Ang ganda talaga kahit sa labas lang nitong NBS, syempre lalo na sa loob, kung pwede lang dito ako tumira ay ginawa ko na. Magkano kaya franchising nito? Para naman talagang kayang mag franchise ano. Sana . . . ay hindi! Magkakaroon din ako ng libro sa loob niyan.
Busy lang ako sa pagtingin-tingin dahil hindi pa kaya ng bulsa ko ang bumili.
"Do you want to buy?" Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Oh, Syllus . . . ba't di ka sumama sa kanila sa arcade?" Bitbit niya ang guitara sa likuran, di ko 'yon napansin kanina kasi si Rhizz ang may hawak nito, sa kanya pala 'yon.
"Di na ako bata." Natatawang saad nito. Lah, wala naman akong sinabi.
"Bakit? Bata lang ba ang pwedeng mag-arcade?" Napapangiti na lang talaga ako sa mga tanong ko, may halo kasing pamimilosopo.
Napatawa na lang din siya sa pamimilosopo ko. Pakak talaga ang perfect teeth ng koya mo. "So to turn back the question earlier. Do you want to buy?" Ba't ba niya tinatanong kung gusto kong bumili, syempre isa lang naman ang sagot diyan.
"Oo" Oo nga ang sagot. Antanong may pera bang pambili? Wala! Nganga na lang.
"Ba't di ka pumasok?" Tsk, pano nga papasok, kahiya namang pumasok lang pero hindi bibili. Bumuntong hininga muna ako bago tiningnan si Syllus, napaiwas naman ako ng tingin ng magtagpo na naman ang aming mga mata. Napapikit pa ako, ba't ba kasi gano'n siya makatingin. Tumalikod ako dito, ba't ba kasi ganito 'yong puso ko. May race ba ang blood cells ko sa coronary arteries ng puso ko?
"Lika sa iba na lang tayo. Samahan mo na lang ako bumili." Pag-aakit ko dito, nang maglakad ako ay nagsimula na rin itong sumunod. Ba't parang ang feeling close ko naman ata sa kanya para magsalita ng ganon. Ay, basta gusto ko na lang maging bula. Para float-float lang sa hangin with matching pop-up pag napadikit kung saan.
Habang naglalakad ako ay bigla na lang may humawak sa palapulsuhan ko, malambot ang mga kamay. Napatigil naman ako, muntik pa nga akong mali-ay dahil napadulas 'yong sapatos ko sa tiles. Takte! Sino ba kasing naglinis dito?! Wala lang, effective --- maganda at kumikintab.
Buti na lang talaga naalalayan ako ni . . . Syllus? Hawak-hawak nya ngayon ang palapulsuhan ko.
"Ba-bakit?" Ehe, lah! No! Esperito ni Kreishnel umalis ka sa katawan ko! Ano bang nangyayari sa akin.
"Okay ka lang ba?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay binalikan lang ako nito ng nag-aalalang tanong.
"O-oo, bakit?" Pumikit pa ako ng ilang beses, kanina lang ay ang cold cold ko dito makipag-usap ngayon parang nasa akin na ang climate change.
"Ambilis mo kasi maglakad." Hah? Mabilis ba 'yon? Parang hindi naman, slight lang siguro.
Napahawak naman ako sa dulo ng dalawang taenga, binitawan na rin naman niya ang pagkakahawak sa akin. "Ay hehe, sorry!" Double trouble with matching ultra-pro max shyness ang nararamdaman ko ngayon.
"Bigla ka na lang tumalikod tapos iniwanan mo ako." Hah? Diba sumunod siya. Lah! Nalilipang na ata ako. Acquisha aba'y gising-gising!
"Sorry sorry (10x)" Hindi ko naman kasi napansin na naiwanan ko na pala siya.
"Ay joke! Okay lang, no worries. 'Yong hakbang mo kasi dalawang hakbang ko na kaya nakasabay agad ako." Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Matutuwa na sana ako kasi may "no worries" kaso . . . 'yong huli parang nang-iinsulto. Geh, go! Siya na matangkad! Hayts, kala ko good boy. Ayan na naman tayo sa akala. Pwe!
Nawalan na ako ng gana na bumili. May stock pa naman ako ng pasas sa loob ng laguage, mga limang pack pa 'yon. Gusto ko ng umuwi! Nakakainip na dito, buti si Kreishnel nageenjoy. Ako?! Nasan ang enjoying sa lakad ng lakad na wala namang napapala? Sakit lang ng tuhod ang idinulot sa akin sabay pa ng inip. Hinintay na lang namin 'yong tatlo na matapos sa pamamasyal. Dinaig ko pa na nanay na nagbabantay ng nililigawan na anak. Patang-pata na ang katawan ko. Ito namang si Syllus, kung ano-anong pagkain ang binibili tapos ibibigay sa akin. Ano 'yon? Pinapataba ba niya ako? Para namang effective, 'e nakakalimang plato nga ako ng kanin sa bahay pero ito tingting pa rin.
Ng matapos na ang walang kasawaang pamamasyal "nila" ay napagpasyahan ng tatlo na ihatid na kami. Dala ni Syllus ang sasakyan nito kaya madali lang. Pag dating na pagdating sa loob ng kwarto ay ibinagsak ko na kaagad ang sarili. Para akong binugbog.
"Love you po! Mwuah!" Takte! Hindi pa nga siya nakakapag bihis ay kausap na naman niya si Rhizz sa telepono. Ano? Walang kasawaan. Padabog akong umupo sa higaan, napairap na lang ako dahil kahit 'yon ay hindi niya napansin dahil halos mapunit na ang labi nito kakangiti sa kong anong tinitingnan niya sa screen ng cellphone niya.
"Akala ko ba MU? Ba't may pa I love you?" Hindi talaga ako naniniwalang mag MU "lang" ang dalawang ito. Halata naman na higit pa do'n.
"Oo nga! MU with I love you. Ehe, wag kang bitter anteh!" Mataray niyang sagot. Bitter? Ako? Nag-iingat lang naman ako. Ayaw k-. . . ay erase the history.
"San mo naman nakilala 'yan?" Kasi nga naman ilang linggo pa lang siyang nandito tapos may gan'yan na siya kaagad. Nakakapagtaka.
"Nakilala ko na siya bago pa ako lumuwas . . . through chat." Shemayyy!? So di man lang niya sinabi sa akin na may nakakausap na siya. Nakakatampo hah, nakakasama ng loob. Sabi niya pag may nanliligaw na sa kanya sasabihin niya sa akin.
"So . . . itinago mo sa akin?" Naiinis ako sa kanya ako 'yong bff pero hindi man lang nabanggit. Kaya lalong nagiging malala ang trust issue ko 'e.
"Lah! Hindi naman laging dapat sabihin sayo. Tsaka nakilala mo na rin naman." Masakit 'yong sinabi niya lalo na 'yong "laging dapat sabihin sayo"? Hindi naman sa binabakuran ko siya pero . . . ayaw ko lang na maranasan na naman niya 'yong nangyari dati. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin habang kinakausap niya ako. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha kaya humiga na lang ako at tumalikod sa kanya. Hindi na ako nagsalita ng kung ano man, hindi din naman niya binibigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Ficção Adolescente" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...