CHAPTER FIFTEEN

385 7 0
                                    

Maingay at samot-saring mga amoy ang sumalubong sa amin pagkababa namin para pumasok sa Paraiso, mga usok mula sa iba't ibang tao na halos ikaduwal ko sa lansa. Ang paligid ay puno ng mga tao na nag-uusap, nagtatawanan, at may mga umiikot na magaan na usok mula sa sigarilyo at mga bagahe. Naghalong amoy ng pawis, alak, at alikabok. Para bang naglalaban ang bawat amoy upang makuha ang atensyon ko.

"Sino ba yung naghahanap sa 'kin?" Matapos kong itanong iyon, may isang tao na agad na pumasok sa isip ko. Marahil baka si Kai ang naghahanap sa 'kin? Close 'tong dalawa eh.

"Basta! Magiging masaya ka rito. Nandito silang lahat," sabi niya na may kasamang pagturo sa paligid, hinahanap ang ibig niyang sabihin.

Silang lahat? Jusko! Huwag naman sana ako ipa-in nitong babaitang ito sa Persopolous nang mabalatan ko siya ng buhay.

"Uy, nandoon sila!" May kung ano siyang kinuha mula sa bag niya bago ito ibinigay sa akin.

"Hawakan mo muna maskara ko," aniya, tinuturo ang maskara na kulay asul.

Bwisit. Hindi ang Persopolous ang tinutukoy niya.

"I didn't bring my mask, Rseyine," 'yon na lang ang nasabi ko nang mapagtanto kung sino ang mga naghahanap sa akin.

"Panyo na lang," iniabot niya ang mahabang panyo sa harapan ko, ang mga mata niya ay naglalaman ng pag-aalala. Pinagpag niya ang panyo bago ito itinupi ng pa-triangle.

"Sorry ha, hindi ko rin alam na tatawag si Medusa, mabuti na lang at yung akin palagi kong dala. Hehe, sorry." Nag-peace sign ito bago inilagay sa ilong ko ang panyo.

May choice pa ba ako? Malamang wala!

Bale ang ilong at bibig ko lang ang natatakpan niyan. Siya naman ay inilagay na ang half mask niyang kulay asul, kaya't tanging labi lang ang nakikita sa kanya.

Ang unfair!

"Arat na!" Hinila niya agad ako patungo sa mga taong tinutukoy niya. Ang kaniyang mga hakbang ay mabilis, at ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na hawak sa akin, parang nagmamadali kaming makarating sa pinagtutunguhan namin. Nakita ko ang Vasileios Clan, na nakatayo at upo sila isang gilid na puno ng mga usok at mga kabataan na abala sa kanilang mga sarili.

"Nandito na ang kanang kamay!" Napalingon silang lahat sa akin nang sumigaw si Rseyine. Ang mga mata ng lahat ng mga miyembro ng Vasileios Clan ay tumuon sa akin, ang bawat isa ay naglalaman ng kuryusidad at pagbati. Ang kanilang mga tingin ay para bang nagtataka dahil siguro sa suot ko ngayon at dahil din siguro sa gulat na ilang taon na akong hindi nagpapakita sa kanila pero kalaunan din ay bumalik sa normal ang paligid.

"Uno! Kumusta?" Agad silang nagsilapitan sa akin, at nangunguna sa kanila ay si Medusa, ang babaeng gumawa ng pangalan ng clan namin. Ang kaniyang mga mata ay maliwanag at puno ng kasiyahan habang ang kaniyang mga labi ay nagbukas sa isang ngiti na tila naglalaman ng mga pag-asam.

"Ah, I think I'm good as usual," walang emosyon kong sabi. Ang tono ko ay para bang kulay ng malamig na hangin sa umaga, nagpapakita ng kawalang pakialam sa kabila ng masiglang pagtanggap.

Yup! Ganito ang galaw ko kapag nasa harapan ko sila. I always wear my emotionless mask and talk like an ice. Ang bawat salitang binitiwan ko ay tila matalim at malamig, hindi naglalaman ng anumang pahiwatig ng aking totoong nararamdaman.

Pwera lang kay Rseyine dahil talagang baliw 'yon kahit mayro'n o walang mask.

Napansin niya siguradong naka-itim na panyo lang ako at walang maskara, kaya tinanong niya ako. Ang kaniyang mga mata ay nagtatanong, may halong panghuhusga at pag-aalala.

Secretary of a Mafia (Vasileios #1)Where stories live. Discover now