Chapter 20

19 7 3
                                    

Yuck! Eww! Kaderder!Ewers!Nakakasuka!

Halos pudpudin ko na ang aking nguso kakakuskos para mawala lang ang nakakadiri niyang laway sa mga 'yon. Shuta! Paano na lang sa kasal namin ni KIB?! Dapat doon ko pa lang ibibigay ang aking unang halik. Pero dahil dito sa demonyong ito . . . naglaho na parang dinosaur ang bagay 'yon.

Hala! Baka magalit si KIB dahil hindi siya ang first kiss ko! Ano ba yan! Nakakainis naman ay! Baka iwan ako ni KIB. SHUTA! Wala pa ngang kayo assumera ka na kaagad. Baka nga hindi pa niya alam na nabubuhay ka sa mundong kaniyang ginagalawan.

Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkuskos. Piste naman kasi!

" Aray! " Napalingon naman ako sa kabilang dulo noong mga cubicle nang impid na uminda si Yabang . Pinandirihan ko naman itong tiningnan. Pinupunasan niya ang dumudugo niyang labi.

'Yan napapala ng isang mayabang at bastos na katulad niya!

Hahahahah! Nakaganti rin. Hindi ko siya sinuntok dahil magsasayang lang ako ng lakas kapag iaangat ko pa ang kamao ko para lang patigilin siya. Kinagat ko na lang ang labi niya para mas madali. Mas malapit ang mga ngipin ko kaya 'yon na lang ang aking ginamit. Alangan namang hayaan ko lang ipagpatuloy ang pagdadaop ng aming mga labi ano.

Mas mabuti pa siguro kung multo na lang ang nakahalikan ko kaysa sa kaniya. Mas matatanggap ko pa sana kahit papaano.

Tapos ito pa ang malala nakakulong na kami dito sa banyo. 'Yong cellphone ko naman sumabay pa sa kamalasan ko ngayon araw. Ayon, tuluyan ng namatay. Kahit anong sigaw ko naman walang nakakarinig. Mamamaos lang ako kaya hindi ko na inatig pa na humingi ng tulong. Minsan kasi nakakasawa rin na humingi ng tulong sa iba kasi kahit nakikita at naririnig ka nila ay dadaanan ka lang na parang poste lang ng ilaw. Maigi ng gumawa ka na lang ng paraan ng ikaw lang mag-isa.

UYYY! NATOTONGI KA NA NAMAN!

Isinandal ko na lang ang ulo sa pinto nitong unang cubicle habang nakatingin sa pinto. Kung may kapangyarihan lang ako na makatagos sa mga pader ay siguradong kanina pa ako nakalabas dito.

Itinapat ko ang aking kamay sa pinto. Dati kapag ginagawa ko ito ay . . . hayst. Nakakainis! Bakit ko ba siya naaalala.

Noong highschool kasi ako lagi akong nakukulong sa banyo. Hindi ko alam kung bakit siguro ay trip lang talaga ng banyo na laging masira ang lock noon kapag ako lang ang mag-isang umiihi.

Itatapat ko lang ang kamay ko na parang ganito at sasabihing . . .

Hayytttsss! Basta 'wag ng pag-usapan ang wala na.

Ibinaba ko naman kaagad ang kamay ko nang mapagtanto na para pala akong buang sa ginagawa.

" I'm sorry."

"PUTAKTE!" Kainaman naman talaga. May sa pusa ba ang isang 'to. Grabe sa galawan e, nagteteleport . "Dumasig ka doon!" asik ko dito. Tinutulak ko siya para lumayo siya sa akin.

Napatigil naman ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. " 'Wag mo akong itulak . . . t-takot ako," saad nito sabay ngumuso.

Lah! Aning! Kalalaking tao takot.

" Totoy, naku. Kita mo 'yan. . . " turo ko sa ilaw sa itaas, sumunod din naman ito ng tingin. " . . . maliwanag hindi ba. Anlaki mo namang duwag!" asik kong muli sa kaniya.

Mabilis ko namang binawi ang kamay ko. Ito namang si duwag, lalo pang sumuksok sa akin.

" Isa pang suksok at ikaw ang isusuksok ko diyan sa butas ng inidoro," pagbabantang saad ko habang tinatapunan siya ng makapanindig balahibong tingin na pati si 'Alam niyo na' pagtataasan din ng balahibo sa batok.

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon