CHAPTER TWENTY-FOUR

230 2 0
                                    

Pagdating namin sa bahay, agad kaming bumaba ng kotse. Mabilis na binuksan ni Reid ang pinto at nagsimula akong bumaba nang naramdaman ko ang biglaang pagkirot sa likod ko. Pinilit kong huwag magpakita ng kahit anong ngiwi para hindi sila mataranta.

"Potcha, huwag muna nga kayong mag-panic," sabi ko nang makita kong papalapit si Rseyine sa akin para abayan ako, "Hindi pa naman malala ito. Kailangan lang natin mailipat ang mga groceries sa loob."

"Agasher, hindi pwedeng iwan lang natin ang sugat mo," sabi ni Reid na nag-aalala.

"Huwag na kayong mag-alala. Dalhin niyo na lang ang mga pinamili natin sa loob," utos ko. Ayoko ng magmukhang mahina o vulnerable. Sa sitwasyon namin ngayon, bawal ang magpakita ng kahinaan lalo na ay baka bigla nasa loob na pala sila ng bahay tapos ako dumadaing agad sa sakit.

Habang dinadala nila ang mga groceries, naramdaman kong lalong sumasakit ang likod ko. Parang may pumipintig sa loob, at unti-unti na akong nanlalabo ang paningin.

"Sige na, tapusin na muna natin 'to. Ilipat niyo na lahat ng pinamili natin sa loob," utos ko ulit, pilit na pinipilit ang sarili na manatiling matatag at buhay ang kalooban ko.

Nang matapos sila, bumagsak ako sa sofa. Ramdam ko ang matinding sakit na halos hindi ko na kayang tiisin, namamanhid na ang halos buong kanang kamay ko. Naupo si Rseyine sa tabi ko habang titig na titig sa akin na may pagaalala tapos ay hinihintay ko si Reid na hinahanap ang first aid kit na pinakuha ko at napapikit muna. Gusto ko na matulog dahil sa sobrang pagod. Nananatili lang akong nakapikit nang may tumunog. Phone iyon hudyat na may tumatawag.

"It's not my ringtone, Seyine." malamya kong sabi.

"Sa akin nga hehe, excuse muna." Sinilip ko si Rseyine na tumayo tsaka sinagot ang tawag. Naglakad ito patungong likod ng bahay kung saan ay kita ko pa rin siya hanggang dito sa sala.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo nito at pinipisil-pisil ang ilong niya.

What's wrong with her? Bakit parang naiiyak siya? Pinapauwi na yata 'to sa magulang niya.

Hindi ko mapigilang matawa sa sariling iniisip ko at para akong baliw na ngumingiti rito.

Makalipas lang yata ng halos sampong minuto ay papasok na siya ulit kaagad dito sa loob kaya napamulat na ako ng tuluyan tsaka siya binalingan at tinanong kung anong problema.

"May problema ba? Bakit parang naiiyak ka na? Pinapauwi kana 'no?" natatawang tanong ko sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako.

"Ah? Wala ah. H-hindi naman ako naiiyak. A-ano uh, nagkaproblema lang—Oo! Nagkaproblema lang, hehe," Hindi mapakaling sagot niya sa'kin kaya tumatawang napailing-iling ako tsaka kinamot ang noo ko.

"Hindi mo ako makukuha sa ganyan. Kilala kita at alam ko kung nagsisinungaling ka ba o hindi. Huwag kang kabahan. Ako lang 'to oh, ang taong bubugbog sayo kapag nagsisinungaling ka." nakangiting sabi ko sa kaniya sabay kindat.

Napabuntong-hininga siya tsaka naupo sa sahig, ang itsura niya ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ewan ko ba pero.. bakit nangyayari lahat 'to? Ano bang gusto nila sayo? Bakit ginaganito ka nila? Bakit ginaganito ka ng tadhana?" nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya at naguguluhang tinitigan siya.

"Easy, Rseyine. What the hell are you talking about?"

"H-hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo 'to but.. Dame—"

Parehas kaming napahinto ng biglang may malakas na kalabog ang nag-ingay mula sa labas.

"I'm sorry! I'm sorry!" Nagsimula nang umiyak si Rseyine.

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now