Chapter 13

60 21 4
                                        

Lesson Learned: " Huwag gumawa ng plano sa utak habang kaharap mo 'yong pinagpaplanuhan mong tao dahil. . . . . . . NA-KA-MA-MA-TAY!!!!"

From your lovely, "Triple-A Queen"


"Tulaley?" Tanong nitong babaeng imapaktita na sigeng supalpal lang sa kaniyang bibig ng kikiam na umuusok pa sa init. Tapos sa loob ng bibig hihipan. Heller??? Anteh ko, hipanan muna bago ipasok. Sabay lagok ng malamig na pineapple juice.

Nandito kami sa baba ng dorm, kung saan itong si Manong na nagbebenta ng bagong lutong fishball, kikiam, hotdog, at kwek-kwek ay kulang na lang mapunit na ang kaniyang pisngi dahil sa pagkakangiti.

Stay humble lang tayo gan'on.

Kumain muna ako ng isang kikiam bago mataray na sumagot sa kaniya. "Hindi. . . Tuliling tuliling, gusto mo?!." 'Yong mga taong tatanungin ka pa kung umiiyak ka ba? Masaya ka ba? Malungkot ka ba? Kinikilig ka ba?Tulala ka ba? Ano 'yon mga bulag lang? 'Kitang-kita naman na nang mga mata, tatanungin pa! Sarap mamilisopo diba, like sagutin mo ng. . . 'Hindi, may kanal sa mata ko kaya may tubig. ', 'Hindi, clown ako e. Kaya ganiyan.', ' Hindiii, binagsakan kasi ako ng langit, pero hindi ng lupa kasi nasababa na nga diba? Ayan o inaapakan mo na.','Hindii, nakuryente lang ako ng live wire.', ' Hindi, nakakita lang ako ng pogi.'

"Ito naman! High blood ka 'te? Kalmahan mo lang." nakangusong saad nito.

"Sige daw. Mangyari kaya sayo 'yong nangyari sakin kanina sa orientation, baka mag evolve ka na sa pagiging homo-sapiens to tyrannosaurus, real quick." diretsong saad ko dito. Inismidan lang naman n'ya ako.

"Kakilig kaya anteh! Tsaka, president 'yon ng school. Ayaw mo n'on may knight in shining armor kana like Ace Craige?" natatawa pa nitong sambit.

Tinaasan ko naman s'ya ng kilay. "Ibang-iba naman 'yon sa taong 'yun. Tsaka. . . baka kung si Raymond Velasco pa s'ya syempre 'Oo' agad diretso sa 'I do'. " taas noo kong saad sa kaniya. Minsan ko na rin namang nakita si Raymond Velasco in person nung last time na nagpabook signing s'ya, syempre nakakaakit ang kaniyang mga mata kahit hindi na magtanggal ng mask ayos lang. Tsaka isa 'yon sa mga paboritong manunulat ko.

"Ano 'yon kung hindi sa fictional sa manunulat na lang? Pwede din. Uunahan kita kay KIB." Napasamid naman ako sa sinabi n'ya. Tamo 'to may Rhizz na tumatalandi pa ang deponggal!

"Alam mo isusumbong kita kay Rhizz!" saad ko sa kaniya ng may pagbabantang boses.

"Ito naman! Biro lang! Hehehe libre na lang kita ng kwek-kwek, kahit magkano." Saad nito sabay subo sa akin ng isang tusok na kwek-kwek.

Sus, may pera ata ang shete kaya anlakas makapagsabi ng 'libre kita'. Pero hindi! Sumpa man sa limang taon 'daw' ng Ang Probinsyano, wala 'tong pera.

Mas may posibilidad pa nga na mahuli na si Quiboloy at Alice Guo e, kesa mahuli mo 'tong may isang daan sa bulsa.

Mga taong may bulsa sa balat ang deponggal!

"May pambayad ka?" taas kilay na tanong ko sa kaniya.

"Wala, utang muna." nakangiti nitong saad.

At talagang nakangiti pa s'ya?!

Makikinig mo na lang talaga 'yong 'Teng neng neng neng' sa utak mo sa sinabi n'ya e.

Kainaman! Galing diba?

Nakakaproud ang bestfriend kong 'to. The award winning bestfriend of the year goes to. . . teng neng neng neng. Ay! Mali pala! Goes to. . . teng teng teng tenggggg!!! Kreishnel for the most "kuripot", "talandi", "sapak", "OA", "Delulu", at "inlababo"!

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon