Chapter 23

21 5 3
                                        

Pagkababa ko pa lang nang hagdanan ay sinimulan ko na rin inilibot ang tingin.Sympre para tingnan kung saang nakapuwesto si Yabang. Maraming tao dito sa labas dahil maaga pa naman talaga. Mag-aalas otso pa rin naman. Dito naman sa siyudad ay baliktad ang pagiging aktibo ng mga tao. Siguro ay dahil ang iba ay sa gabi lang sila mayroong bakanteng oras para makapag relax.

Pero shutangenemers! Nasaan na 'yon?! Marahas akong napakamot sa aking ulo. " Sabi nandito. Nasaan?" Pisteng kainaman!" Ako pa talaga ang paghahanapin. Mabilis pa naman akong mapikon. Halata naman siguro.

Napatingin ako usok na umaalimpuyo sa aking harapan. Galing 'yon sa gawi nitong si Manong na nagtitinda ng street foods.

Humahalimuyak sa hangin ang amoy nang niluluto nito. Si Manong na konti na lang ay pwede ng sumali sa grupo ng mga Titan. Grabe naman kasi makangiti itong si Manong. Kaya maraming bumibili kasi maganda ang awra nang nagtitinda. Meron kasing ibang nagtitinda na galit pa. Sila na nga 'yong binibilhan ay sila pa ang galit. Kung magtitinda ka syempre dapat makisama ka sa bumibili para marami kang benta. E kung lagi kang galit ay mas mabuti pa'ng 'wag ka na lang magtinda.

Huminga na lang ako ng pagkalalim-lalim nang magtama ang tingin namin nang isang lalaking nakahalukipkip at prente lang na nakasandal sa gilid ng isang kulay itim na kotse. Animo'y nakakita ito ng una niyang bibiktimahin dahil sa pagkalawak-lawak na ngiti na nakasilay sa kaniyang mapupulang labi. Suntukin ko pa lalo 'yan para lalong pumula.

Pero infairness mukha siyang presentable. Kaya naman itong mga kababaihan dito sa gilid na kumakain ng fishball ay kulang na lang lumaglag sa semento ang kanilang mga mata at panga. Hindi ko alam pero sila guwapong-guwapo sa lalaking ito. Pero kung ako ang tatanungin. Ako ha! Ako! Sakit siya sa mata ko, na pag tumingin ako sa kaniya ay pakiramdam ko magkaka sore eyes ako.

Pero hindi ikakaila na mayaaman si Yabang. Hindi ito 'yung nakita kong sasakyan na sumundo sa kaniya sa terminal. Dami ng sasakyan ha. Penge daw isa, kahit donate mo na lang.

Walang gana akong naglakad papunta sa puwesto niya. Alangan namang matuwa ako e kanina pa ako nabubuwesit sa kaniya. Tutulog na talaga ako e. May pasok pa kaya bukas.

Inirapan ko ito. " Oh, kailangan mo?" pagtataray na saad ko sa kaniya. Ngiti pa, akala niya'y ikinaguwapo niya ang pagngiti niyang 'yon.

" Sakay na," masayang ani niya sabay bukas ng pinto ng sasakyan. Hindi sa backseat ha, sa front seat. Pa-gentleman ka diyan? Sus, baka ako'y kidnappin mo lang at ibenta ang lamang loob ko sa kung saan-saan. Ibenebenta na nga siguro ang mga litrato ko 'wag naman sana pati itong aking pinakamamahal na katawan ano.

Humalukipkip ako. " Gagawin ko?" Hindi naman ako sumasakay sa sasakyan ng kung sino-sino. Lalo pa dito na kala mo kung makangiti ay hindi na mapagkakatiwalaan. Bakit ba siya ganiyan makangiti? Parang demonyong hindi ko alam. Nakakainis ang pagmumukha niya. Kung buntis lang siguro ako ay napaglihihan ko na ang karimarimarim nitong itsura. Yuck!

" Sasakay. Alangan naman lalangoy," pamimilosopo niya. Pwede rin maglalangoy ako sa dugo mo. Kasi diyan na kita papatayin sa loob niyang mamahalin mong kotse. Gusto mo? Hayst! Magiging mamatay tao pa ako dahil sa kaniya.

Huminga muli ako bago nagsalita kasi baka ako pa unang mamatay sa kaniya." Tsk. Ba't ako sasakay?"

" Kasi gusto ko," pagmamatigas niya. Aba! Akala mo siya ang tatay ko? Kanina nanay ngayon tatay naman. Baka sa susunod kapatid na rin kita. Sabihin mo lang at papatayin na kita.

Iginalaw-galaw ko ang aking hinlalaki sa paa dahil namamawis na 'yon bago muling tumingin sa kaniya at nagsalita. " Ba't gusto mo?" Napapahid na ako sa aking leeg dahil pinagpapawisan na pati 'yon. Ayan! Akala ko kasi malamig dito sa labas.

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon