" Ikaw kabebs hah. Di mo naman sinabing gusto mo ng monay. Hahahhaha! "
" Gusto mo rin naman?"
" Tanga ka ba? Sapakin kitang hinayupak ka nakita mo!"
" Sorry na, Cupcake. "
" Sorry mo 'yang mukha mo!"
" Ito naman. Ano bang gusto niyang Cupcake ko na 'yan. Yieee! Cute mo talaga kapag galit ka."
" Gusto mo araw-araw akong galit? Sige madali lang naman akong kausap."
" Joke lang ito naman."
Argggghhhh! Sheteee! Kung hindi ko lang napigilan itong kamao ko siguradong tumama na ito sa pagmumukha ng dalawang kulugong ito. Patawag nga si Batman nandito kasi si Harley at Joker.
" Magsitigil nga kayo sa kalandian niyong dalawa!" reklamo naman nitong si Brix.
Hayytsss! Salamat naman at kahit papaano ay may Brix. Siya lang naman kasi ang nagsasaway sa dalawang ito. Maliban sa akin ay siya lang ang tila ba may koneksiyon sa utak ko. Pareho kasi kaming naiinis kapag nag-aaway tapos mayamaya ay magbabati ang mga ito. Baliw diba? Aning ang shuta. Ito naman kasing si Syllus di ko alam kung ganito ba talaga ito o aning lang talaga siya.
" Kapag inggit . . . "
" Pikit?"
" Hindi. . . kapag inggit ikain mo na lang ng pusit."
" Connect? Jejemon ang shuta!"
" Grabe si Acquisha. Pamatay 'yong sigaw. You're making me anxious girl."
" Oh. Ano ka ngayon Syllus. Hibang ka rin naman kasi e, girlfriend daw. Di mo pa nga nililigawan."
" Shut up."
Bigla naman silang napatahimik nang tapunan ko sila isa-isa ng pamatay kong tingin. Paghihigitin ko kaya ang mga lalamunan nito. Kanina pa kasi sila kuda ng kuda! Nakaalis na kaming lahat sa Swip's ay parang mga bubuyog pa rin sila.
" W-Wala namang klase lahat ngayon. Tour day pa lang naman kasi. Saan gusto niyong pumunta?" masayang ani ni Brix.
" Uuwi," tipid kong saad. Napatingin naman ako sa kanila dahil bigla ang mga itong tumigil sa paglalakad.
" Bakit?" takang tanong ko sa mga ito.
" Grabe ka naman kabebs. Ayaw mo ba mag gala? " sarkastikong saad ni Kreishnel.
Patawag nga si Doctor Strange. Gusto ko lang makita 'yong nangyari sa akin sa ibang kalawakan. Maiinggit ako kung hindi ganito ang nangyayari sa akin doon.
Bakit ba kasi nakakapiste ang mga nangyayari sa akin?
Inismidan ko muna ito bago tamad na nagsalita. " Ayaw ko. Kayo na lang. Enjoy," saad ko sabay pekeng ngumiti.
Hindi ko alam nawalan na ako ng gana simula kanina.
" Sorry about earlier, Acqui. Hindi ko naman intensiyon na sabihin 'yon," malungkot na saad ni Syllus.
Kanina pa siya nakapag sorry. Paulit-ulit? Unlimited? Sirang plaka? Double send?
" Ilang sorry ang pwede mong gamitin sa isang sentence?" kunot noo kung tanong. Shuta! Saan naman naggaling ang isang 'yon?
" It depends on how many sorrys you want me to use in a sentence," Seryoso nitong saad.
" Yieeeeee! Shuta! Keleg!" sabay-sabay nilang pang-aasar.
Agad ko namang inirapan ang mga ito.
Anong nakakakilig sa sinabi ni Syllus? Ako kikiligin? Heheheh ene be.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen Fiction" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...