekelaman 'yang chocolate ko at cake, Rseyine dahil marami rito sa ref." mariin kong banta sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at mabilis na tumango-tango ng paulit-ulit.

Naglista na ako ng mga bibilhin ko mamaya sa supermarket at accessories shops pagkatapos namin kumain ng tanghalihan nila Rseyine tsaka Reid. Inaya ko rin sila na samahan ako at ang mga loko bago pa pumayag nagpumilit munang tikman ang bigay ni Sandro sa akin pero syempre ang pinatikim ko lang sa kanila ay ang imported na tsokolateng binigay niya hindi 'yong paborito kong cake. Akala mo talaga walang masasarap na chocolate sa france at italy kung makahingi sila.

Alas dos nang hapon ng mapagpasyahan na naming umalis nina Rseyine at si Reid ang nag-drive. Hindi na kami nag-ayos pa ni Rseyine dahil mamamalengke lang kami ng gamit. Simpleng puting over-sized shirt at maong na short lang ang suot namin tapos si Reid, ayon pinilit pa naming mag-chino short dahil gusto niya mag-pantaloon pa siya habang kami nakatalagang pambahay lang. Nako!

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now