Nang makababa na kami ni Sir sa kotse, ay dire-diretso lang itong pumasok, hindi man lang binati si Manong at hindi ako binigyan ng pansin o tingin man lang.
Tss, e di wow. Sama talaga at itim ng budhi.
Syempre, mabait at masunurin naman akong bata, agad ko siyang sinundan papasok pero binati ko si Manong.
Pagkapasok ay agad ko siyang hinanap at agad ding nawala sa paningin ko siya. Pumasok sa elevator agad?
"Hala, nasaan na siya? Bakit ang bili— AHHH!" Malakas naman akong napatili nang may humila sa akin sa isang silid at sinandal sa pader.
Woah, woah! Shit! Shit! Shit! Sino naman 'to?
Unti-unti kong inangat ang mukha ko at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang humila sa'kin.
WHAT THE PAKENING TAPEEEEEE!
"I missed you." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Y-you missed me?"
"Ah, yeah. A lot. I missed you a lot, amore mia. I've been looking for you for years." Agad niya naman akong hinigit at niyakap nang mahigpit.
H-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Nakakabigla! They found me! He found me! Oh my god.
Napansin niya sigurong hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kaya humiwalay na siya. Linayo niya ang katawan niya sa'kin.
Phew! That was awkward.
"Ang tagal kitang hinanap. Dito lang pala kita makiki—"
"Who are you? Why did you hug my wife?" Napalingon kami—no, ako lang pala. Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Sir Sandro na nakadantay sa gilid ng hagdan habang nakacrossed arms.
Napaurong ang ulo ko na parang nandidiri tsaka siya pinagtaasan ng kilay.
Kanina bad kitten tapos ngayon wife niya. Ano sunod? Divorced parents?
Loko 'to, mas lalong ineexceed ang iniimagine ko.
Tinitigan ako ni Sir, "You make me worried, woman. And you, who the hell are you? How dare you touch my property?"
"My real name is Nero Giuseppe Rossi but some people usually know me as Kai Julius Lindon. You're lucky because you met the prince of Italy. Sandro, right? Kaano-ano ka ni Agasher, husband? Wow!" Pakikilala ni Kai pero hindi siya naglahad ng kamay para makipag-kamayan kay Sir dahil iyon din naman ang pinakaayaw niya kapag nagpapakilala. Psh, arte rin.
"You married this guy over me, Aca— Agasher? I am better than him! I am the Prince of Italy at sino siya? Ano bang kaya niyang gawin para sayo?"
Damn this ginger-headed guy. NAPAKAYABAAANG!
"Fuck I care about you being the Prince of Italy," angal ni Sir, "And that's for me to know and you to find out what is our relationship," malamig na banat naman ni Sir kay Kai, napanga-nga naman ako.
Ayan tuloy. Pfft. HAHAHAHAHA!
Napairap ako sa kadramahan ng dalawa tsaka sila tinignan ng masama pareho.
"Please lang, trabaho muna ha? Kai, next time na lang tayo mag-usap, kasi may gagawin pa kami ni Sandro." Hinila ko naman si Sir papalabas ng pinto at naglakad-lakad. Nagpaubaya naman si Sir sa'kin hanggang sa napunta kami sa isang lugar na kaming dalawa lang.
Ang rooftop.
Dito ako mageexplain, dito ko sasabihin kung sino ako. Sasabihin ko sa kaniyang ako si Supergirl.
Charot!
Tumigil na kami sa paglalakad at humarap ako sa kaniya.
"Sir—" Hindi na naman ako nakatapos dahil nagsalita na agad ito.
"Why did you let him hug you, huh?" seryoso at malamig niyang tanong sa akin.
Yakap lang naman eh.
Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot. Aamin na dapat ako pero parang naputulan naman ako ng dila at hindi makapagsalita ngayong pinapagalitan niya ako.
"You drive me crazy, Reyes. I just left you to fetch some snacks and then saw you with another man already? Why can't I shout at you now? This is not fucking me. Fuck."
"You make me insane every time na kasama kita. Dapat galit ako sa'yo dahil hindi mo ginagawa ang trabaho mo ng tama but why am I like this.. again?" Napalunok ako ng sunod-sunod nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Akala ko yayakapin ako ni Sir pero iba pa pala ang gagawin niya.
"Ginayuma mo siguro ako, binigyan mo ng gayuma ang kapeng binigay mo sa'kin," marahang bulong nito at kinagat ang tenga ko then he licked it. Oh my god! Oh my god!
"S-sir.." Bigla na lang bumababa ang halik niya! Sheteng kabayo! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Totohanin niya na ba yung sinabi ko? Hala, biro lang naman yun eh. Huhuhu. Papakasal muna ako bago ako makikipag-sex o make love jusmiyo!
Pilit ko siyang itinutulak palayo sa'kin pero sadyang malakas talaga siya! Lord! Daddy! Help me!
"Hmp!" Impit na ungol ang nagawa ko nang umpisahan niya ng sipsipin ang leeg ko.
"S-sir.. S-stop!" Nanginginig na ang mga tuhod ko, pakiramdam ko anytime lang ay babagsak na ako.
Hinawakan niya ang bewang ko at mas lalong idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Todo palo ako sa kaniya para lang makaalis sa bisig niya.
Ang init! Grabe! Naiinitan ako kahit makulimlim ang langit at panahon.
"Stay away from him, you bad kitten."
Nang i-angat ko ang paningin ko ay nagkasalubong ang mga mata namin and I stared into his gunmetal eyes. Napalunok muli ako ng sunod-sunod. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon!
"P-pardon, Sir?"
"I said, stay away from him. If you don't want me to do that again." He stared straight at my eyes na para bang mas lalo niya akong kinukumbinsi na lumayo sa taong yun. Then I just found myself slowly nodding at his command.
"Good, let's just meet in my office, Reyes." Dahan-dahan niyang binitawan ang bewang ko, pero bago siya umalis, he wiped my lips using his thumb before he left me dumbfounded.
Anak ng! Kakasuhan ko siya? Huhu! Kamuntikan na yun! Tangina kasing Kai na yun eh.
"KAKASUHAN KITA AAAAAAHHHH!! BWISIT BWISIT! BWISIT KAYONG LAHAT!!"
Kahit mura-murahin mo pa sila, Agasher you can't change anything. Tremaine, Rseyine, and Kai? Huwag na lang akong magulat kung kasama pa ang mga impakto kong kapatid at kamag-anak ang makita ko.
Aamin na ako. Handa akong umamin kay Sir sa lahat ng mga nangyayare ngayon pero bakit parang may pumipigil pa rin?
Napaupo ako sa sahig at napaangat ng tingin sa langit, napaisip-isip ako kung ano ang pwede kong gawin para tumakas ulit pero bakit ba ako tumatakas? Kung pwede namang gawin silang bait?
Ay ewan ko ba! Wala akong maisip na paraan.
Nagkakagulo ang utak at isip ko lalo na sa ginawa ni Buhangin ngayon.
Dito na lang yata ako, ayaw kong pumuntang office niya, baka ano pang gawin niya.
Baka malaglag na panty ko kapag nangyare ulit 'yon at makalimutan kong kasal muna bago landi. Ay!
WAAAAAAAHH! >~<
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...