Chapter 18

36 14 0
                                        

"I won't lie to you
I know he's not just right for you
And you can tell me if I'm off
But I see it on your face
When you say that he's the one that you want
And you're spending all your time
In this wrong situation
And anytime you want it to stop"

Hindi ko alam pero . . . sa tuwing kumakanta siya. Parang . . . sumasayaw 'yong mga bulate ko sa tiyan. Syempre hindi muna paru-paru, uod muna diba? Butterfly metamorphosis bruh. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa kung ano-anong pumapasok sa utak ko.

Tapos . . . katulad nang sa mall. Hindi na mana siguro ito maladaptive daydreaming ano? Nakatingin kasi talaga siya sa akin habang kumakanta ito.

Nandito kami ngayon sa Swip's. Syempre nakakita na naman siya ng guitara kaya. . . ayon, nagpresenta sa unahan. May mga ibang estudyante rin na nandito 'yong iba nga kilala siya e. Di ko din naman ikakailang katulad ng bagyong 'yon ay sikat din si Syllus pati ang dalawa pa nitong kaibigan.

"I know I can treat you better than he can
And any girl like you deserves a gentleman"

Taas kilay kong tiningnan itong katabi ko na bigla-bigla na lang naniniko. " Yie! Anteh, gentleman daw oh! " pang-aasar ni Kreishnel. Bigawasan kaya kita kabebs? Baka gusto mo?

" He can treat you better daw oh! Yieeee! " Napatingin naman ako kay Rhizz nang sulsulan pa nito ang sinabi nang kaniyang 'Koopkek'. Timang talaga. Bagay nga sila duo sa kaaningan, duo sa katimangan, at duo sa pagiging glucose. Baka nga duo pa rin sila sa pagkakaroon ng sakit na diabetes milletus. Abay malay ko, malay mo, malay nating lahat. Malaya na siya sa iba! Chosss!

"Tell me, why are we wasting time
On all your wasted crying
When you should be with me instead?
I know I can treat you better
Better than he can"

" When you should be with him instead? Yieeee! Layag!" Oh! Isa pa naman itong si Brix na nakahipak.

Nauna kami. . . kami? Oo, K-A-M-I! Kami, kaming dalawa ni Syllus. Paano naman ako makakapunta dito kung hindi ko kasama si Syllus my---my friend? Hindi pa naman kasi opisyal ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ka-ibigan ha, kaibigan na pwede din namang soon to be ka---kapatid? kapamilya? kapuso?kababayan?

BASTA! 'YON!

"I'll stop time for you
The second you say you'd like me too"

Ibinaling ko na lang muli ang aking mga mata kay Syllus. Prente lang itong nakaupo habang hawak-hawak ang guitarang ginagamit niya. Syempre Acquisha, aning ka na naman ba? Alangan namang kinakain niya. Piste!

Side thoughts go away!

Itinuon kong muli ang atensiyon sa kaniya. Habang itong mga timang tamang suporta lang sa kaibigan. 'Yong ilang mga babae dito grabe ang tingin kay Syllus. Parang kalamay, biko, at tikoy lang sa lagkit. Alam ko 'yong mga ganiyan. Ibenta ko kaya kayo sa talipapa ng kumita naman ako kahit kaunti.

"I just wanna give you the loving that you're missing
Baby, just to wake up with you
Would be everything I need, and this could be so different
Tell me what you want to do"

Nanlaki naman ang mata ko nang bigla siya sa aking tumingin sabay kumindat. Lah! Ang puso ko. . . Tug dug tug dug tugdug tugdugtugdugtugdugtugdugtugdugtugdugtugdugtugdug . . . tooooottt. Cardiac arrest?

" Ehemmm ehemmm ehemmm. . ."

Narinig kong nang-aasar na tikhim nitong katabi ko. Hindi ko naman ito tinapunan ng kahit kapirasong atensiyon. Kinuha ko na lang ang tasa na nasa harapan ko at nilagok ang laman n'on. Syempre para hindi halatang nagpapalpitate na ako ano.

Napatingin naman ako sa baso. Ayyy! Bakit ang tabang naman ata nito? Diba latte ang inorder ko kanina? Ahhh alam ko na. Baka ito 'yong tubig, medyo malamig din e. Bahala na basta kumalma ka lang saging. Isipin niyo na lang kung bakit saging.

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon