"Uyyyy, Ms. Pasas!"
"Uyy!"
"Gising!", sigaw nang kung sinong kupal sa mismong taenga ko.
"Ano?!". Takte naman sinisira ang mahimbing kong tulog.
"Uy Ms. Pasas bababa ka ba? Nandito na tayo o. Nangingimi na yung balikat ko sa bigat nang ulo mo!" Napaigtad naman ako sa sinabi niya. Hala! Kanina pa pala ako nakaunan sa balikat niya.
"Sorry naman!" Inis na saad ko dito. Inilibot ko ang paningin sa paligi at napansin na kami na lang pala ang natira sa loob nang bus pati na yung driver. Nandito na pala kami, parang kanina lang kapipikit pa lang nang mata ko e.
Iniaayos ko na ang mga gamit ko. Nauna na yung yabang na bumaba. Alangan naman hintayin ako non diba. Pagkababa ko pa lang nang bus ay naramdaman ko na kaagad ang mainit na singaw nang paligid, umaga pa lang pero yung sikat nang araw ay parang tanghali na.
Nakita ko naman na ibinababa na ni Kuyang konduktor ang mga gamit sa istribo. "Oh, ija. Ito na pala ang mga gamit mo. O, ba't mag-isa ka na lang, nasa'n na yung boyfriend mo?" Kuya, tama na sa pang-aasar. Pinekean ko na lang ang ngiti ko dito. Ayaw ko na magsalita, baka sumobra yung pagiging "Acquisha Wala Ng Hiya" ko. Baka maubos kaagad, hindi pa umabot sa pasukan.
Iniayos ko na ang mga gamit ko, gilid lang kung saan ako nakatayo. Naghihintay lang ako nang taxi. Sabi kasi ni Papa mag taxi na lang daw ako dahil marami daw akong dala. Mukha namang maraming taxi na bumabyahe dito. Habang naghihintay ay pinalipas ko muna ang inip sa pagtingin-tingin sa kung saan-saan. Nang mapatigil ang tingin ko sa matangkad na lalaki nang may tumigil ditong magarang kotse. Medyo may kalayuan siya sa akin. Napanganga naman ako nang akmang sasakay na ito ay napatingin pa ito sa akin. Akala ko kung sino yung nakatabi ko lang pala sa bus.
Hah?
Nakatabi ko sa bus?!
"Mayaman pala ang yabang!" Napabulong ko na lang na saad.
"See you girlfriend ko!", sigaw nito habang nakatingin pa rin sa gawi ko. Nakuha naman nang pag-sigaw niya ang atensyon nang ibang tao dito sa terminal. Hindi ba siya nahihiya?
Maya-maya pa ay sumigaw muli ito na nagpatutop sa akin. "Yung nakablack na round neck fitted T-shirt at baggy pants na grey!" Tumingin-tingin pa ako sa paligid nang mapansing wala namang ibang nakasuot nang sinasabi niya.
"Ija, ikaw yun. Gaga!" Nagulat naman ako sa pag-sasalita ni Kuyang Konduktor na kanina ko pa pala katabi, nakatingin din ito sa lalaki na parang kinikilig pa!
"Ms. Pasas!", sigaw ulit nang lalaki. Timang ang demokal! Kung lumulubog lang ang kinatatayuan ko ngayon baka nasa core na ako nang planetang ito, tustado na. Hindi ko na lang ito pinansin. Feeling close!
Ngnitian pa ako nito pero sinimangutan ko na lang ito bilang tugon. Tuluyan na itong sumakay sa kulay itim na magarang sasakyan at umalis na. Bumusina pa ito nang dalawang beses at biglang pinaharorot na ang sasakyan.
Sana hindi na kami magkita. Luh! Mali pala. Hindi na kami magkikita period. Last time na nagsana ako ay nagkabaliktad. Nangyari yung hindi dapat na mangyayari.
"O, pagod ba sa byahe?" Tanong nang babaeng matangkad, payat at sponghado ang buhok na ngayon ay kinokolikot na ang bag na dala-dala ko.
"Oo, sabay pa nang inis." Saad ko sabay higop nang kape sa tasang hawak-hawak ko. Nandito na ako sa dorm medyo malayo-layo din mula sa terminal. Mga nasa kalahating oras ang byahe simula sa terminal bago makarating dito. Ansakit na nang pigi ko kakaupo.
"Ba't naman inis?" Hindi pa rin ito tumitingin sa akin, busy pa rin siya. Ano ba kasing hinahap niya dun?
"Wala diyan yung pinabili mo. Nandun sa laguage." Turo ko sa laguage na nakalagay sa ibabaw nang kama niya.Dalawa lang kami dito sa dorm, ayaw ko kasi nang maraming kasama. Hindi ako nakakapag focus sa pagrereview at ayaw ko rin nang masyadong maingay.
"Ah ah ito! Ba't di mo agad sinabi. Nagulo ko tuloy mga underwear mo!" Naguguilty pa niyang saad bago tumayo at nagtungo sa kama kung saan naroroon ang laguage na sinasabi ko. Umupo siya sa tabi nito at dahan-dahan iyong binuksan.
"Yes!" Biglang sigaw nito at taas sa ere ang isang garapon nang crispy pili.
"Bayad mo?" Alangan namang libre 'yon, mahal kaya niyan.
Napanguso naman ito sa sinabi ko. "Ay, akala ko libre." Napatampal na lang ako sa noo.
Nag-isip mona ako kung ibibigay ko na lang ba o papabayaran ko pa. So dahil generous naman ako. "Sige na nga, wag mo na bayaran." Naguguilty din naman kasi ako, minsan lang naman siya magpabili, pero as usual pag nagpabili siya hindi na niya binabayaran. Sa anim na taon naming magkaibigan, syempre alam ko na karakas niya.
"Punta tayong mall bukas?" Tanong nito habang enjoy na enjoy ang pagkain ng pili. Npatingin ako sa garapon, nangalahati na kaagad yun. Hindi naman obvious na paborito niya e.
Gusto ko naman pero parang nakakapagod. "Malayo ba dito?" 'Yon agad ang una kong tanong. Kasi kong malayo ay parang gusto ko na lang munang magtugmok dito kesa gumala.
"Hindi naman isang tricycle lang." Hm, medyo malapit lang naman.
"Parang tinatamad ka ata 'e." Dugtong pa nito. Oo na parang hindi. Grabe yung mood swings ko malala na.
Tumingin muna ako dito, kita ko naman na gusto niya talagang pumunta. "Pag-iisipan ko pa. Hehe." Inirapan naman ako nito. Luh, grabe yung pag-ikot nang mata hah.
"Oh, ba't iniirapan." Nakataas ang gilid nang labing saad ko dito.
Pinasadahan pa ako nito nang tingin simula ulo hanggang paa. "Uy anteh! Nakikita mo ba yang kulay mo? Mukha ka nang bampira, putla mo! Kulang na lang uminom ka nang dugo!" Napatingin naman ako sa mga braso ko. Sadya namang ganito ang kulay ko ah. Tsaka grabe naman sa uminom nang dugo.
"Oh ganito naman talaga ako." Inismidan lang niya ako. Ito ba yung bayad niya?
"Kabebs! Hindi ka na nga lumalabas sa inyo alangan naman pati dito sa Maynila ay hindi ka pa rin lumabas man lang." Hayts, tama naman siya. Minsan nakakainip na hindi gumala pero minsan masaya na nasa bahay lang at hindi lumalabas. Ewan ba!
"Tsaka project "PAGBABAGO" mo." May tama naman siya. Need ko din naman kasi na magbago at isa na do'n ang "Acquisha Wala Ng Hiya", na sa tingin ko naman ay medyo nagagawa ko na.
"Ano? Tara! Bili na rin tayo ng gamit." Grabe naman ang pangungumbinsi niya, nakakadala. Pwede na siya magsales lady, maraming bibili.
May ilang minuto pa akong nag-isip bago magsalita. "Sige na nga." Napangiti naman kaagad ito na para bang nanalo siya sa loto. Siguro kung hindi ko 'to naging kaibigan baka hindi na talaga ako lumalabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
UNSPOKEN HEARTBEAT
Teen Fiction" Yong may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo kaya dahil alam mong kapag sinabi mo ay either maganda o masama ang kalalabasan. Natatakot ka na sabihin ang nararamdaman mo, kahit na sa mga taong mahal mo. Kahit sa sarili mo ay pilit mong t...