CHAPTER TWENTY-SIX

232 3 2
                                    

AGASHER DAME REYES

ONE MONTH LATER | Angeles City

"Hey! Hey! Stop—Argh! Pseudonym!" Inis akong napabaling kay Vhione na tumatawa lang sa tabi ko.

"Vhione, dear.. Bakit mo kasi inalis 'yong tali niya? Look what you've done." Habol-hininga akong napaupo sa gilid ng daan dahil sa pagod.

"Hindi ka pa ba sanay sa'kin, Dame? I always do this every time I hold Pseudonym. Duh." I saw her roll her eyes before sitting beside me. Tch, ma-attitude rin itong isang 'to eh.

"You've been here for a month; aren't you afraid of being caught by the cops?" Umiling-iling ako bilang sagot tsaka huminga ng malalim. Walang magagawa ang mga pulisya rito sa Angeles marahil ay hindi pa nila nababalitaan na nandito ako.

Isang buwan na ang nakalipas simula ng umalis ako sa bahay ko ng walang pasabi. I sneaked out of my own house. That was funny, right?

Nang marinig ko ang sinabi ni Arckin, agad akong umalis sa bahay ko ng hindi nila napapansin. Dumaan ako sa bakuran ng likod ng bahay ko na sinigurado kong wala ng mga tao run at ika-ikang napapahawak sa balikat ko nang maramdaman ko ang hapdi at pagpintig ng sakit dito, pagkatapos ay kinuha ko ang phone upang tawagan ang taong maaaring makatulong sa'kin sa ngayon.

"Kailangan ko ang tulong mo, Costa," bungad ko ng masagot ang tawag.

"Woah, woah, biglaan yata 'yan, Reyes. Why do you suddenly need my help?" Nakangiti akong tumingala sa langit at naglakad papalayo sa bahay ko.

"Biglaan nga, at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa'kin. Marami ng hawak si Spring sa mga kamay niya, at ayaw ko ng dumagdag pa run."

"Wow? Anong tingin mo sa'kin? Ordinaryong taong may ordinaryong buhay? Dude, I fucking own several financial companies and large corporations around the world, as well as a significant presence in the business industry! An entrepreneur, okay? I run all of them on my own! So that makes sense." Napairap naman ako dahil sa isinagot niya.

"I already know that. I just need someone to cover me up, lalo na't paniguradong darating pa ang iba niyan dahil alam na nila kung saan ako makikita. Sorry dude, but we're in the same boat right now. Full of handling fucking problems." Kinuha ko ang katana ko sa lalagyan nito at pinutol-putol ang bawat malalaking damong humaharang sa dinadaanan ko.

"A chopper. 'Yon lang ang kailangan ko para makalipat ako patungong Pampanga," sabi ko at patuloy pa rin sa pagputol ng mga malalaking damo.

"Okay. Saan ko ipapalapag?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa isinagot nito.

Itong babaeng 'to, kahit ang daming trabaho, nakakaya niya pa akong tulungan. Tsk, tsk, tsk. Mababayaran din kita, Costa. Chill lang muna tayo.

Saglit akong napahinto at napaisip.

Kung pupunta ako doon, baka madamay sina Vhione? Kung hindi ako doon, eh saan naman? Hays. Hindi na ako pwedeng tumira pa sa isa sa mga bahay niya run dahil nakakahiya na kung manghihingi pa ako ng mapagtataguan.

"Bahala na nga. Hindi nila ako matutunton doon dahil malayo 'yon dito at hindi alam ni Rseyine ang lugar na 'yon dahil hindi pa siya nakapunta doon. Tanging si Spring lang ang nakasama ko noong nagpunta kami do'n," mahinang bulong ko tsaka sinabi kay Aegeus kung saan ilalapag ang chopper na ipapadala niya.

Napaigtad ako at napabalik sa realidad ng tapikin ako ni Vhione sa kaliwang balikat. Kahit na magaling na ang nabaril ko sa kanang balikat ay maingat pa rin niya akong tinatapik o hinahawakan ni Vhione dahil siya ang nagtahi ng sugat ko pagkarating ko rito.

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now