THIRD PERSON OMNISCIENT
Hindi kaagad nasalo ni Sandro si Agasher nang bumagsak ito sa sahig. Ang puso niya ay mabilis na tumibok, at naguluhan siya sa kung anong gagawin. Agad niyang dinaluhan si Agasher at sinubukang gisingin ito, ang pag-aalala ay makikita sa kaniyang mukha.
"Hey, hey, wake up, kitten!" sabi niya nang nag-aalala, tinapik-tapik ang pisngi ng dalaga. Ang boses niya ay nanginginig sa takot, at ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na humahawak sa katawan ni Agasher, patuloy niyang ginigising ang dalagang namumutla na kaya pinagpatuloy niya ang pagtapik nito sa pisngi na halos sinisikap na ibalik ang kulay sa kaniyang mukha.
Ngunit kahit gaano man siya kalakas tumapik, hindi pa rin gumagalaw si Agasher. Ang mga mata ni Sandro ay naglalakbay sa paligid, naguguluhan sa kung anong dapat gawin. Ang kaniyang utak ay puno ng pangamba, at ang kaniyang mga kamay ay nanginginig habang kinukuha ang telepono.
Fuck, she's so hot! sigaw ng isip niya, ngunit ang pakiramdam niya ay puno ng kaba at pag-aalala. Ang bibig niya ay walang kakayahang magsalita ng maayos, ang mga galaw niya ay magulo at ang isip niya naguguluhan.
"I need to call Jean. Fuck!" sabi niya habang mabilis na pumunta sa mesa at dinidial ang numero ni Jean.
"Hey, Jean?" bungad niya agad sa tawag.
"Uh, yes? Bakit, Sandro? May problema ba sa opisina mo?" nag-aalalang tanong ni Jean.
"Si Agasher. Fuck! She fainted and I don't know what to do! Nag-aapoy din siya sa lagnat! Should we call the doctors now?"
Pagkarinig ni Jean, agad niyang tinakbo ang floor ng opisina ni Sandro. Tinawagan si Bullet para magdala ng doctor sa opisina ni Sandro. Ang kaniyang mga hakbang ay mabilis at mabigat, ang mga mata niya ay nagliliwanag sa pagkabahala at pagaalala.
"Oh my god! Ang sigla pa lang ni Agasher kanina ha, paano nangyari yun? Hindi kaya dahil kagabi? It's my fault?" bulong nito sa sarili.
"Jean!" tawag ni Bullet kay Jean. "She is Dra. Pineda, samahan mo siya sa opisina ni Sandro. Teka, may sakit ba siya?" tanong ni Bullet kay Jean. Umiling siya bilang sagot.
"Agasher fainted and he said she has a high fever-" napaawang ang bibig ni Jean nang biglang tumakbo si Bullet papasok sa loob ng opisina ni Sandro, iniwan ang doktora at si Jean.
"He's worried," sabi ng doktora habang nakatingin sa pinasukang pinto ni Bullet.
Napalingon si Jean sa doktora. "He's not a baby anymore. Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, nagiging balisa siya at hindi niya alam kung anong gagawin kapag may nakikita siya. And I'm right, babae nga itong nagiging dahilan ng pagkakabalisa niya. Hahaha," tawa ng doktora habang naka-crossed arms. Ang mga mata ng doktora ay naglalaman ng sakit na hindi matago.
"Nakakainggit dahil ako itong palaging nagpapapansin sa kaniya noong bata pa kami pero kahit minsan hindi niya ko pinansin. He didn't even ask me kung may gusto ako sa kaniya. Obvious naman eh. I always give him cupcakes, which are his favorite," kwento ng doktora. Napangiti si Jean at ininyayahan na pumasok ang doktora sa loob.
"So, let's go? Hindi ka ba papasok sa loob, Jean?" tanong ng doktora.
"Nope. I'm good na here, maghintay na lang siguro ako hehe."
"Okay."
Pumasok na ang doktora sa loob at nakita niya ang kaniyang pasyente na nakahiga sa mahabang sopa na nasa opisina ni Sandro. Kaagad niya itong linapitan at sinuri kung ano ang kalagayan nito.
Makalipas lamang ang ilang minuto ng pagsusuri o examine ni Dra. Pineda kay Agasher ay nagbigay ito ng paliwanag sa dalawang taong nakatayo sa harapan niya, sina Sandro at Bullet.
"Over fatigue. Mas mabuti kung 'wag masyadong sabay-sabay ang trabaho. Pwedeng mauulit na naman ito and I suggest na dalhin mo siya sa mas malapit na ospital para sa mas accurate na check-up since hindi sapat ang pagtingin ko sa kaniya," paliwanag ng doktor. Ang kaniyang boses ay puno ng awtoridad, ngunit ang mga salitang iyon ay hindi nagbigay ng ganap na kapanatagan kay Sandro.
Naka-crossed arms si Sandro habang si Bullet ay hinihimas ang kaniyang baba.
Humarap si Bullet kay Sandro. "Bawasan mo na dapat ang mga trabaho niya. Sekretarya mo lang siya kaya kailangan ay kaunti lang ang ipatrabaho mo sa kanya. Hindi na kailangan ng labis na trabaho, pati ang mga personal na bagay ay hindi mo na dapat ipagawa sa kaniya, hmm?" mapang-asar at naiinis na anas ni Bullet sa kaniya.
Napakunot ng noo si Sandro dahil sa ikinilos ni Bullet parang si Sandro pa ang isinisisi nito dahil sa katangahan ni Jean kagabi kaya siya ang nahostage at halos mapuruhan si Agasher sa pagliligtas nito.
May parte rin na kasalanan niya dahil naunahan siya ng babae pero hindi iyon sapat para siya ang sisihin ni Bullet.
"Ano bang pake mo? Are you jealous or something, Bullet? You fucking sound irritated. I'm the boss here, so who are you to talk to me that way?" malamig na sagot ni Sandro sa kaniya. Ang boses niya ay malamig at walang pakialam kung sino man ang kaharap niya.
Nagkibit-balikat lamang si Bullet at sinamahan ng lumabas ang doktorang tumingin kay Agasher na naguguluhang napapatitig sa dalawa dahil sa pagaaway nila sa iisang babae.
YOU ARE READING
Secretary of a Mafia (Vasileios #1)
General Fiction[COMPLETED] Agasher Dame Reyes was accused of her grandmother's murder, so she fled from her accusers. During her escape, she encountered a mysterious woman wearing a gold mask who offered to take her in the Philippines. After three years and now ei...