"Cupcake, ako na magdadala n'yang bag mo."
Umagang-umaga ang deponggal.
"Hindi, ako na cupcake keri naman ng shoulder ko."
Lah, pabebe ka anteh?! Nye nye nye. Kaka-imbyerna ng umaga.
"'Wag na matigas ang ulo, Cupcake. Let me carry your burden."
Weg ne meteges ele, Koopkek.
Mapaparolyo ko na lang talaga ng mata, kuntikan ko na nga makita utak ko 'e at baka pati 'yong naglalakad na mga estudyante sa likod ko ay matanaw ko na rin.
"Ganiyan talaga sila, masasanay ka rin." Napatingin naman ako dito sa po--. . . katabi ko. Si Syllus na umaangat ang kakisigan sa karamihan ng taong naglalakad papunta sa stadium ng university.
"Padala na lang siguro ako sa asylum kung araw-araw ganiyan makikita ko." Sarkastiko kong saad sa kaniya. Napatawa pa s'ya sa sinabi ko. Ehe, pati tawa ang---- Ang ganda mo Acquisha! Oo, ang ganda ko.
Sarap sampalin ng sheteng side thoughts mo. D'on ka sa far away!
Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na kami dito sa stadium, syempre as usual maraming tao pero kayang-kaya naman ng sobrang lawak na lugar na ito na pagkasyahin. Maraming baguhan na katulad ko na galing sa iba't ibang departamento at kurso. 'Yong iba mukhang mga seniors na namin. Sila Syllus, Brix, at Rhizz ay nagpaalam na muna dahil parte sila ng organisasyon na binubuo ng mga estudyante kung saan sila 'yong nagfafacilitate at nagpapaalala sa mag estudyante kung saan dapat na umupo.
Hindi ako sanay sa mga ganito----siksikan, magulo, at higit sa lahat maraming tao. Nang huling mapasabak ako sa ganito ay nagkaroon ako ng panic attack, muntik pa nga akong maisugod sa ospital dahil lang sa pangyayaring 'yon. Kanina pa talaga nanginginig ang tuhod ko, pinipisil ko na lang ang gitna ng aking palad para pakalmahin ang sarili.
"Anteh, okay ka lang? Magsabi ka kung lalabas tayo hah." Nag-aalalang tanong ni Kreishnel na katabi ko lang. Mukhang napansin n'ya ata ang pagpisil ko sa aking palad. Alam n'ya na hindi ako sanay sa mga ganito. S'ya nga 'yong haghag sa pagpapaypay sa akin n'ong nasa simbahan kami 'e.
"Oo, kabebs." Sagot ko dito sabay tango para hindi na s'ya mag-alala pa. Orientation pa lang naman ito kaya pwede pang lumabas-labas magsasabi lang sa nagbabantay sa may pinto.
"Say cupcake!" Biglang saad ng isang lalaki sabay kuha samin ng litrato. Bahagya ko pang naitaas ang kamay para hindi sumakit ang aking mga mata sa ilaw na nanggaling sa camera na hawak-hawak ni Rhizz.
Ito naman na katabi ko sige lang ang post----wacky, nguso, finger heart, at iba pa. Minsan sarap iplaster ng mukha n'ya sa mga poste tapos may nakalagay na "WANTED", minsan naman sarap ipabillboard ng mukha n'ya tapos nakalagay "MODEL OF THE CENTURY". Maganda si Kreishnel kaya nga siguro na inlababo kaagad itong si Rhizz, 'yon nga lang may sapak.
Maya-maya pa ay nagsalita na sa unahan lalaki ito at siguro mga nasa sinkwenta anyos na, matangkad s'ya at malaki ang t'yan, medyo manipis na rin ang puti at maiksi nitong buhok. Kaboses n'ya ang commentator at announcer ng high school na pinagtapusan ko. Nakakamiss ang magandang boses ni Sir Boromeo, napakabait ng taong 'yon at syempre magaling na guro.
"Magandang araw sa ating mga bagong 'Iskolar ng Bayan'! Nakakatuwa at napakadaming mga nagagandahan at naggugwapohang mga bagong mag-aaral ng unibersidad na ito. Nagpapasalamat ako dahil dumalo kayo at talaga namang. . . kumpleto at walang laktaw sa ating attendance." Masayang bati nito. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante.
". . . Ngayon ay ipapamigay na namin ang mga booklet ng mga rules and regulations para maging pamilyar na ang lahat." Nang banggitin n'ya 'yon ay isa-isa ng nagbigay ng mga maroon booklet ang sila Syllus.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen FictionHave you ever met this type of girl? Yung tipong madaldal pero tahimik, matalino pero minsan may saltik, at 'yung ayaw pumasok sa mundo ng pagmamahal pero kinikilig? Meet Acquisha Adelaine Arcodijo! The Triple A Queen ng CW Department. Ang babaeng...
