Matapos kong mag-ayos ng sarili sa banyo, tumungo na ako sa sala upang doon hintayin si Buhangin, sabi ni Manang Fe.
Kagigil siya kanina, mga mhiema, paano ba naman tinanong niya ako kung bakit daw napakalapit ko kay Kyle tapos dapak! Nag-walkout, binagsak pa ang pinto! Sabay hindi pakita sa akin eh 'no? Parang tanga lang.
Kasalukuyan ko ngayong pinaglalaruan ang mga nasa paanan ko dahil sa kacute-an ng mga slippers na binigay ni Sir sa akin kasama ng damit nang may tumikhim sa likuran ko.
"Let's go," sabi ng baritonong boses. Napaharap naman ako sa nagsalita.
Ay, si Sir Buhangin lang pala.
"Hello, Sir!" masiglang bati ko at tumayo tsaka siya sinundang maglakad hanggang sa napunta kami sa garahe.
"Hop in," utos niya sa'kin pagkasakay niya sa isang itim na kotse na agad ko namang sinunod. Sumakay ako sa passenger seat at nag-seatbelt.
Mabait na bata goes to...
Me!
"Where do you live?" malamig na tanong nito nang makasakay siya sa kotse.
"Sa AC Subd. po," magalang na sagot ko sa kanya. Tumango siya bago niya paandarin ang kotse niya at awtomatikong bumukas ang gate.
Wow. Ang ganda! Sana all talaga!
Nag-umpisa na kaming magbiyahe. Sobrang awkward ng atmosphere. Wooh!
"Nakatira ka pala sa AC Subdivision?" Napatalon naman ako sa gulat nang magtanong ito.
"Ah, yes po," sagot ko naman agad sa kaniya.
"Sa totoo lang po, a friend of mine gave the house na tinitirhan ko," pagpapaliwanag ko.
Like duh, baka sabihin ni Sir na mayaman ako bakit pa ako nagtatrabaho sa kaniya, nyenye. Napakamahal kaya ng mga bahay sa AC Subdivision.
"Who gave you that house?" tukoy nito sa bahay.
"Ah, si Aegeus po," nakangiting sagot ko ulit sa kaniya. Napasinghap ito.
"You're a friend of Aegeus? Really?" nakangisi at parang nang-aasar na tanong nito. Anong akala niya sa'kin, nagsisinungaling? Suntukan, Sir?
"Yes naman, Sir!"
"Sa totoo lang po nagkakilala kami sa France dahil nagbakasyon po kami dati noon, three years ago, so tatlong taon na ho kaming magkakilala ni Aegeus. I accidentally bumped into her then we exchanged 'sorry' hanggang sa naging magkaibigan kami tapos inofferan niya po ako kung gusto ko ba ng bahay and I said yes," nakangiting paliwanag ko para magkaliwanagan kaming dalawa, "Blessing na 'yon, Sir kaya tatanggihan ko pa ba."
Kita ko sa peripheral vision ko na tumango-tango siya.
"Have you already seen her face?"
"I've never seen her face pa po since nung magkakilala kami. Palaging gold mask ang ipinapakita niya sa'kin tuwing nagkikita kami. Tapos kapag may gusto siyang ipa-utos or something ay kay Spring niya naman po ipinapagawa tapos sasabihin niya sa'kin. Ganoon po palagi ang set up kaya minsan hindi ko po siya nakikita at nakakausap." Tumawa ako ng mahina nang may maalala ako.
"Oh, okay."
"Nasa gate na tayo ng AC. Dadaanan muna natin yung pinsan ko na may bahay rin dito. Nagpabili siya ng isang galon na chocolate ice cream kanina." paliwanag ni Sir sa akin habang papaliko siya sa kanto.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...