' Tulaley lang sa hallway at nagmumuni-muni. Ang tanong sa 'king sarili,"Sa'n ako nagkamali?"Bakit sa iyo pa nagkagusto? Parang bula, ika'y naglahooooohuuhuhuhu. Por que contigo yo ya escogi? Ahora, mi corazon ta sufri. Bien simple lang yo ta pedi. Era senti tu el cosa yo ya sentiTa pedi milagro, vira'l tiempo. El mali hace derechoNa de mio rezo ta pedi yo. Era olvida yo contigo.
Ang lahat ay binigay ko. Wehhh? Acquisha, kakakita mo lang kanina? Binigay mo na agad lahat? Sigurado ka? Lahat? Masyado naman ata akong aning.
Ngayon ay sising-sisi. Oo! sising-sisi na ako ngayon.
Sobra-sobra ang parusa. Oo! Sobra-sobra na! Tama! Wala kayong awa!
'Di alam kung kaya pa. Totoo! Hindi ko na alam kung kaya ko pa! Kung makakatagal pa ba ako hanggang bukas. Tapos ganito pa rin?! Takte! Shete! Pakamatay na lang, maigi pa!
Bakit sa iyo pa nagkagusto? Nagkagusto agad? Humahanga lang ako ano.
Parang bula, ika'y naglaho. Por que contigo yo ya escogi? Ahora, mi corazon ta sufri. Bien simple lang yo ta pedi. Era senti tu el cosa yo ya senti. Ta pedi milagro, vira'l tiempo. El mali hace derecho. Na de mio rezo ta pedi yo. Era olvida yo contigo. Wag nang lumapit o tumawag paAt baka masampal lang kita. Chosss!
'Di babalikan ('di babalikan), magsisi ka man. Ako ay lisanin. Por que contigo yo ya escogi? Ahora, mi corazon ta sufri. Bien simple lang yo ta pedi. Era senti tu el cosa yo ya senti. Bakit ikaw pa ang napili? Ngayon, ang puso ko ay sawi. Kay simple lang ng aking hiling. Na madama mo rin ang pait at pighati.
Ayy! Grabe naman sa sakit at pighati ha! Hindi ka naman niya sinaktan. Pineste lang. . .
Sana'y magmilagro, mabalik ko. Mali ay maideretso'. Pinagdarasal ko sa 'king puso.
Na mabura na sa isip koooooooooo!
Pisteng yawa mooo!'
Grabe nakakamotivate ang kanta na Porque by Maldita. Sapul na sapul ang sitwasyon ko ngayon. Pwede bang pasapul na rin sa panga? Para tulog agad tapos wala ng gising-gising.
Pero. . . H-I-N-D-I!
Isang malaking HINDI!
Bakit naman ako mahihiya?
Bakit ako maaning?
Bakit ako magpapatalo?
Eh ako lang naman ang nag-iisang 'Reyna ng mga Pasas' at isang 'Triple-A Queen'. Ako na ito e.
Takteng hallway naman ito oh! Kanina pa ako naglalakad anlayo pa rin ng hagdan. Isa pang nakakapiste.
Syempre hindi naman agad mawawala sa mga mata ng mga nadadaanan at nakakasalubong ko na makilala nila ako. 'Yong iba nginingitian ako kaya nginingitian ko rin naman. 'Yong iba naman kala mo kung sinong makatingin na parang gusto ka ng kalbohin. Anteh? Hello? Gusto mo unahin ko kayong kalbohin. Baka gusto niyong magpahaircut? Libre na lang para sa inyo, 'wag nga lang kayong aangal kapag shaggy lang ang available ha. Gamitin ko rin ay garden scissor para easy cut.
Hmm, gigil ako eh.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Hanggang sa makarating sa baba ng building. Nasaan na kaya si Kreishnel? Kanina pa iyon nagchat na nandito na siya sa baba. Nauna kasi ang break time nila, e kami ay napatagal lang ng ilang minuto dahil sa pang-aasar ng mga kaklase na nakisabay pa ang gu---si Prof. Andrew. Piste!
Napalingon naman ako sa likuran ng marinig ang pagpalirit ng isang babae na kala mo na ay sinilihan ang panty. Agad namang naparolyo ang mata ko ng makita. . . AYY! SINO PA BA?! Eh di itong hibang kong kaibigan kasama ang kasintahan niya pati na rin ang dalawa nitong kaibigan.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Roman pour Adolescents" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...