" Axcel, picture tayo dali!"
Hmmmmmm! Arrr! Sarap manakmal!
"Ako muna! Dun ka! Ako muna. . . say mamiiii!!"
Memeee! Sey Meme!Pilihin ko 'yang dila mo nang matuluyan ka.
"Axcel! Tingin ka dito. . . post ko lang sa ig! Wieee!"
Pilihin mo 'yong leeg para tumingin sayo. Easy. . .
"Axcel!"
"Axcel!"
"Axcel!"
WAHHHHH! TAMA NA! ARGH! SHUTA! PARA KAYONG MGA SIRANG CD PLAYER!
Nakakasira na ng eardrums ang mga boses ng mga hedepongal na mga babaeng ito.
Excel pectere eke dele! PESTE!
Hindi na ako makakain ng maayos nang dahil sa kanila. Lumalamig na tuloy itong sabaw ng mami ko. Bumaba ang tingin ko sa nakalapag na malaking mangkok na naglalaman ng mami na sobrang dami sa sahog. Oh, hindi ito kay 'DPOL', kundi dito lang ito matatagpuan sa barangay hedepongal mamihan ng mga babaklitang nakakain ata ng sirang plaka na ang title ay 'Axcel: The Yabang King'. Malapit lang sa tapat ng shutang kainaman nilalamig kong pagkain.
Kung magchachange figure lang ako pipiliin ko talaga ay collosal titan, nang aapakan ko lang ang mga pisteng ito.
Nakasama pa ata ang pagkain namin dito.
Ito namang kasama ko feel na feel pa ang pagpapacute sa mga. . . argh! Ewan! Marahas kong sinalok ang mami gamit ang kutsarang hawak-hawak ko sabay subo nun sa aking bibig. Nakatingin lang ako sa gawi nila . . . Oo, gawi nila. Aba'y nakakahiya naman kung dito ko pa siya papaupuin kasama ang mga 'yun. Diba?! Kahiya. . .
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain para mabilis ko na itong maubos. Tila tumatabang ata ang pagkain dahil sa nasasaksihan ng aking mga mata. Hayst! Dapat dun na lang talaga kay manong e. Mas enjoy ko pa sana, dahil walang mga sakit sa matang katulad ng mga ito. Ergh! Sarap magmaktol! 'Yung maktol na mawawasak lahat.
Lumingon muli ako sa gawi nila. Nadatnan ko siyang nakatingin sa gawi ko, may kung ano sa mga mata niya. Ewan, siguro ay natatawa na siya ngayon dahil ako lang ang mag-isang kumakain dito. Medyo humarap ako sa gilid bago muling sumandok. Bahagya akong lumingon muli sa gawi niya, nakapako lang ang tingin nito sa akin kahit na kinukulit siya n'ong mga babae. Hindi naman siya kumakain, tanging nakikisama lang ito sa mga 'yon.
Ayts! Bahala siya, basta ako uubusin ko muna ang kinakain ko ng makaalis na.
"Bye! President!"
Hayy! Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ang pagpapaalam ng mga ewaners na mga babeng 'yon. Buti nga nakatanggal ako, at buti nakatagal rin ang ibang kumakain dito dahil sa lakas ng tawanan nila.
Kakabingi sa totoo lang.
Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng mangkok bago itinaas 'yon, hinigop ko ang natitirang sabaw.
"Hay! Tapos na rin," ani ko bago ibaba ang mangkok.
" Already done?"
"WAH! PESTE KA!" Hagol na lalaking ito. Lumingon ako sa pinanggalingan nito bago muling humarap sa kaniya na ngayon ay nakaupo na sa bangko, kabila lang nitong lamesa, habang malawak na nakangiti sa akin.
" Bilis mo naman kumain." Mabagal pa nga 'yon e.
Pasulampit ko siyang tiningnan. "Duh. Antagal niyo kayang nagmamarites." Bahagya akong napahawak sa aking tiyan. Whoah! Sobrang busog ko. Wahahahha! Oh di solve. Ayos! Ayos!
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Roman pour Adolescents" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...