Sa Spain na lang kaya ako tumira? or sa Italy? Balita ko may libreng lupain na ipinamimigay roon tapos babayaran ka pa. Mag tatanim na lang ako doon ng pasas o kaya naman mag-apply na lang ako sa vein yard doon para magtrabaho. Heaven sa dami ng ubas.
Putakteng utak ito oh! Sarap ipacleaning.
Magpapabrain wash na lang ako.
Ayyts! Nakakainis . . . puro kamalasan, puro sakit ng ulo, puro high blood, at puro na lang kaaningan ang napapala ko sa lugar na ito. Kitang-kita naman siguro kung bakit.
" Kabebs!"
Ewan ko ba feeling ko talaga may taong malapit sa akin na nakapagbibigay ng kamalasang ito.
" Acqui!"
Mga tao? O baka naman talaga marami sila? Hindi ko alam! Bakit pa ba ako nagtatanong e wala namang sasagot?!
" Miss Pasas"
Bubuyog? Bakit may naririnig akong bubuyog? Nasa farm na ba ako ng mga bubuyog? Ayy wait.
Omo Mema Goga!
Di ko pa natatry 'yon sa pasas. Parang masarap na pagsamahin ang pasas at pulot.
Matry nga minsan.
" Acquisha!"
Paano ba makasali sa Avengers? Gusto ko kasi maging member lalo pa at may Avenger Doomsday na. Ano kaya magandang pangalan? Baka pwedeng . . . Acquisha, The Raisin eating Vampire. Hala! Kung magkaganoon man ay ako pa lang ang kauna-unahang bampira sa avengers. Ako ba? Ewan basta mapasali lang ayos na. Isang hala pa pala! Pwede ding magbukod na lang ako ng pelikula. . .
" Timang ang shuta!"
. . . 'yong ano ba bampira na imbis na dugo ay pasas na lang ang pinagkukunan ng lakas.
Pwe! Pangit ng shuta.
" Acquisha! Hipak pa!"
May naririnig kayo?
Bakit parang naglalangoy ako sa pawis? Pawis ba? Bakit malamig? E bakit ko nga ba kayo tinatanong? Sasagot ba kayo?
" Kabebs?! Trip mo ba talagang magstay diyan?"
Ha?
Ano daw?
Choppy e. Ang hina ng radar ko ngayon.
Bakit parang umuulan?
E bakit amoy . . .
WAIT!
Bakit amoy . . .
Ma-mapanghi?
Parang namang hinigop ang kaluluwa ko papunta sa sariling katawan. Lahat sila nakatayo mga dalawang dipa ang layo sa akin. Nasa labas na silang lahat, pati itong si Yabang. Tapos. . .
Bakit parang diring-diri naman ata ang mga tingin nitong mga ito sa akin? Ano meron? Bakit kayo ganiyan?
May tumulong tubig sa labi ko galing sa ulan. Tinilam-tilam ko pa 'yon gamit ang aking dila. Bakit ang alat? Tapos iba ang lasa . . . unexplained taste. Mahina pa naman ang taste buds ko sa ganito.
Nagkakatotoo na ba ang Cloudy with a Chance of Meatballs?
Teka teka teka!
'Wag niyo sabihing . . .
Lumingon ako sa likuran ko at . . .
Halos isuka ko na pati ang lamang loob ko dahil sa nakikita ngayon.
POSHANG KUPAL TALAGANG KAMALASAN ITO!
Takte! Ni wala man lang humila sa akin para ialis ako dito sa inidorong naging fountain of pee na.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Novela JuvenilHave you ever met this type of girl? Yung tipong madaldal pero tahimik, matalino pero minsan may saltik, at 'yung ayaw pumasok sa mundo ng pagmamahal pero kinikilig? Meet Acquisha Adelaine Arcodijo! The Triple A Queen ng CW Department. Ang babaeng...
