CHAPTER 2

11.2K 254 11
                                    

*JONATHAN on the multimedia :)

----

“ANONG GINAGAWA MO DITO, HA?!”, sigaw ng boses lalaki na naman.

Pagkalingon ko, isang napakasingkit na nilalang ang nakita ko. Blonde ang buhok nito at medyo hindi ganun kagwapuhan. Medyo may muscles siya kaya lang tinatakpan ito ng t-shirt niya.

“SIGURO STALKER KA NO?! NAKOOO! Sinasabi ko na nga ba eh. Ang titindi talaga ng all-girls school nay un eh! Pati sa security ng WAR, nakakalusot!”, sigaw niya.

“Pwede ba. Una, janitress. Ngayon naman, stalker?! Ngayon lang ba kayo nakakita ng transferee?!”

Hindi ko na nakayanan, nasigawan ko tuloy siya. Utak ipis mga tao dito eh. Kainis.

“T-t-transferee? Ikaw?!”

“Hinde. Ako ang bagong principal.”

“Weh? Ang bata mo ah?”

AY SHET. Pinikit ko ang mga mata ko sa sobrang inis na parang gusto ko siyang kalbuhin sa sobrang uto-uto niya.

“Transferee nga! Joke yun, okay? JOKE! BAKA PATI YUN, DI MO ALAM?!”

Medyo napahiya siya dun kaya umarte siyang parang walang nangyari. Medyo nakonsensya naman ako.

“Pero babae ka.”

“Oh ano naman?”

“Gosh. Di mo alam? Puro lalaki kami dito-----“

“HA?! ALL BOYS TO?! SHET! PANO NA TO?! HANA KIMI BA TO?! KAILANGAN KO BANG MAGTAGO??? PANO KAPAG---“

“HOY! OA naman nito.”

“Eh kasi sabi mo puro lalaki kayo. Kaya pala tinatakbuhan ako ng mga lalaki kanina.”

“Hindi naman to All-boys. Actually, CO-ED kami. Kaya lang…wala ng gustong pumasok na babae dito. Ikaw ang kauna-unahan since six years ago.”

“WHAT?! Sure ka? Ako lang babae???”

“Hmmm. Oo naman. 4th year na kami dito eh. Ni teacher na babae, wala.”

Gusto kong maglupasay sa sahig. Ako lang babae??? ABA! Joke time nga to! Gusto kong tawagan si mama kaya lang alam ko na naman sasabihin niya. Na be thankful blah blah blah. Pano nay an?? T^T

“Pwede bang….mag drop out?”, mangiyak-ngiyak kong tanong.

“Loka. May rules ditto sa WAR. Transferee ka kamo diba? 6 months are probation mo. SO hindi pwede. Kapag may nagawa kang hindi maganda, bye bye na. Pero pag ayos ang record mo, may 1 week silang ibibigay sayong palugit kung you’ll stay or not.”, maarteng paliwanag niya.

“Ahhh. So pwede pala kong gumawa ng kalokohan para maalis na dito ng madalian?”

“Tsk tsk. No way Segway. Makapangyarihan ang WAR. Pag may record ka, para kang wanted sa ibang schools. No admission for one whole year para sayo.”

“WHAT?! ANG UNFAIR NAMAN NUN!”

“Hindi mo ba nabasa ang handbook bago ka pumasok dito?”

Naalala ko yung araw bago ang takdang pagpasok ko sa WAR. Inabot sakin ni mama yung pinadeliver sa DHL na handbook ng school. Ang kapal kapal naman, parang BIOLOGY book. So hindi ko binuksan. Pare-parehas lang naman kasi laman ng mga yan. Bawal ganyan bawal ganto, che! Kulang na lang bawal huminga.

“Ah….hindi ko napansin.”, syempre nagsinungaling ako.

“Tsk tsk. Hindi moa lam ang pinasok mo.”

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon