" Kabebs, need pala natin pumunta ng university bukas." Saad ni Kreishnel habang dumadampot ng isang buong manok dito sa meat section ng isang supermarket.
"Ba't daw?" Tanong ko naman dito. Namimili ngayon kami ng mga stock kasi kahapon hindi na naggawa dahil sa kalandian ng dalawa. Buti na lang at hindi nagpasama ang isang 'to sa kaniyang boyfriend kuno.
Dumampot muna ito ng isang pack ng frozen food bago nagsalita. "Orientation, ata?" Naparolyo na lang ako sa sinagot niya. Ba't may ata? Tsk, hirap talaga kausap ng isang 'to. Kakarating ko lang n'ong isang e, pero heto ako ngayon imbis na magsulat na lang ay namimili pa, tapos na sana ito kahapon pa.
" Sige. Punta na lang tayo." Tamad kong tugon dito.
"Ba't parang di excited." Humarap naman ako dito at pinagtaasan siya ng isang kilay.
"Ba't naman magiging hindi excited? Excited ako 'no. . . Hindi lang talaga halata." Minsan talaga nakakaewan siya. Excited naman ako syempre dahil sa wakas college na kami. Ilang taon na lang ang bubunuin at malapit ko ng maabot ang pangarap ko.
"Wehh?! Sure ka diyan. Alam mo minsan iniisip ko dapat nag home schooling ka na lang tutal lagi ka namang nasa loob ng bahay." Nang-aasara ba siya? Gusto ko rin namang lumbas-labas ano. Minsan?
"Mamili ka na nga lang. Dapat kasi tapos na tayo 'e, kahapon pa." Sarkastiko kong saad sa kaniya bago muling tumalikod.
"Tsk, aangal pa."
"May sinasabi ka?"
"Wala. Tsk!"
Nagpatuloy na lang ako sa pagtutulak nitong cart na gusto ng tumakbo dahil sa dami ng laman. Kasya kaya pera ko dito. Ayts, hirap talaga pag PG (Patay Gutom). Meron pa nga pala akong nakalimutang bilhin. Of course, dito tayo sa salad ingredients section.
Masaya akong nagtungo doon, may patalon-talon pa akong nalalaman. Minsan talaga sarap maging isip bata pero hindi naman palagi. Adult na tayo kaya dapat maging matured na sa mga bagay. Pero hindi rin naman kasi maiiwasan lalo na kapag may bagay na magpapaalala sa iyo ng iyong pagkabata.
Naglakad na ako at nagsimulang magtingin-tingin sa mga nakahilirang iba-ibang mga ingredients. Fruit cocktail, pickles, canned peach, cherry, at kaong, marami pa akong ibang nadaanan pero may hinahanap kasi ako 'e. Baka naman naubusan na sila ng stock? Ayts, kakaimbyerna naman kung gano'n. Iilan lang naman ang nasa section na ito. Tumigil muna ako ng makita ang isa ko pa'ng paborito, pero hindi naman masyado. . . canned sweet corn. Talap! Talap! Napalunok na lang ako ng laway ng makita ang presyo nito. Itigil na lang ang cravings, mura lang ang mais samin. Nakalata lang kaya mahal ang isang 'to.
"Pasas" Napalingon naman ako sa lalaking nakatalikod, nakasumbrero, katapat ko lang ito pero nakaharap siya sa helera ng . . . Oyyy pasas! Lumiwanag naman kaagad ang mata ko ng makita 'yon. Yon! Hindi sila naubusan. Ang saya!
Agad naman akong nakitabi sa lalaki. Dumampot ako kaagad ng dalawang pack at inilagay 'yon sa cart na katabi ko lang.
"Miss, pwede bang hinay-hinay lang." Mahinang saad ng lalaki. Hindi ko siya pinansin, kumuha ulit ako ng ibang brand ng pasas ngunit napahinto ako ng ilalagay ko na sana ang mga iyon dahil nabobosesan ko ang isang 'to.
Humarap ako sa kaniya at parang umakyat 'yong dugo ko sa ulo ko ng makita ang pagmumukha ng lalaki.
"YABANG?!"
"MISS PASAS?!"
Sabay kaming napasigaw. Napahawak na lang ako bigla sa bibig ng mapagtantong nakatingin na sa amin ang isang staff na nag-aayos ng mga paninda.
Sinamaan ko naman ng tingin itong damonyong nasa harapan ko.
"Sabi na nga ba, magkikita ulit tayo." Saad nito habang nakasilay sa kaniyang mga labi ang kasiyahan. Masaya siya habang ako kumukulo na ang dugo sa sitawasyon.
"Tsk." Napatakla na lamang ako. Sobrang liit naman ata ng mundo . . . pinagtagpo pa talaga kami dito.
"Ba't nandito ka?" POTAKTENG TANONG MO ACQUISHA! Syempre alangan namang nagswiswimming yan dito ano?!
"Nevermind . . . so. . . Anong. . ." Anong-ano Acquisha? Ano? HAYYYY!
"Your funny, Miss Pasas or Girlfriend ko?" Tumibok-tibok na 'yong litid sa sintido ko dahil sa sinabi niya.
"Pwede ba tigil-tigilan mo na kakatawag mo sa akin ng Miss Pasas. Di tayo close 'no. Tsaka girlfriend? Kailangan kita sinagot?!" Inis na singhal ko dito.
"Init ng ulo ng girlfriend ko na 'yan." Saad naman nito bago dinampot ng dinampot ang mga pack ng pasas at inilagay 'yon sa cart ko.
"Oy, ano bang ginagawa mo?! Tama na?! Wala akong pambayad niyan! Ano ba!" Pag-pipigil ko dito pero siya namang lagay ng lagay. BINGI ANG SHETE!
" . . . pampalubag-loob. Ako na magbabayad." Vetsin ba ang inalmusal ng isang 'to? Lakas ng sapak ng deponggal! Sayang-saya pa ang damuho sa pinaggagawa niya.
Kinuha ko naman ang mga nilagay niya at ibinalik 'yon sa pagkakalagay kanina. Pero siya namang lagay ko ay siya ding balik ng shete sa cart ko.
"Ano ba!" Sita ko dito.
"Hoyy!" Sigaw ko dito ng hawakan niya ang cart ko bago naglakad. SHETE TALAGA OH! "Hoyy! Ano ba?! Akin na yan!" Padabog akong tumakbo papunta sa pwesto nito. Pero kahit anong bilis ko ay hindi ko ito maabutan madulas na nga ang sahig samahan pa ng maliliit kong hakbang. Na parang isang hakbang niya na naglalakad lang ay tatlong hakbang na ng pagtakbo ko. Prente lang itong naglalakad na nakapamulsa pa.
Binilisan ko lalo ang takbo ng makita kung saan siya papunta.
"Shete naman oh!" Gigil na saad ko sa sarili.
Napatigil ako sa pagtakbo at bahagyang napahawak sa dibdib dahil hinihingal na kaagad ako. Napapala ng walang exercise sa katawan.'
Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula uling tumakbo. Nang makarating ako sa counter ay may binulog ito sa isang staff, 'yong staff naman ay may hinilang isang cart at pumunta sa kung saan. Nanlaki ang mata ko ng makitang babayaran na niya 'yon.
"Hoy, lalaki! Ano bang pumasok sa utak mo?!" Sita ko dito napatingin naman samin ang tindera na nasa counter na inilalagay na ang mga bibilhin ko sa eco bag. Tumingin muli ako sa lalaki. Nakakaloko lang itong nakangiti. Nakakaasar 'yong ngiti niya sarap hilapin.
"Wag ka ng maggalit girlfriend ko. Ayan na nga oh . . . binili ko na lahat ng pasas kahit may kasalanan ka pa sa akin." Hah? Ano bang sinasabi niya.
"Sir, ito na po lahat." Saad ng kung sino at asar ko namang tiningnan kung sino 'yon. SHETE! SHETE! SHETE! Napanganga na lang ako ng makita ang tumpok ng mga kahon ng pasas na dala-dala nito sa isang cart, nasa sampong kahon 'yon, buti kung maliliit lang. ANAK NG! MALALAKI ANG MGA 'YON!
"Sir, nine thousand five hundred seventy three po lahat. Kasama po 'yong ibang grocery." Tulala akong napatingin sa tindera, dahan-dahan lumipat ang tingin ko sa lalaking nag-abot ng credit card dito.
Lumapit siya sa akin at tinapik-tapik ang ulo ko. Bahagya pa itong yumuko. "Sa susunod kasi replayan mo 'yong text ko." Bulong nito bago naglakad paalis.
Hindi ako makagalaw habang nakatulala lang.
"Ma'am, san po ito ilalagay." Bumalik naman ang tingin ko sa lalaking staff na hawak pa rin ang cart.
"Shete" Bulong ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
JugendliteraturHave you ever met this type of girl? Yung tipong madaldal pero tahimik, matalino pero minsan may saltik, at 'yung ayaw pumasok sa mundo ng pagmamahal pero kinikilig? Meet Acquisha Adelaine Arcodijo! The Triple A Queen ng CW Department. Ang babaeng...
