Chapter 1

185 60 23
                                        


           May mga beses ba na hindi mo alam kung magkakagusto ka pa ba sa iba o hindi na dahil sa natrauma ka na sa mga past relationships mo. Hayy, buhay! Mas gusto ko pang pumunta sa Mars o pumasok na lang sa mga librong binabasa ko. Di ko naman alam kung paano. Nasan na ba kasi ang portal na yan!

My name is Acquisha Adelaine Arcodijo. I'm the triple-A—a simple girl living a simple life from a simple family. 1st year Mass Com student na mapalad na papasok sa University na pinapangarap ko at siguro pinapangarap din nang karamihan.  Kinulang sa height pero sumubra naman sa ganda! Ayy pakak binuhat ang sariling bangko. Short legged person na hindi ko alam kung may pag-asa pa bang tumangkad o wala na talaga. Singkit na nakaeye-glasses dahil sa kalaboan  nang mata. Ewan ko ba,  biniyayaan nga nang katalinuhan pero puro sakit naman at isa pa kinulang pa sa social skills at emotional quotient. Ang hirap palang maging matalino pero hindi mo naman maexpress ang nararamdaman mo sa tao.

"Acquisha, yung toothpaste at toothbrush mo nalagay mo na ba diyan. Yung mga papales mo mawala, yung sapatos mo nalinisan mo na ba? Wag ka palabas-labas nang dorm niyo lalo na kapag gabi hah, sinasabi ko sayo. Iba dito at iba roon, mahirap na!". Sigaw ni Mama na ngayon ay nasa kusina at inihahanda ang mga biscuit at vitamins at gamot na dadalhin ko paluwas. Mas haghag pa siya kesa sa akin e. Kanina pa siya babalik-balik dito, doon, at kung saan-saan pa.

"Opo Ma! Ayos na po kanina pa," saad ko habang isinasara ang zipper nang travel bag na dadalhin ko, laman nito ay puro damit at ilang personal na gamit. Nagbitbit na rin ako nang ilang mga libro sa aking shelves. Kung pwede ko lang dalhin ang lahat ng ito ay ginawa ko na. Siguro naman ay makakapunta ako sa NBS para makabili nang mga paborito kong libro. 

Humiga muna ako sa kama at ang bestfriend kong si Krieshnel na nauna na sa akin sa dorm, kahapon pa siya naroon. 

To: Tetel

Uyy, kabebs? Sunduin mo ako sa labas nang dorm hah. Paluwas na ako mamayang mga 9pm. Maga na ako makakarating diyan, text na lang kita pag nandyan na ako. Bye, love you lots!(:

Text ko dito, naghintay pa ako nang ilang minuto ngunit wala akong natanggap na reply mula rito. Siguro ay lowbat ang phone nito o walang load. Magtetext na lang siguro ulit ako mamaya bago umalis.

"Uyy, Acqui! Ayyy antamad, intindihin mo na yung iba mong gamit. Mamaya may nalimutan ka pa mahirap na. Ano yun uuwi ka pa rito para kunin ang mga naiwan mo! Tayo-tayo, ija!" Malakas na saad ni Mama nang bigla nitong buksan ang pinto. Napabangon kaagad ako dahil sa gulat sa kanya. Pero kahit ayos na ang lahat ng gamit ay need ko ap rin icheck dahil hindi ako tatantanan nito hanggang hindi niya ako nakikitang gumagalaw.

Nang macheck ko ng lahat ay lumabas muna ako nang kuwarto para kumain na ng hapunan. Hindi pa man ako nakakapasok ng kusina ay naamoy ko na kaagad ang adobo na niluto ni Mama. Humahalo na kaagad sa hangin ang aroma nang mga rekado na kanyang ginamit sa pangsangkutsa nang kanyang ginisang gulay. At nang makapasok na nga ay bumungad sa akin ang tila ba piyestang hapagkainan.

"Oh Ma, 'bat naman po ang dami nating ulam?" takang tanong ko kay Mama. Kami lang namang dalawa ang kakain dahil nasa trabaho si Papa at si Ate naman ay nasa Manila. 

"Daming tanong ah, umupo ka na lang diyan at lumamon na." Ganto talaga magsalita si Mama pero kahit ganun ay napakabait nitong tao at magulang.

"Ma, isa lang po talaga yung tinanong ko," asik ko naman na saad dito. Pinagtaasan lang ako nito ng kilay at inilapag na sa lamesa hawak-hawak nitong pinggan na may lamang mainit na kanin.

"Ohh, Acquisha hah kumain ka na nang marami at mahirap magutom sa biyahe.", muling saad nito.

"Opo mudrakels, pwede naman pong bumili eh," saad ko dito habang sumasandok ng kanin. May nalaglag pang mumo sa lamesa at agad ko naman yung pinulot at inilagay sa bibig bago pa man siya humarap. Papagalitan kasi ako nito kapag may mumo na natatapon sa lamesa. Natutunan ko rin ang ganitong asal kay Papa. 

"Gastos mo talagang bata ka!Kumain ka na tama na ang kadadada," talak naman nitong muli. 

"Opo, kain na po Ma.", tanging sagot ko dito at nagpatuloy na sa pagkain. Sumabay na rin naman ito. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresentang maghugas ng mga plato. Nilaro ko muna ang bula sa aking kamay at inilagay iyon sa baso, nagmukha tuloy iyong whipped cream. Kahit ganto na ang edad ko ay naeenjoy ko pa rin ang ganitong mga simpleng bagay, nakakawala kasi nang isipin kahit papano. Natapos na rin naman ako dahil sinita na ako ni Mama at nasabihan pang "parang bata". Medyo lang, pero hindi naman ganun kalala. 

Nakaupo ako sa sala nang makita ko si Mama na dala-dala na ang iba kong gamit pababa nang hagdan. "Abay, tulungin naman daw ako. Nakikita mo nang nahihirapan ayy.", talak na naman nito. Ayyts, ibinaba ko muna ang cellphone at tumayo na.

"Ma, tatayo na po talaga ako," saad ko naman dito. Tatayo na mana kasi talaga ako, advance lang talaga si Mama sa pagsasalita.

"Tss, kunin mo na iyong maleta mo dun sa taas at mamaya-maya ay padating na si Papa mo," muling saad nito bago ibaba ang travel bag sa may sofa. 

"Uuwi po si Papa?" tanong ko dito. 

"Oo, ihahatid ka daw namin sa terminal ng bus sa bayan," tugon naman nito habang inaayos ang pagkakalagay nang bag sa sahig.

"Ahh, sige po Ma. Kunin ko na po sa taas." Natuwa naman ako sa sinabi nya. Makakatipid-tipid din dahil si Papa ang maghahatid sa akin. May trisikel naman kami kaya hindi na hassle tsaka mahirap rin naman magcommute nang ganitong oras dito sa amin. 

Pumunta na ako sa taas at agad na ring ibinaba ang maleta na hindi naman kalakihan. Nang matapos nang magbaba nang mga gamit ay umupo na akong muli sa sofa at nagscroll-scroll muna sa facebook. 

Naeexcite ako na kinakabahan dahil hindi katulad ng dati kong school noong high school ang papasukan kong unibersidad ngayong koleheyo na maraming mga building at pasikot-sikot, sigurado din syempreng maraming estudyante. Aatakhin na naman ata ako ng social anxiety sa pasukan, hindi kasi ako sanay na maraming tao ang nakakakilala o nakakakita sa akin, commonly kasi nasa bahay lang ako kapag weekends o masasabi kong school-bahay lang talaga akong tao. Pero dahil kolehiyo na ay dapat baguhin ko na ang mga ganoong gawi, kailangan ko ng maging "Acquisha, Wala Ng Hiya".


UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon