"Acquiiiii!! Pansinin mo na ako kababebs! Please!!" Kanina pa nya sinasabi yan. Alam naman niyang ayaw ko ng nagsisinungaling sa akin. Mahina ang puso ko sa mga ganoong bagay, lalo pa't nagpromise siya na sasabihin niya ang lahat sa akin, especially kapag papasok s'ya sa isang relasyon. Nakakatampo lang kasi.
"Acquishaaaa!! Kabebs! Uyyy!" Nakatalikod lang ako sa kanya. Pinahid ko naman ng kanang kamay ang tumutulo ko na palang luha.
"A-ampanget ng sinabi mo." Seryoso ko ditong saad. Napapahikbi na ako, hindi ko alam basta pagdating sa kanya nasasabi ko lahat, sa kanya ko lang naipapakita ang mga kalungkutan na hindi ko maipakita sa iba --- kahit na sa aking pamilya.
"Sorry 100x, di ko naman sinasadya na masabi 'yon." Pag-aalong saad nito sa akin. Hindi sinasadya . . . hmm, pag-hindi mo kasi sinasadyang masabi ang isang salita sa tao ay ibig sabihin lang ay 'yon ang tunay na nararamdaman mo.
Tumagilid na ako paharap dito, nag-aalala ang mga mata niya. "So . . . nagsinungaling ka pa rin?"Tanong ko sa kanya.
"Oo, kabebs! Sorry na talaga!Na carried away lang ako!" Dagdag na saad nito bago ako niyakap. Nakasuksok ang leeg niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako, ganto naman kami palagi. Tampo-tampohan tapos maya-maya magbabati na. Aso't pusa lang.
"Baka iwan mo din ako hah. Pagginawa mo 'yon hindi-hindi na kita papansinin." Siya lang kasi ang nag-iisang bestfriend ko. Dati marami akong kaibigan, yung kaibigan ka lang kapag may kailangan pero pag wala na itsapwera ka na sa buhay nila. Ayaw ko ng gano'n yung kinakaibigan lang ako dahil may pakinabang ako. Ayaw ko na ring maghabol-habol pa, na kapag kasama ka nila tapos kompleto ka na ay napag-iiwanan ka ---nakakasawa at nakakapagod.
"Ano ka ba! Tongi ka! Hindi naman porket may boyfriend ulit ako ay iiwan na kita." Bahagya pa ako nitong tinapik sa likod. Nang magkalas na ang aming yakap ay pinasingkitan ko ito ng mata, umiwas naman siya ng tingin.
"May boyfriend?" Huli! Sabi MU tapos ngayon boyfriend? Hindi naman kasi gano'n ang mag MU lang.
"Ehe, parang gano'n?" Di siya sigurado? Nag-aalangan kasi 'yong sagot niya.
"Hayts, okay lang naman na mag boyfriend ka na ulit. Basta 'yong may assurance lang na mamahalin ka ng tama." Pag-papaalala ko dito. Nasa wastong edad na din naman siya para pumasok sa gano'ng uri ulit ng relasyon.
"By the way, naku hah! Napapansin ko 'yon." Nang-aasar na saad nito. Alin? Alin 'yong sinasabi niya? Umupo muna ako sa kama, magkatapat na kami ngayon.
"Alin?" Tanong ko dito. Hindi ko naman kasi alam, parang binabago lang niya ang topic ng usapan.
Napatakip pa ito sa bibig na animo'y kinikilig. "Wala, nevermind na lang." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ito 'yong ayaw ko 'yong sasabihin na may sasabihin daw sila pero hindi naman pala sasabihin. Ano 'yon sinabi lang para hindi sabihin? Get's?
"Ayyuuu . . ." Pag-iismid ko dito. Parang naguilty naman siya na hindi sabihin.
"Kasi . . . si Syllus, grabe 'yong tingin sayo, anteh! Feeling ko may crush 'yon sayo! Yiee kakeleg!" Napasamid naman ako sa sinabi niya. Ano naman kung gano'n makatingin ang taong 'yon, wala lang naman 'yon sa akin. Malay ba namin kung gano'n lang siya makatingin, diba?
"Baka gano'n lang siya makatingin, wag advance ang utak, kabebs." Kaya maraming assuming e, minsan nasa kaibigan talaga. 'Yong magpapabulaklak ng mga salita na "nakatitig sayo crush mo", "kinindatan ka", "nagsmile sayo". Like what the fudge! Malay mo hindi naman pala sayo nakatingin, malay mo napuwing lang kaya napapikit ang isang mata, malay mo hindi naman pala talaga sayo nagsmile. O ano e di maniniwala ka kaagad tapos mag-assume ka na may gusto din sayo 'yong crush mo o 'yong tao. Ayytss, mahirap yan.
"Ehe, basta!" Maasim ko lang naman itong tiningnan. Ayaw ko mag assume, may trust issue kasi ako pero mabilis ako ma fall. 'Yon ata ang redflag ko e.
Maya-maya pa ay agad nakuha ng atensiyon namin ang pinto ng may biglang magdoor bell.
"Ayy, order ko ata 'yan." Wow, yaman may pa order pero pambayad sa pinabili, wala. Tumayo naman ito galing sa pag-kakaupo sa kama sabay nagtungo sa pinto at binuksan 'yon. Pagbalik nito ay may dala-dala na itong malaking paper bag na galing sa favorite kong fast food restaurant.
"Oh peace offering!" Sabay lapag ng paper bag sa harap ko. Naamoy ko na agad ang malutong at masarap na french fries sa loob no'n.
Nagtaka naman ako sa kaniya, ano 'yon kanina pa siya umorder? Bilis naman. "Para kanino 'to?"
"Para sa akin anteh, Oo. Sabi na ngang peace offering e." Inismidan ko lang naman ito. Binuksan ko na ang laman ng paper bag at nakitang puro french fries lang ang laman no'n. Bigla namang nagliwanag ang mata ko sa nakikita. Heaven! Kahit siguro ito ang kainin ko sa buong isang linggo solve na solve na ako. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa at kumuha na agad sa loob ng paper bag. Medyo napaso pa ako sahil aminit-init pa 'yon.
Ngunit napatigil ako ng may magflash sa mukha ko na ilaw. "Takte! Ba't nampipicture!" Napataklob ako sa mga mata sahil sa ginawa niya. Habang ito naman ay busing-busy na nagtitipa sa cellphone nito pagkatapos akong picturan.
"Uyyy! Para saan 'yon?" Naiiinis ko ditong saad. Peace offering nga pero madadagdagan naman ata ang inis ko.
"Walaaaa!! Souvener, you know memories." Hindi naman ako naniniwala sa sinsabi niya dahil kikinikilig ito habang nagsasalita. Tinaggo na rin niya ang cellphone pagkatapos nitong may kalikutin do'n.
"Idelete mo yun Kreishnel!" Pagbabanta ko dito. Baka kasi mukha akong ano do'n sa kinuha niya, buti pa 'yong iba pwedeng ipang profile ang stolen e 'yong akin mukhang alien na nakacaught on cam.
Pangiti-ngiti lang naman ito. "Kabebs, kumain ka na lang. Enjoy mo 'yang french fries." Sarap ibuhos sa kanya 'yong mulmog nitong french fries pero . . . wag na lang sayang. Hindi ko mapapatawad ang sarili kahit may kaalikabok na masayang dito.
"Thank you!" 'Yong pagpapasalamat na may halong inis. Nakakahiya naman kung hindi ako magpapasalamat e peace offering, ibig sabihin pera niya ang pinangbayad. Tumango-tano lang naman ito at nagthumbs-up pa. Kinikilig pa rin siya. Lah! Baliw?!
Pero . . . Takte! Wala siyang binigay na pera sa nagdeliver. Ano 'yon bayad na? Pwede naman through internet transactions.
![](https://img.wattpad.com/cover/372530502-288-k539925.jpg)
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Jugendliteratur" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...