Marahas kong binuksan ang isang balot ng pasas. Dumukot ako doon na halos umawas na sa aking kamay bago ipasok 'yon sa aking bunganga. Nanggigigil ko 'yong nginuya. Pumipitik-pitik pa ang talukap ng aking magkabilang mata. Nakatitig lang ako sa dingding . Oo, sa dingding. Alangan namang kung saan pa.
Prente lang akong nakaupo dito sa kama habang marahas na kumakain ng pasas. Bakit ayaw umepekto? Dumukot muli ako sa plastik at muling isinalpak ang isang bugkos ng pasas sa bibig ko.
" Kainis!" Mapapakamot ka na lang talaga sa ulo e. Konti na lang talaga ay mapapanot na ako dahil sa mga walang kalatoy-latoy na nangyari sa araw na ito. Kulang na lang madala ang anit ko sa pagsabunot ko sa buhok.
Bakit ba kasi ang dami-daming ganap ngayon? Hindi ko na nga alam kung makakapasok pa ako bukas. Hayst! Piste kasi!
Wala ngayon dito si Kreishnel. Ewan ko kung saang lugar na 'yon napadpad. Nagmamadali kasi akong umuwi. Noong una isang impakto lang ang gumugulo sa tahimik ko sanang buhay pero ngayon . . . tatlo na silang mga umaaning sa buhay ko. Diba napaka suwerte ko naman. Lakas makabaliw nang tatlong shutangenemers na mga lokong hipokritong anak ni 'You Know Who'.
Abala rin naman sila kaninang magtalo-talo sa walang kwentang bagay na pinagtatalunan nila kaya hindi nila ako napansin na umekabetche na sa gilid. Diba ang galing ko sa parteng 'yon. Kailangan ko na talagang sumali sa Avengers.
Hay! Buhay ng isang magandang katulad ko. Chosss, baliw lang pero hindi maganda. Takte kasing mga baliwers na 'yon.
Mga aning ang shuta.
Nakahipak lahat ata sila ng betsin sa kaaningang taglay. Mas malala pa silang lahat sa akin. Jusmeo! Dapat tawag sa kanilang tatlo ay Triple- H- Tatlong Hibang, Hipak, at Hagol na katulad nila.
Akala ko ayos pa si Sir Raven e walang hiya din naman pala ang isang 'yon. Siguro ay doon talaga nagmana si Yabang ng kaaningan.
Piste talaga! Sobra na ba talaga ang mundo sa akin at pati ang pasas na ito ay hindi na umeepekto? Pasapak na ako ng tumataginting baka kasi nanaginip lang ako. Kailangan ko ng gumising. A-S-A-P!
Bumalik naman ako sa wisyo ng tumunog ang cellphone ko.
Isa pa ito! Kung kailan nagmomoment ako tsaka naman may magtetext. Tapos kanina timang ka ha? Galing mo! Tapon na kita sa kabilang ibayo ng mundo.
Naiinis ko 'yong kinuha bago buksan. Ayts! Wala na namang pangalan ay. Bakit ba ang daming nakakaalam ng number ko? Maliban siguro sa pagbebenta ng mga pictures ko online ay itinitrade din n'ya ang number ko sa kung sino-sino.
Mapapatampal ka na lang talaga sa noo. Unang numero pa lang ay kilala ko na kaaagad kung sino ang deponggal.
To: 09**********
Gusto mo french fries? 😊
Mga ganitong text talaga alam na alam ko na kung saan galing. Inirapan ko na lang ito bago inilapag muli ang cellphone sa pinaglalagyan no'n kanina.
Bakit hindi ako nagreply? KASI WALA AKONG LOAD! Paloadan mo ako para makareply ako sa kupal na ito.
French fries talaga ha? Ito nga na pasas ay hindi na umeepekto 'yon pa kaya-Teka . . .
P-Paano . . .
Buwakangshet!
Hindi kaya . . .
Grabe naman siguro kung siya 'yong . . .
Ay hindi 'yan. Hindi siya 'yon ano ka ba Acquisha! Umiiral na naman 'yang pagkaassumerang feelingerang taboding ka.
Tumaas na naman ang kilay ko ng tumunog na naman ito.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
JugendliteraturHave you ever met this type of girl? Yung tipong madaldal pero tahimik, matalino pero minsan may saltik, at 'yung ayaw pumasok sa mundo ng pagmamahal pero kinikilig? Meet Acquisha Adelaine Arcodijo! The Triple A Queen ng CW Department. Ang babaeng...
