Chapter 25

14 2 5
                                    

" Ate! T-Tulong po! May mamaw!" 

Sigaw nang isang batang babae habang bitbit siya na parang sako ng isang lalaking, prente lang ito'ng  na nakatalikod habang marahang naglalakad, ngunit hindi ito gumagalaw sa kaniyang puwesto.  Matangkad ito, mahaba ang kaniyang itim na itim na buhok na sumasayaw pa sa indayog ng hangin. Napakunot lang ang noo ko dahil sa mukha ito'ng lulusob ng gyera dahil sa suot niya na mala pang-historikal na K-drama movie. 

Cha Eun Woo?! Jeon-Shin?! Yoon Seungho? 

AYYY AYY! 

Iba na 'yan. 

Tigil tigil. . . shhh! 

Napaghahalataan. Wahahahha!

'Di joke lang. 

Iwinaksi ko ang iniisip. Muling tumingin ako sa gawi  ng lalaki. Hindi ko kilala ang bata bitbit niya, kung sino man ang lalaking nakatalikod na ito na parang timang na tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad kahit na hindi siya umuusad. Tumingin naman ako sa nilalakaran niya. Oh, wala namang treadmill doon. Naglalakad siya na katulad nang mga nakikita ko sa social media 'yung uso dati. Parang timang. 

Bumalik ang tingin ko sa bata na namumula na ang mga mata sa kaiiyak , hindi ko siya namumukhaan , pero wala naman sigurong mawawala kung tutulungan ko siya. 

Inalis ko ang aking sapin sa paa? Ha? 

Anong . . . 

Bakya?! Ba't naman nakasuot ako ng bakya? 

Hindi ko na pinansin ang aking suot na animo'y sasali ako sa cosplaying contest. "Hoy! Timang na lalaking pedo! Saan mo dadalhin 'yan si nene? o totoy? Basta! Saan mo siya dadalhin?! Ibaba mo 'yan o baka gusto mong halikan ang lupa?!" pagbabantang sigaw ko rito bago ibato sa kaniya ang bakyang hawak-hawak ko. Tumama 'yon sa kaniyang ulo, hindi man lang ito gumawa ng kahit anong kilos. Manhid? Siguro broken ito. 

" Hoyyy! Timang ka ba?! Tingnan mo nga 'yang nilalakaran mo. Hindi ka naman umaalis sa puwesto mo!" sigaw kong muli rito. Para siyang NPC, nakakairita siyang pagtingnan. 

Nakamagnet ba ang mga paaa neto? 

Sarap itulak nang shuta!

" Mamaw ate! Mamaw! Mamaw siya!" Pilit na kumakawala ang bata sa pagkakahawak sa kaniya ng lalaki. 

Mamaw talaga? Baka naman mama hindi mamaw. Grabe naman sa mamaw. 

" Bingi ka ba?! Sabi ko bitawan mo 'yang bata," inis na asik ko dito. 

Ilang segundo lang ay natameme ako nang bigla itong gumalaw. Halos lumaglag ang mga mata ko sa lupa dahil ibinato niya ang bata na para bang baseball lamang 'yon. Tumilapon ang bata sa malayo hanggang sa hindi na ito matanaw ng aking mga mata. 

Lah! Nasaan ba ako?! 

Luminga-linga ako sa buong paligid ngunit tanging nakikita ko lang ay 'yung mga kabahayan na tila ba 'yung mga napapanood ko sa anime. Ano ba 'yan! Nasaan ba akong dimensiyon?! Dimensiyon ata ito ng mga timang na kagaya  nitong lalaking nasa harapan ko. 

" WAH!" sigaw ko bago napahawak sa dibdib nang dumako ang katawan ko sa lalaki na ngayon  ay nakaharap na sa akin. Nakatungo ito habang natatabunan ng kaniyang mahabang buhok ang kaniyang buong mukha. 

" Ako na ang maghahatid sayo," ani nito gamit ang pamilyar na boses. 

Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ko ng tumingala ito, nakikita ko na ang kaniyang mukha dahil sa sinag ng liwanag. 

"Whoah! S-Sir Andrew? A-Ano po-pong ginagawa niyo rito?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya. Napaatras naman ako ng humakbang ito papalapit sa akin.

Ngumiti lang  ito ng nakakatakot. " Oyy oyyy, Sir. Hehehe! Move ka nga sa far away. S-Shooo!" kinakabahang ani ko dito. Patuloy pa rin ang pag-atras ng aking mga paa. 

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon