"Bagal mo maglakad, Kabebs!" Nagmamadali na saad ni Tetel. Kanina pa siya ganyan. Kitang nahihirapan na nga yung tao. Kanina pa kasi sumasakit 'yong tuhod ko, kanina pa rin kasi kami paikot-ikot, akyat-baba dito sa mall. Para na kaming hilong-talilong dito.
Sinamaan ko naman ito ng tingin. " Teka lang naman, Kabebs. Upo muna tayo!!" Gustong-gusto ko na talaga umupo.
"Hayts, tanda mo na kasi! 'Yan tuloy nirarayuma ka na!" Dakdak pa nito. Agad naman nakuha nang atensyon ko ang bench na hindi kalayuan sa gitna kung saan may banda na nag-aayos ng kani-kanilang mga instrumento. Binubuo yun ng tatlong lalaki na sa tingin ko ay nasa kaedaran lang din namin at hindi maikakailang may mga itsura naman sila. Though may itsura naman lahat ng tao may mga nangingibabaw nga lang talaga. Yung isang lalaki na vocalist ata, kasi siya yung may hawak ng mic, matangkad ito at nakasuot nang formal summer polo shirt na pinaresan ng black jeans, blond din ang buhok nito na naka-undercut, may salamin din siya.
Napatigil ako nang magtagpo ang mga mata namin.
A-anong nakatingin ba siya sa akin? Nakaharap kasi siya sa gawi namin, ako ba o si Kreishnel ang tinitingnan niya. Pero . . . guni-guni ko lang ba? Na-nakatingin talaga siya sa akin. Tumingin naman ako sa likuran, alangan namang si Manang na may bantay na bata. Delulu? Bumalik naman ang tingin ko sa kanya . . . Lah! Ang Kuya mo sa akin nga nakatingin.
Binaling ko na lang sa kasama niyang guitarista ang tingin ko. Baka kasi assuming lang ako o ano. Diba-diba?
Yung guitarist naman ay polo shirt lang din na medyo hindi nakabutones sa taas, cute dahil katulad ko ay mababa lang din ito pero parang mas matangkad pa siya sa akin ng ilang inch. Yung isa naman may hawak na saxophone, astig ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa personal, katulad ng naunang lalaki ay ganun din ang suot nito, medyo mayabang siyang tingnan.
Hindi naman mapakali ang isang 'to sa harapan ko. Nakatalikod siya sa tatlong kalalakihan na sinasabi ko kanina. "Umupo ka nga muna! Ano ba kasing hinahanap mo?!" Kung saan-saan na ang tingin nito.
"Sabi ni Rhizz dito daw . . ." Sino? Alin daw ang ano? Hindi ko siya maintindihan dahil sa biglang pagbukas ng speaker na gumawa pa ng masakit sa tengang tunog. Kaya ayaw kong sumama 'e, maingay.
Bigla namang humarap si Krieshnel sa banda at nagulat na lang ako nang bigla tumili ng pagkalakas-lakas at agad na itong tumakbo sa lalaking may hawak-hawak na guitara. Bigla din namang napalingon sa kanya ang lalaki at tumakbo rin ito palapit sa kanya na para bang sabik na sabik sila sa isa't isa.
Napatingin naman ako sa mga kasama nong lalaki at nakita kong napangiti at iling-iling pa ang mga ito. At-at napatingin na naman ako do'n sa lalaki at nagkatagpo na naman ang mga mata namin. Napabalik na lang ng ako sa tingin sa bestfriend kong kayakap na yung lalaki kanina.
Anong . . .ano bang nangyayari?!
Napatayo ako bigla dahil sa nakita. Pero agad din namang umupo ng patakbong bumalik si Krieshnel sa akin at umupo ito sa tabi ko. Tiningnan ko lang ito at yung ngiti niya parang mapupunit na yung labi niya hanggang pisngi.
"Para saan yun aber?" Para namang nahimasmasan ito sa tanong ko. Tila ba nahihiya pa ito. Wag ka ng mahiya anteh nakita ko, at marami kaming nakakita.
Nag-aalangan pa itong sumagot. "A-ano kasi . . . si Rhizz. A-ano ehe." Kinikilig ba siya o natatae? Pakisabi nga ng malinaw.
"Boyfriend mo." Seryoso kong pagtuloy sa sasabihin niyang hindi niya masabi-sabi. Ako na lang mag-adjust, kahiya naman sa nabubuhol niyang dila.
"Hindi.....", madiin na saad nito. Eh ano pala yun? Friends pero with matching kilig na kilig at sabik na sabik sa isa't isa.
"A-ano . . . mu pa lang kami." Hindi ito nakatingin sa akin dahil nakatingin pa rin siya don sa lalaki na may pa pretty eyes pa. Lah, wala pa siyang isang buwan dito. Kaya pala sobra-sobra makapangakit.
"MU, sure ka kabebs? Grabe yung lagkit niyo, dinaig pa ang shoe glue." Hindi pa rin maawat ang tinginan nang dalawa. Inasiman ko na lang ito ng tingin.
"MU nga!", bulong ko na lang sa sarili. Mukha kasing yung kasamahan ko ay nagayuma na ng lalaki sa unahan namin. Nag-patingin naman ako sa banda ng magsimula ng tumugtog ng guitara yung Rhizz.
Infairness magaling siya, hindi ko maitatanggi.
Yung tinutogtog niya parang narinig ko na 'yon. Ah, yeah yung bagong kanta ni Dionela.
"Go, Rhizz!" Tili naman ng kilig na kilig na isang 'to. Napatingin tuloy sa amin 'yong ibang nanonood.
Wala naman talaga akong hilig sa mga ganito. Hinilot ko na lang ang tuhod ko. Nangingimi pa rin kasi. Ba't ba kasi nirayuma pa.
"A flower is not a flower until they bloom
Like my first time living life the day I met you
Hate to think that humans have to die some day
A thousand years won't do"Teka, napaangat ang tingin ko ng magsimulang kumanta yung vocalist. Ang ganda ng boses niya. Kuhang-kuha yung boses ng idol ko.
"No wonder I fell in love, even though I'm scared to love
Baby, I know the pain is unbearable (there's no way)
Pinsala'y ikinamada mo, binibining may salamangka
You've turned my limbics into a bouquet
Ikaw ay tila sining sa museong 'di naluluma
Binibini kong ginto, hanggang kaluluwa
Gonna keep you like a Nu couché, all my life"Nakakaturn on talaga pag kumakanta ang lalaki. Oy, itigil mo nga yan Acquisha! Hindi pwede, hindi! At hindi na kailanman!
Pero kasi . . . ang ganda ng boses niya! Yung pag siya yung nang harana sayo mapapasagot ka kaagad ng "Oo" diretso " I do".
"At kung sa tingin mo na ang oras mo'y lumipas na
Ako'y patuloy na mararahuyo sa ganda
I'd still kiss you every single day, all my life"Napatingin ako sa paligid ng mapansing andami ng tao ang nanonood. Sino ba namang hindi, diba? Ngayon lang ako naka experience ng gan'to, second time ko pa lang naman kasing pumunta ng mall.
"If I could paint a perfect picture
Of the girl of my dreams with a curvy figure
Voice of angel like a symphony
No doubt she's a masterpiece
No matter the color you're beautiful
You're one of a kind like a miracle"Shemay! Habang kinakanta niya 'yon ay nakatingin siya sa gawi namin, o sa gawi ko? Basta nakatingin siya, tapos!
"Go! Rhizz!" Lah, daig pa ang girlfriend. Akala ko MU? Nakakabingi na nga yung lakas ng speaker, nakakabingi pa yung bunganga ng isang 'to. Dinaig pa talaga yung speaker, mas malakas pa. Naka ultra-sonic speaker ba bibig nito?
"Beh, pogi ni Rhizz 'no. Ehehe", bulong niya sa akin sabay tulak, medyo napahawak ako sa gilid ng bench dahil sa ginawa niya.
"Oo bebs, mapanakit." Inis ko itong tiningnan pero nakapako pa rin talaga ang tingin niya sa lalaki.
"Hindi ka papanaw hanggang huling araw
Maging kabilang buhay, ikaw ay ikaw
No wonder I fell in love, even though I'm scared to love
Baby, I know the pain is unbearable (there's no way)
Pinsala'y ikinamada mo, binibining may salamangka
You've turned my limbics into a bouquet
Ikaw ay tila sining sa museong 'di naluluma
Binibini kong ginto, hanggang kaluluwa
Gonna keep you like a Nu couché, all my life"Ang ganda ng boses talaga. Sana lahat pinagpala sa boses. Yung akin kasi kahit sa cr ako kumakanta pag nirecord parang kambing na umiiyak sa ilalim ng balon. Yung whistle nagiging boses ng asong naipit.
Magpa-voice lesson kaya ako, tapos siya 'yong nagtuturo.
Oy, STOP IT! Makinig ka ng lang delulu.
"At kung sa tingin mo na ang oras mo'y lumipas na
Ako'y patuloy na mararahuyo sa ganda
I'd still kiss you every single day, all my life"Alam nyo 'yong feeling na hindi mo kilala 'yong tao pero nakakakilig? Like, delulu lang ba talaga? Grabe kasi yung titig niya, para akong ice cream na natutunaw sa mainit na tingin niya.
At sa pagdating ng huling araw, huwag mag-alala
Naramdama'y habangbuhay nakamantsa
That the world will never take away
After life"Nagpalak-pakan naman ang lahat syempre nakipalakpak na rin naman ako. Mas malala naman 'tong kasama ko na dinaig pa ang nakakuha ng top fan badge dahil sa pagka OA. Ultimate fan?
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen Fiction" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...