Chapter 2

148 53 35
                                    

"[Sorry Kabebs! Ngayon ko lang kasi nabasa text mo eh. Sorry 10x] ", saad nang babaeng para bang kakagising pa lang dahil sa gumol na boses nito sa kabilang linya.

"Oa mo! Alas dose pa lang nang madaling araw talaga." Agap naman nyang magising. Sabi ko baka maga pa ako makakarating wala naman akong sinabing madaling araw. Lipang pa ata ang babaeng ito.

"[Luh! Talaga ba?!..]"  Nagtatakang saad nito. Lipang pa nga talaga. "[Oo nga noh, aga ko pala magising. Hehehe sorry sorry 100x]". Tss, grabe na talaga ang babaeng ito.

"Geh matulog ka na ulit nandito pa lang ako sa Lucena. Baka gusto mo dito mo ako sunduin." Napairap na lang ako sa hangin. Gusto ko man matulog ay hindi ko talaga kaya, hindi ako sanay o baka natatakot lang ako na baka kung saan ako mapadpad kapag napaidlip ako. 

"[Luh! Sige sleep na ulit ako, by the way magtext ka na lang o tumawag mamaya.]" Kung kaharap ko lang ito ngayon ay baka napukol ko na ang ulo nito. 

"Sya sige na, byeee!", sabay patay ko nang tawag. Tss, medyo napalakas ata ang boses ko, nang tumakla ang katabi ko. Nandito kasi ako nakaupo sa may bintana, mahiluhin kasi akong tao tsaka mas gusto ko dito dahil kita ko ang view. 

Naalala ko kanina nang hinatid ako nila Mama at Papa sa terminal nang bus sa bayan. Wala namang sawa ang pagpapaalala sa akin ni Mama. Si Papa naman ay halatang nangigilid pa ang luha, kulang na lang ay magkaroon nang drama sa terminal. Naiintindihan ko naman sila dahil bunso nila akong anak. Ganto din naman sila sa kapatid ko dati. Mamimiss ko sila, medyo matagal-tagal din kasi akong hindi makakauwi. Hindi din naman kasi pwedeng umuwi ako nang umuwi dahil napakamahal nang pamasahe. Pambili ko na 'to nang libro sa sale e, siguro makakasampo kaagad ako o mahigit pa. Hays, nasan na ba kasi ang pangakong sampung libo!

Kinuha ko ang earpods sa bulsa ng body bag na dala ko ng biglang mahulog ang kapares nito. "Luh antanga! Buang ay, epal mo!", pagmumura ko sa sarili. Butas ba kamay mo Acquisha?

Medyo yumuko ako para makuha ang earpods na nalaglag ng biglang umandar ang bus. Dahil biglaan ay napasubsob ako sa likod nang bangko na nasa harapan ko.

"Shete! Sakit!", daing ko habang hawak-hawak ang napaumpog na parte ng aking ulo. Bunbonan ko ata ang napatama. 

"Miss, kung ayaw mong matulog pwedeng magpatulog ka naman.", saad ng katabi ko sa upuan. Tiningnan ko naman ito habang hinihilot-hilot pa rin ang bonbonan ko. Nakuha ko nga yung earpods magkakabukol naman ata ako.

"Sorry po!", saad ko dito. "Tsk!", tanging sagot lang nito.Luh, lalaki pala itong katabi ko. Antok lang itong nakatingin sa akin habang nakasuksok ang dalawang kamay nito sa parehong kili-kili. May neck pillow din ito na kulay black. Infaireness kutis porselana, matangos ang ilong at mukhang......masungit.

"Tapos ka na ba?", tanong nito.

"Hah?" Pinagsasabi nito.

"Kanina ka pa titig na titig e." Luh, epal 'tong si Kuya.

"Oyy, assumero!." Feeling ay, inirapan ko na lang ito at bumalik na sa ayos ng pagkakaupo. Medyo dumasig ako nang kaunti sa may bintana na may inis pa rin sa mukha. Epal eh, isinuot ko na lang sa magkabilang tenga ang pares nang earpods at ikinonek iyon sa cellphone ko. 

Hindi naman ako masyadong nahihilo sa puwesto ko naiirita lang talaga ako dito sa katabi ko na kanina pa kain nang kain nang isang malaking balot nang chips. Nang-aasar ba siya o gutom lang talaga? Ay, bahala siya. Para fair kinuha ko ang isang balot nang pasas sa bag ko. Binuksan ko iyon at napangiti ako nang makitang malambot at malalaki ang butil nito, mukhang matamis din at bagong gawa lang. Dumukot na kaagad ako at isinalpak iyon sa bibig.

"Hmm, sarap talaga." , saad ko sabay kain ulit. Yung feeling na feel na feel mo yung kinakain mo. Ito yung nararamdaman ko ngayon.

"Weird.", bulong nang katabi ko. Napatingin naman ako dito at pinandilatan ito nang mata.

"Ano sabi mo? Kinig ko yun hindi ako bingi." Akala niya siguro hindi ko narinig ang pabulong-bulong niyang nalalaman hah.

Tumingin din naman ito sa akin habang dumudukot nang chips. "Ang sabi ko weird. Get's mo na?" Yabang nang isang 'to. Akala mo ha! Nagkamali ka nang nakatabi "Totoy"

"Ako ba ang sinasabihan mong weird?", pagtataray na tanong ko dito.

"Bakit may iba pa ba?" Lumingon-lingon muna ito. "Diba ikaw lang naman yung kumakain ng pansahog sa salad?" Pagtuturo nito sa kinakain ko. "Hindi nga bingi, bulag naman." Dugtong pa nito. Grabe may mga tao pala talagang ganito ano, E-P-A-L.

"Oyy, Totoy Yabang. Bakit....ngayon ka lang ba nakakita nang kumakain ng ganito?" Weird mo yang mukha mo. 'Di ko nga siya pinapakailaman sa kinakain niya e. Epal! Kabwesit!

"Oo, at pwede ba hindi ako "Totoy". Weirdo." Aba! Umiisa ka pang hinayupak ka!

"Tssk, Totoy!". Dapat tawag sa kanya "Totoy Epal" or "Totoy Yabang" e. Feeling pogi na nga, yabang na yabang pa. Porket mukha lang siyang may ginintoang ngipin. Ayy mali, ginintoang kutsara pala para sa epal niyang bibig. 

"Weirdo!"

"Totoy!"

"Epal!"

"Kumakain ng pansahog sa salad!"

"At least hindi mabetsin!"

"At least hindi mukhang poop ng gecko!"

"At least organic!"

"Kinakain ng mayaman!"

"Kinakain din naman ito ng mayaman ah. Sinasahog nga sa salad obob!"

"Ikaw yun! Weirdo! "

Bardagulan namin sa isa't isa. Nanguna siya e, sumasabay lang ako sa walang filter niyang bibig.

"Uy, yung mag-jowa na maingay dyan sa likod. Tumahimik naman, respeto sa mga single!", sigaw ng konduktor sa unahan. 

Napatigil naman kami sa kakabuntalan ng mga pang-aasar. Nagtinginan pa kami ng masama nang ilang minuto bago tumalikod na sa isa't isa. Rinig ko pa yung pag ngungumod nito. Kung pwede lang manakal ngayon ginawa ko na. Argh, para siyang yung aso namin. Lakas makasira ng araw.  Dapat pala lumipat na lang ako don sa likod or kahit saan basta hindi katabi ang isang 'to.

Nakakabuwiset! Para siyang isang malaking dumi ng aso sa kalsada na natapakan ko kasi hindi ako nakatingin. 

Nangangapal na yung anit ko. Nahahigh blood na ata ako 'e.



UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon