" Pfffft. Ahahaah-ahaha-ah-ahhahah!! Pft-babalu ang datingan," si Rhizz. Kanina pa siya—sila tawa ng tawa na kala mo ba'y wala ng bukas. Nakatayo ito sa gilid ng higaan ni Kreishnel, pinapanood niya ang kasintahan na mag-ayos ng kaniyang namumuti ng mukha.
" Wahahahhaha! Takte! Sakit sa tiyan!."
Mayamaya lang 'yan maglalabas na 'yan ng carbon dioxide, baka nga ballistic fart pa.
Sarap pasakan nang cork ang dalawang butas ng tenga ko. ARGGGHHH! Kapag talaga nag-evolve na ang tao ay gusto ko wala akong naririnig. Chosss!
" H-Hindi. . . Rene Requestas sa Pido Dida," si Brix. Na namumula na ang magkabilang psingi, mukha na siyang tomato paste. Prente lang ito na nakaupo sa bangko na ginagamit ko tuwing nagsusulat. Kala mo nasa bahay lang, grabe makataas ng paa.
Banggitin niyo na kaya lahat ng mga kilalang Pinoy sa larangan ng telebisyon at pelikula.
" 'No 'yun? S-sino pala 'yun?" inosenteng tanong ni Rhizz. Jusmeo! Kung kaharap mo lang 'yun ay siguradong tinapuyong ka na. Halatang hindi nanood ng mga old movies.
Isang malakas na hampas ang natamo niya galing kay Kreishnel. " Aray ko! Sakit ha!" reklamo ni Rhizz. Hawak-hawak na nito ang braso habang tila ba'y namimilipit siya sa sakit.Napaismid na lang ako dahil alam ko naman na hindi 'yon kalakasan, masyado lang talaga siyang pabebe.
" Tanga! Pinanood natin 'yun sa sine dati," asik ni Kreishnel.
Napaisip naman si Rhizz sa hangin. " Di ko na tanda," ani niya. Magkasagpong ang kilay nitong muling tumingin kay Kreishnel.
" Shutangina mo!" Isang kurot ang iginawad niya sa tagiliran ni Rhizz dahilan para lumayo ito sa aking kaibigan. Halatang malapnit 'yun, napangiwi si Rhizz e. Ramdam kita bruh.
" Sorry na," pagmamakaawa niya. Ugh, nakakarimarim. Jusko! Ganito ba talaga ang mga . . . mga magkasintahan ngayon. Siguro sila lang talaga ang ganiyan. Ayyyttss! Bahala sila, relasyon naman nila 'yan.
Nagtataka siguro kayo kung paano sila nakapasok? Syempre yayamanin e. Ang pamilya pala nila Rhizz ang may-ari nitong dorm. Galing daba? Nepo. . . Chosss! Kaya pala nakakatipid si Kreishnel sa pagbabayad o pinagbabayad pa nga ba talaga? Sus sus sus.
Hinawakan ko ang baba bago ilagay roon ang isang malaking band-aid na binili ko kaninang maga. Hindi na din naman kasi ako nakatulog kaninang madaling araw.
Mapapaismid ka na lang talaga sa mga pinag-uusapan nilang wala naman kakwenta-kwenta.
" Pero. . . pfft! Wahahahahha! 'Nyare sayo Acquisha?! Baldado 'yang baba mo e." Umangat ang tingin ko kay Rhizz. Nakatingin siya sa baba ko. Sa tuwing tinitingnan niya lalong kumikirot e.
" Pinang-hiwa mo ba 'yan sa semento?" nagpipigil tawa nitong dugtong. Gusto mo ikaw ang hiwain ko? Ano sa tingin mo Rhizz, ganoon na ba katalas ang baba ko?! PESTE KA! Sarap mong sakalin at itapon sa kakabuhos pa lang na semento hanggang sa tumigas 'yun at di ka na makaalis.
Inakbayan siya ni Kreishnel, tumingin silang dalawa sa akin. " Mali ka Rhizz. Ganito kasi 'yan, ginamit niya 'yang baba niya sa pagtytype kagabi," pang-sasapaw na ani ng hibang na babaklitang ito. Imbis na ipagtanggol ay susulsulan pa. Shutangenemers talaga!
Bahagyang lumapit sa akin si Brix." Ahhhh pero grabe naman at patang-pata. Laki ng pasa oh." Sinipat-sipat nito ang aking baba. " Halatang gamit na gamit," birong saad niya. Tinapik-tapik pa niya ang aking ulo. Agad kong hinawi ang kamay niya sa aking sensitibong ulo. Oo, sensitibo kasi mamaya sumabog 'yan madamay pa sila.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo na animo'y iba ang lumilikaw sa mga utak ng mga ito. Gamit na gamit pala ha! Gamitin ko 'to sa inyo, nakita niyo. Hindi! Makikita niyo na ang mga ninuno niyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/372530502-288-k539925.jpg)
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen Fiction" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...