Tumalon na lang kaya ako from the top nang Burj Khalifa to the bottom? Two thousand seven hundred seventeen feet din 'yon.
Ayy! '
Wag na pala doon! Gastos! Ticket pa lang papuntang UAE mamatay na ako. Baka hindi pa ako nakakasakay nang eroplano ay tigas na kaagad ako. 'Wag na lang!
Sumali na lang kaya ako ng Olympics? Baka nandoon ang aking swerte, baka magkaroon din ako nang first time in history na titulo. . .
Ayy!
Di din pala pwede. Tuhod pa nga lang nang Chinese garter hindi ko na matalon, 'yon pa kaya. Tsaka marupok din ang buto ko e, baka nakabitin pa lang ako sa pole ay mapigtas na ang dalawang kong braso .Hala! Baka mapili din ang leeg ko, mabalian ng gulugod, baka lumuwa pa ang bituka ko doon . Baka imbis na ang labas ng news ay ganito, " The Triple-A Queen did an outstanding first ever stunt in the history!" ay mapapunta sa ganito " Babae nagpakabaliw. Tumalon mula sa tuktok nang Eiffel Tower para daw gumawa ng first time in history stunt. Ayon! Patay! ". Tapos si KaladKaren ang nagbabalita. Tagalog ginamit ko kasi Pilipino naman tayo. Oh diba? 'Yong mga ganiyang pagkakataon kaya. . .'Wag na lang!
Sali na lang kaya ako nang P-pop? Mala BINI ganon. Baka nandoon ang swerte ko. Kahit ano lang . . . main dancer. Syempre bagsak na tayo sa pagiging main vocalist, kaya kembot na lang tayo sa gilid.
Ayyy!
Baka naman audition pa lang nganga na tayo, mapagkamalan pa akong bulate na nagsuot ng damit sabay inasinan. Tsaka kung palarin baka mapagkamalanpa tayong back-up dancer o di naman kaya ay personal assistant nang mga kagrupo kaya. . .'Wag na lang!
Mag vlogger na lang kaya ako? Tapos ang tawag ko sa mga subscribers at followers ko'y 'RAISINIANS'. Ang tanong. . . anong ivovlog ko naman pag-nagkataon? 'Yong araw-araw kong ginagawa? Shete! Kung ganoon ay wala akong maiicontent, e paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko sa araw-araw. Baka imbis na one million views baka naging one in a million views na lang ang kinahinatnan ko.
SHUTA! WAG NA LANG!
Ayon!
Ang bombilya sa utak ko ay muli na namang sumindi.
Alam ko na ipapasok ko na lang ang sarili sa asylum! Oo, magandang gawin sa pakeneng shet na panahon ngayon! Buti doon at libre ang pagkain, gamot, at tirahan. Baka may makaduo pa ako doon sa kabaliwan at kaaningan. Ano kaya feeling ng nakasuot nang posey straitjacket? Ayytttsss! Baka naman mapatalsik ako agad dahil hindi na nila kaya ang kabaliwan ko. Pero hindi! Hindi syempre ako papayag noh! Mag-aapply ako, ipipilit ko ang sarili doon. Ayy shete! Oo nga pala! Nasa Pilipinas tayo kaya walang aircon. Wag na lang pala!
ARRRRGGGHHHH! PUTAKTENG KAINAMAN NAMANG FIRST DAY OF. . . being a college student! PART 1. TENG NENG NENG NENG
Nandito na ako ngayon sa room. Ang masasabi ko lang ay hindi madaling pumunta dito. PISTE! IKAW BA NAMAN NA KILALA NA ANG MUKHA MO SA BUONG PREMISES NG UNIVERSITY! Eh di syempre mahirap makisingit sa MGA PISTENG YAWA NA WALANG MAGGAWA KUNDI MAGING CHISMOSA! Kaya ayon. Pagkarating na pagkarating ko pa lang dito ay . . . syempre hindi ako sa likurang bahagi umupo kundi dito sa unahan. Syempre, hindi ko naman isasakripisyo ang aking mga mata para lang sumipat-sipat sa unahan ano. ANG SAYA DIBA?! Diba? Mwehehehehehe.
Iyong si Kreishnel ay sa kabilang building pa 'yon dahil ang kinuha niya ay Psychology tapos pag nakatapos siya ilalagay niya sa kaniyang graduation picture ay " Finally! Kauna-unahang Psycho sa pamilya!".
Itinatabon ko na lang sa mukha ang libro na aking binabasa. Paano ba naman lahat nang pumapasok sa pinto ang pinag-uusapan ay 'yong tarpaulin na nakasabit bawat building. Pero. . . mukhang wala pa namang nakakakilala sa akin. San--- Walang makakakilala sa akin, using utra-promax period.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Dla nastolatków" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...