Chapter 3

152 50 40
                                        

"Turbina! Yung mga bababa o magccr!", sigaw nang konduktor. Yung ibang mga pasahero nagsibabaan na muna habang ako ito papetiks-petiks lang di pa naman kasi ako baba tsaka wala din naman akong bibilhin, hindi din naman magccr o ano. 

Tumayo itong katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Hay, salamat naman." Buti naman at bababa na ang isang 'to. 

Ipinatong niya ang kanyang jacket at bag sa kanyang bangko. 'No ba yan akala ko bababa na. "Ms. Pasas, hindi pa ako bababa," masungit niyang saad. Maasim ko na naman itong tiningnan. Kala ko talaga, sayang. 

Tuluyan na itong bumaba. Siguro jejebaks yun, kanina pa kasi kain nang kain. Ay, bakit ko pa ba iniisip ang bagay na yun. Wala akong pake sa kanya. He's just a stranger by the way. Napa- English na tuloy ako.

Maya-maya pa ay nagsibalikan na ang ilan at may mga bago namang pumasok na pasahero. Napatingin naman ako sa mga umaakyat sa bus. Lah, nasan na ang isang 'yon.

"Oh, ija nasan na yung boyfriend mo paalis na tayo." Malakas na salita nitong konduktor sa harapan ko. Nagulat pa ako sa sinabi niya. 

"Kuya, di ko yun boyfriend." Parang nagmukha pa ata akong indenial sa sinabi ko. Eh hindi ko naman talaga yun boyfriend. Nakakasuka pa nga lang na isipin yun, sa realidad pa kaya. 

"Naku ining, wag ako pa-..."

"Papunta pa lang kami, pabalik na kayo." Walang gana kong pagdugtong sa sasabihin pa lang sana nito. Napanguso naman ako dahil nagsalubong na ang malagong kilay nito. Dinaig pa yung kilay ko 'e. 

"Hay naku, kung ako sayo tinatawagan ko na yang boyfriend mo." Pagsusungit na saad nito. Itong si Kuya may regla ata, ang moody. 

"Sige kuya, ikaw na  lang po ang  tumawag. Tutal sabi mo  naman kasi kung ikaw, oh sige ikaw na kuya. Keri mo yan!", pamimilosopo ko dito. Grabe kasi maka-utos baka akalain talaga nang mga ibang pasahero dito ay boyfriend ko ang isang yun. 

"Tssk, hindi nga boyfriend pero soon to be." Luh! Lakas talaga nang sapak nito. Inirapan ko na lang ito pagkatalikod niya. Syempre pagkatalikod baka isipin naman niya ay wala akong galang.

 Umusog na lang ako sa may bintana, kulang na lang mag sama ang mukha ko at ang bintana kakatingin ko sa labas. Isa pang problema tuloy. Inilibot ko ang paningin sa mga kumpulan nang tao. Kaliwa't kanan na ang ginawa kong pagsuyod nang tingin pero hindi ko makita ang damuhong yabang na 'yon. 

"Sino tinitingnan mo d'yan? Boyfriend mo?", saad nang kung sino. Bahala siya, hindi ko pa rin inaalis ang pagkakadikit nang mukha ko sa bintana. 

"Oo, boyfriend ko, yung katabi ko. Bakit mo ba . . ." Seryoso kong saad tsaka lumingon sa kung sino mang nagsalita. 

". . . ti-tinatanong?" Natutop ako sa kinauupuan nang makita ang nakangising mukha ng taong kanina ko pa hinahanap na kulang na lang magpalit kami nang bintana. 

Sinundan ko lang ito nang tingin habang inaayos niya ang kanyang mga gamit bago umupo do'n. Nakasilay pa rin sa mga labi nito ang ngiti niya kaninang nakakaloko. 

"Oh, tahimik mo naman." Nang-aasar ba siya o talagang nang-aasar siya. Kita naman niya kung bakit diba. Gusto ko nang sabunutan ang sarili dahil sa kahihiyan ng sinabi ko kanina lang. Boyfriend? Bakit mo pa kasi sinabing boyfriend mo anteh ko, tapos may  pasabi-sabi ka pang "katabi ko". Ay, first time na magtravel tapos first time din na mapahiya nang sobra. Mag abrakadabra na lang ako. 

"Oh, mogu-mogu ka muna. Pampalamig sa namumula mong tenga.", saad nito sabay abot nang medium size na strawberry flavor na mogu-mogu. Napahawak naman ako sa magkabilang tenga dahil sa sinabi niya. Shemay, kahihiyan malala. 

Tiningnan ko lang ito dahil naka extend pa rin yung kamay niya na may hawak-hawak na inumin. 

"Ija, tanggapin mo na. Galing yan sa boyfriend mo o." Singit naman ni Kuyang konduktor napadaan. Luh, sulsol naman neto. Kuya magticket ka na lang hoh. 

"Oo nga naman, diba . . . Sige ka pag di mo yan tinanggap ipagsisigawan ko dito na boyfriend mo ako." Nanakot pa ang demokal na ito. Ano yun instant boyfriend, sumakay lang nang bus tapos pagbaba may bf na agad. Jusme, ganito na ba talaga kaadvance ang mga tao sa panahon ngayon. 

"Akin na nga. Epal!" Inis na inis na ako, pero kinuha ko na rin naman. Sayang naman diba-diba, atleast libre. Ang bilis magbago ah, grabe Acquisha natakot ka lang. 

"Tatanggapin din naman pala." Nakangiti pa rin ito. Baliw siguro 'to. 

"Sa-salamat." Mahina kong saad. Syempre kailangan mag thank you, bayad ba. 

"Welcome." Tipid na tugon nito. Oy, may kabaitan din naman pala talagang taglay itong si yabang. First impression lang siguro. 

Napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yon. Luh, erase ang thoughts, wag ngingiti baka maging malandi sa taong sa huli ay baka magbigay lang sa mata mo nang hapdi. 

Iba din e 'no, grabeng utak. 

Binuksan ko na lang ang ibinigay nya at nilagok yun. Uhaw na uhaw anteh ko.

". . . pero may bayad yan isang halik." Takte! Nasamid ako sa sinabi niya. Feeling ko yung Nata de Coco na nasa bibig ko ay dumiretso sa ilong ko. 

"Oh oh, tissue. Kalat naman uminom nang girlfriend ko." Tinapik-tapik ko na ang dibdib ko sabay hablot nang inabot niyang tissue. Hithit pa nang betsin. 

Masama ko itong tiningan. Yung pati si "You know who" ay kikilabutan. 

"Humipak ka ba ng betsin o sadyang hinithit mo na lang, umabot na kasi ata sa iba't ibang parte ng utak mo!" Kala ko mabait akala ko lang pala. Kaya maraming namamatay sa maling akala, at konting-konti na lang ay napabilang na ako sa kanila.



UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon