Chapter 15

42 13 5
                                    

Hindi pa rin ako makaget-over sa panaginip ko at sa sumang putot na 'yon kahapon. Grabe naman kasi diba? Andoon na eh, ayon na magkikiss na kami. Grabe naman kasing cameo ni Pipay sa mukha pa talaga ni KIB. Pwede namang abay o brides maide ko na lang s'ya eh.

Putakte kasi! Siguro napurnada talaga 'yon dahil sa dalawang hedoponggal na dalawang lalaking 'yon. At dahil galit pa rin ako sa kanila. . . BAHALA SILA!

" Kabebs! Dalhin daw 'yong booklet ha," saad ni Kreishnel na abalang-abala sa paglalagay nang pink lipstick sa kaniyang mga labi. Mapula naman ang mga 'yon dinadagdagan pa. Pang-ilang lagay na n'ya yan? Kanina pa siya pabalik-balik sa salamin eh. Ano kabebs diyan ka na kaya tumira o mas maigi diyan ka na mag-aral! SHUTA!

Whoaaahhhh!! Kalma self!

Alisin ang mga negatives. Pinagpagan ko ang sarili na para bang may dumi ako sa katawan, syempre para pampaalis nang negative vibes. Lagi ko itong ginagawa lalo pa at unang araw ng klase bilang isang mag-aaral sa kolehiyo.

Oo, pasukan na ngayon. At sana, sana, sana, sana. . . sana? Ay! Chosss! Hindi na pala kami magkikita nang pisteng lalaking 'yon. Para s'yang kahon nang cake pero hindi naman pala cake ang nasa loob dahil turon. Simula nang makilala ko ang lalaking 'yon sa bus parang alam mo 'yon puro sakit nang ulo at high blood na lang ang dumarating sa buhay ko.

Pero dahil first day natin sa unibersidad na 'yon ay papakabait tayo. Ang goal for today ay magpakabait at stay humble. At saka hindi naman s'ya ang pinunta natin d'on, nandoon tayo para mag-aral.

" Oh ano? Tapos ka na sa ritwal mo?" mataray na saad nitong si Kreishnel. Siguro hindi ito natawag ng 'Koopkek' nang kaniyang shutaers.

Syempre dahil positive lang tayo ngayon ay masaya ko na lang s'yang nginitian bago nagsalita. " Opo, tapos na ako sa aking ritwal. . . KOOPKEK. WAHAHHAHAHHA! Aray ko!"Isang mahinang umbag ang ginawa nito sa akin para tingnan ko s'ya nang masama.

Yieee, 'di natawag na koopkek.

Shutangenamers naman kasi sa endearment!

Eh di mamaya suyuang malala. 'Yan shutaers pa more. Imbis na masaya ka ngayong araw, 'yan talandi kasi ang mga hedponggal.

Mataray naman itong umalis sa aking harapan ako naman ay agad na rin tumayo para kunin ang aking bag na nakasabit malapit sa aking lamesa. Suot ko ngayon ay itim na baggy pants, pantaas na white fitted T-shirt, tapos Korean white shoes---simple pero hindi pabebe. CHOSSS!

Pareho lang naman kami ni Kreishnel na suot pinagkaiba lang ay 'yong kulay nang T-shirt n'ya ay black. Oh diba, pakak.

Habang abala ako sa paglalagay nang dalawang pack nang pasas, syempre hindi ito mawawala sa aking buhay. Kung si Mr.Beast mayaman sa pera ako naman mayaman sa pasas. Oh, diba hindi na luge. Biglang tumunog ang aking cellphone na nakasuksok sa aking bulsa kaya agad ko naman 'yong tiningnan.

PUTAKTE!

AYY JOKE!

Pu---tobongbong ni Marcos na hinama---layang puting rosas namang depo---sito ito oh!!!

Ito 'yong mga panahon na sinusubok ka talaga ng tadhana.

Pilit akong ngumiti pero gigil kong pinindot ang mensaheng nakaflash sa screen nang cellphone ko.

From: 09*********

Good morning Lalabs ko! Girlfriend ko! Sweetie pie, honey bunch, sugar plum, raisins with I love you!😘 Ready ka na po for school? Ako kasi. . . Yieeee kenekeleg po ang bebeboy mo!🥰 Enjoy your first day with me, Miss Pasas. 😘😘😘

PUTAKTENGENENGSHETE!!!!!

Kung may virtual punch lang na naimbento ngayon ipinadala ko na kaagad dito. Nakahipak na naman siguro ito nang betsin, pero hindi tingi kundi isang pakete na. Lakas nang sapak ng deponggal.

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon