Nagtitipa lang ako ngayon sa aking laptop ng bagong parte ng aking sinusulat na novela. Habang itong kasama ko naman ay kilig na kilig sa kakachat sa kasintahan niya. Hindi ako makatulog kaya heto, sulat-sulat lang muna pampaantok.
"Acqui, ano title nyang iuupdate mo?" Napatingin naman ako dito. Hindi naman siya interesado sa mga sinusulat ko. Ba't naman kaya niya natanong.
"1119 7727, why?" Hayts, baka naman gusto lang niyang mabasa. Ibinalik ko ng muli ang atensyon sa pagtitipa sa keyboard ng aking laptop.
"Wala lang . . . baka gusto ko lang basahin?" Hah? Kakaiba ang tono ng pananalita niya. Ganiyan na 'yan kanina pa, parang may tinatagong kung ano na hindi ko pwedeng malaman. Ang weird niya.
"Ahh, okay. Sige, thank you kung gano'n."
"Hm." Tanging tugon nito. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa, malapit na rin namang matapos, isang chapter muna sa ngayon. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko na katabi lang ng laptop ko. Sino naman kaya ito? Text 'yon at hindi tunog sa messenger.
From: 09*********
Unknown number pa nga. Hmm, okay. Baka kakilala ko ito. Agad ko namang binuksan 'yon at nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nilalaman ng shutang text na 'yon.
[Hi, girlfriend ko. Miss you!😘].
Takteng! Anak ng Minotour! Sino ang potakteng ito!
"Kreishnel!" Walang ibang nakakaalam ng number ko bukod sa pamilyako at sa kanya. Alangan namang si Mama ito, Papa, o si Ate. Alangan din namang siya ito. Diba?
"Ano?"Biglang napatayo ito sa pagkakadapa niya sa kama dahil sa pasigaw na pagtawag ko sa kanya.
"May pinagbigyan ka ba ng number ko?!" Inis na saad ko dito.
"Wala! Anteh, akala ko naman kung ano!" Takte! Seryoso siya sa sagot.
"Bakit?" Takang tanong nito.
"Wala, wala. Sige na." Inis akong tumalikod dito habang nakatingin pa rin sa screen ng cellphone ko.
"Ayy, attitude. Init ng ulo hah." Hindi ko na pinansin ang sinabi nito. Maya-maya pa ay may tumunog ulit dito.
[Uy, girlfriend ko. Ba't di ka nareply? Tampo na bebe boy mo niyan .😥 Look, I'm sad na oh.] Dugtong pang text nito. Buwakang shet!
"Who . . . you?" Halos mabasag na ang screen ng cellphone ko dahil sa diin ng pagkakatipa ko ng mga salitang ya'n.
Maya-maya pa ay nagreply agad ito. Bilis hah, fast replier.
[Luh, I'm tampo-tampo na talaga sayo! Hmmm!!!🥺😭]
Sino ba ang damokal na ito?!
"Hindi . . . kita. . . kilala. . . damonyo ka. . .Wrong. . . send. . . ka. . . ata." Nangigil na reply ko dito. Mauubos pa ang load ko sa kanya.
"Gigil na gigil anteh. Sino ba 'yan?" Tanong ni Kreishnel.
"Wala, wrong send." Nakakunot na ang noo ko. Abala kasi ang isang 'to. Imbis na tapos na ako ay nauubos ang oras ko sa pagreply sa walang kwenta niyang text.
Tumunog ulit ang cellphone ko. Takte!
[Hala . . . tama naman number, 09*********. Hindi ba ikaw si Miss Pasas? 'Yong katabi ko sa bus?😮🤨🤔]
Putakte! S'ya 'yong mayabang na lalaki sa bus! Paano niya nalaman ang number ko? Pinakailaman niya siguro 'yong cellphone ko habang tulog ako. Mayabang na nga pakialamero pa.
[Oh, ba't antagal mo magreply. Ikaw 'yan diba? Miss Pasas?😏]
Argh! Nakakainis, nagpapadyak na ako dito dahil shete naman kasi.
"Oh! Nangati?" Saad naman ni Kreishnel sa likuran ko.
" Wrong . . . send. . . ka!" Madiing reply ko dito bago ibinaba ng marahas sa lamesa ang cellphone ko, medyo umaga pa 'yong lamesa, napalakas ata. Nakakainit ng ulo. Marahas akong napakamot sa ulo.
"Shemayyyy!"
"Anteh? Nyanyare sayo?" Tanong ulit nito.
"Wala nga!" Inis na saad ko dito bago bumalik sa pagtitipa ng kwento ko. Ayan tuloy nakalimutan ko 'yong kasunod. Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko pero di ko na 'yon pinansin, mga sampong tunog ay tumigil na rin naman. Naubusan ata ng load. D-E-S-E-R-V-E!
"Kalma self, hohh hinga lang. Hindi ka makakatapos niyan." Pagpapakalma ko sa sarili.
"Luh . . . baliw?" Bumaling naman ang tingin ko dito at inirapan lang siya. Isa pa 'to.
"Matulog ka na!" Mag-aalas diez na ng gabi pero gising pa rin siya.
"Maya anteh! Mind your own business na lang." 'Yan na nga ba ang sinasabi. Abala talaga ang pagkakaroon ng boyfriend, imbis na makakatulog na, nakikipag landian pa. Mamaya nagsayang ka lang ng tulog tapos hindi naman pala kayo magtatagal. Lalaki lang eyebags mo. Mas maigi pang magpuyat sa pagsusulat ng kwento. Mas nakakakilig pag sa libro.
Nang matapos ko na ang chapter na isinusulat ko ay chineck ko muna ang ayos nito bago napagpasyahang ipublish na. Online lang ito, marami-rami na rin naman ang nagbabasa ng mga akda ko at sumusuporta sa akin bilang isang manunulat. Masaya sa pakiramdam dahil kahit hindi ka nila kilala ay patuloy pa rin ang pagbibigay nila ng pag-asa. Iba ang profile ko dito, iba din ang username na ginagamit ko, mas maigi na 'yong hindi ka makilala. Sabi nila nakikilala ang manunulat dahil sa mga akda nito pero mali ang pananaw nilang 'yon dahil kung wala ang manunulat ay wala din ang akda. Ibig sabihin dahil sa imahinasyon at kaalaman ng manunulat ay nabubuo nila ang isang malaman at kakaibang kwento na magugustuhan ng kanilang mambabasa.
Maya-maya pa ay may nagpop-up na agad na message. Hmm, galing ito sa masugid kong mambabasa. Nakakatuwa ang isang 'to dahil napaka inspiring ng kaniyang mga komento at mensahe, 'yong talagang sisipagin ka na mag-update ng bagong parte.
Binuksan ko kaagad ang notification ko, at bumugad do'n ang username niya.
"Jte_amoS" Ang profile picture na ginagamit niya ay musical note na kulay silver. Agad ko namang binuksan ang mensahe niya.
[Lucky first message, my fav author. Love your words on this chapter, on all chapters naman pala hehe. Pero bakit parang galit ka ata sa last part? Just kidding, I do love reading your new update. Hope that soon I'll meet you, and have a signature on my guitar with your beautiful name and . . . hope that you'll hear my songs dedicated only to you. Sending you warm 🤗. From your number one fan "Jte_amoS"]
Nang mabasa ko ang mensaheng 'yon ay nawala kaagad ang init ng ulo ko. Don't know who this is but . . . Piste! Nakakataba ng puso sa tuwing nakakatanggap ako ng mensaheng galing sa kanya.
"Kanina lang sama ng mood ah. Mood swings? May regla?" Hindi ko na lang ito pinansin. Sinarado ko na lang ang laptop ko at ibinalik 'yon sa bag. Humiga na rin ako, nagtext muna ako kila Mama, Papa at Ate bago itinabi ang cellphone ko. Magkatabi lang ang higaan namin, isang diba ang layo sa isa't isa. Pinatay na ni Kreishnel ang ilaw at nahiga na rin. Hayyts, kakapagod pero . . . masaya na medyo nakakainis.
![](https://img.wattpad.com/cover/372530502-288-k539925.jpg)
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen Fiction" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...