Chapter 6

116 40 16
                                    

"Ehe, cute mo talaga!" sabay pisil ng pisngi ng lalaking kulang na lang magpalit sila ng mukha dahil sa lapit ng mga ito sa isa't isa. 

"Cute mo din po!" ginawa din nito ang ginawa ng babae sa kanya. 

"Anlabot ng cheeks mo parang shiffon cake!" Dugtong pa ng babae. Hindi ko alam pero sa mga librong binabasa ko nakakakilig pero pag ikaw na mismo yung nakakakita sa personal ang C-R-I-N-G-E! 

Napalipat naman ang tingin kong muli sa lalaki. "'Yong sayo naman parang icing!" Sa ibabaw ng cupcake mo? Ba't di pa dinugtungan, ako na lang mag-adjust. 

"Ehe, sweet mo talaga!"

"Mas sweet ka po!"

"Para kang stars, you shine like a diamond!" Hah? 'NO DAW?! Stars were not diamonds, they were heavenly bodies roaming around the universe composed of different elements. Di siguro 'to nakikinig sa Science teacher niya nong high school. 

Kanina pa sila ganyan, habang ako kanina pa rin sa kanila nangangasim. Kung pwede ko lang dukutin 'yong eardrums ko ginawa ko na. 

" I love you po!". Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng lalaki. Lah! Kala ko MU lang, ba't may pa "Word for Lovers" na d'yan. Hindi ba nila ako nakikita. Hello? 

"I lo- . . ." 

"I love me. Oo", Pagpuputol ko sa kamuntikan ng sabihin ni Kreishnel. Bigla naman napalitan ang matatamis nilang ngiti ng pagkagulat. Ano? Di niyo alam na nandito ako?

"Andyan ka pala, kababebs!" Ay, wala . . . Pano niyo ako nakikita kung wala ako dito no! Tsk, dapat kasi hindi na ako sumama, pwede namang umorder na lang  online para sa mga gamit sa school. Hindi ako tamad, sadyang wala lang akong gana sa mga ganito. Isa pa, hindi pa rin nawawala ang sakit ng tuhod ko. Pag namaga ko baka first day of class paika-ika ako.

Inismidan  ko lang ito bilang tugon. Nakakainip na sa totoo lang. Simula ng umalis 'yong dalawa para bumili "daw" ng makakain ay umay na umay na ako sa kaasiman ng dalawang ito. MU pero may pa ganon. 

"Ey dito na kami! Oh, french fires, burger at drinks!" Napabaling naman ang atensyon naming tatlo sa lalaking naglapag ng mga pag-kain sa mesa. Siya 'yong nag saxophone kanina. Kasunod naman nya 'yong po- . . . vocalist. Oo, 'yong vocalist na grabe makatingin. Hindi ko pa alam mga pangalan ng mga ito. Paano ko malalaman 'e, wala namang nagsasabi. 

"Ba't 'yan lang? Sabi ko kahit shawarma akin 'e!" Reklamo naman nitong si Rhizz. Ba't hindi na lang siya ang bumili! Arte!

"Ba't hindi na lang ikaw ang bumili." Seryoso namang sagot nitong po-. . . vocalist. Grabe kahit sa pag-sasalita napaka soothing ng kanyang boses. Tsaka, oo nga naman. Teka, may telepathy ba kami? 

Umupo na sila, bali ang katapat ko ay yung dalawang mag "MU DAW". Katabi ko naman sa kanan ay 'yong nagsasaxophone sabay sa kaliwa naman umupo 'yong pog. . . vocalist! 'Yon! TAKTENG BOSES SA UTAK!

"Here. For you." Abot nitong nasa kaliwa ko ng isang burger. Shemay! Angkinis ng kamay, dinaig pa 'yong kamay kong puro kalyo dahil sa kakasulat. Anong sabon mo Kuya? Pareveal naman. 

Tiningnan ko lang ito, hindi naman kasi ako nagbigay ng perang pambili. Tsaka, hindi pa rin naman ako gutom. 

"Ah, sige lang. Sa inyo na lang. . ." Tumango pa ako dito at umiling-iling para sabihing "Okay lang" or "Wag na". 

Hindi siya nagsalita. Nang bigla akong lumingon dito ay nakita kong nakatitig lang pala ito sa akin. 

 Lah, ba't naman tulalang-tulala ka Kuya. Ano meron? Lah! Takte! May morning star pa ata ako. Kakapain ko na sana ng magsalita ito. 

UNSPOKEN HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon