"Ito pang benta. Itong dalawa ipamigay na lang! Ito naman. . . baonin mo na lang! At ito namang isang kahon. . . siguro, hmmm, dito na lang 'to pangkain mo na lang tuwing gabi!" Seryoso lang akong nakatingin kay Kreishnel habang inaayos niya ang mga kahon ng HEDEPOTANG MGA PASAS!
Nayayamot na ako kanina pa. Alam mo 'yong pakiramdam na ansarap mangyakap sa leeg pero 'yong hindi na makakahinga? Ang sarap mangyakap pero 'yong dapat mababalian ng gulugod? 'Yong gusto mong manghalik pero dala pati balat? Tapos 'yong pag nangurot ka baon hanggang laman? Get's nyo?
"AHHHHH. NAKAKABWESIT!" Sigaw ko bago nagpagulong-gulong sa higaan.
"Anteh, naano ka diyan?" tanong naman nitong si Kreishnel.
Tamad akong umayos ng upo at nginusuan lang 'to.
"Oh, sino ba naman kasing may sabi sayo na bumili ka ng sampong kahon ng pasas?! Hindi mo naman sinabing naglilihi ka na pala." Isa pa 'to. Lakas maka loko ng punyawa!
"Ba't sinabi ko bang ako ang nagbili n'yan!" Maluha-luha kong saad dito. NAKAKAPISTE!
"Grabe hah. Nakita ko 'yong resibo tumataginting na nine thousand mahigit. At sino naman bang pinagpala ang gumastos ng ganiyan kalaki para sayo?!" Kilatis niyang saad. Ayaw kong magkwento kasi naman. Hindi ko pa rin pala nababanggit sa kaniya 'yon.
"'Yong lalaking Y-A-B-A-N-G na nakatabi ko sa bus tapos 'yong E-P-A-L na text ng text sa akin kagabi! 'Yon yun, Kabebs!" Inismidan lang naman ako nito na parang inaasar pa ako sa sariling kwento.
"Sows, ayaw mo n'on may rasyon ka na palagi ng pasas." Pang-aasar pa nito. Hindi ako natutuwa hah. Ikaw kaya kumain ng sampung kahon ng pasas! Magllbm ako nito e, baka pati inidoro sumuko. At sabihing 'Tama na! Kotang-kota ka na!' kung magsasalita lang 'yon. Pasintabi sa kumakain pero baka maging burak na ang alam niyo na.
"Hayts! Bahala s'ya sana hindi na kami mag-kita forever! Period! Infinity! Manifesting!Tuktok sa kahoy!" Inis na tugon ko sa kaniya.
"Anteh, 'wag ka ngang emo. Mag-update ka na lang ng story mo." Pang-aalong saad nito. Tinitigan ko naman s'ya ng maigi. Update? Nagbabasa na ba siya ngayon ng story ko? Alin d'on?
Pinanliitan ko pa ito ng mata bago nagsalita. "Alam mo naweweirdohan ako sayo. Nagbabasa ka na ba ng story ko? Parang sabik na sabik kang mag-update ako hah." Bigla naman siyang umiwas ng tingin at umaktong may binabasa sa isang pack ng pasas.
"Dried grapes, natural flavoring, hmmmm. . . ano toh? Di ko mabasa." Bulong-bulong nito.
"Hoyyy! Tinatanong kita!" Sigaw ko sa kaniya.
"W-wala. T-tsaka ano naman kung nagbabasa ako. Trip ko lang!" Mataray niyang saad. Hmm! Smell something . . . stench!
"Ikaw hah. . . parang may tinatago ka!" Kinukuha ko lang siya. Baka mapaamin ko. Pero hindi eh, napakamatago nitong tao. Diba nga 'yong 'MU'daw niya, tamo 'boyfriend' na pala.
"W-wala. Ikain mo na lang 'yan ng pasas!" Sabay bato sa akin ng hawak-hawak niya. Defensive!
Mabilis itong tumayo bago nagtungo sa kusina. Napatulala na naman ako sa mga nakabalandrang kahot ng iba't ibang brand ng pasas. Tamad akong tumayo at binuhat isa-isa ang mga 'yon sa ilalim ng kama ko.
Pinagsiksikan kong lahat sila d'on. "Diyan muna kayo hah! Kakainin ko naman kayo e, hindi nga lang sabay-sabay. Epal kasi ng bumili sa inyo, gusto ata ako maospital. Diba! Diba?!" Kinausap ko ang mga ito na para namang sasagot sila. Ginulo ko ang buhok. SHETE! Nababaliw na ata ako! Sumubra naman ata ang pagtupad ko sa goal ko.
"BALIW!" Sigaw ni Kreishnel na nasa kusina. Inirapan ko lang ito kahit alam kong hindi naman niya nakikita bago ibinagsak ang katawan sa higaan. Nakasubsob lang ako d'on. At least diba baliw lang sa pasas at hindi sa L-A-L-A-K-I.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen FictionHave you ever met this type of girl? Yung tipong madaldal pero tahimik, matalino pero minsan may saltik, at 'yung ayaw pumasok sa mundo ng pagmamahal pero kinikilig? Meet Acquisha Adelaine Arcodijo! The Triple A Queen ng CW Department. Ang babaeng...
