CHAPTER 27

6.6K 163 22
                                    

 “Bilisan mo, Athena! Mag-aassemble na sa grounds eh!”, sigaw sakin ni Brent.

Eh kase naman diba. Late na ko ginising ng Brent na to. Sabi ko kasi sa kanya, katukin niya yung kwarto ko pag nagising na siya. Jusko, 6 am na tuloy ako nagising! 6:30 pa naman yung assembly time sa baba!

Hassle tuloy yung pag-aayos ko ng gamit.

“Eto na ngae! Mauna ka na dun sa baba! Sabihin mo hintayin tayo!”

“Aish! Sige na nga. Bilisan mo ah!!!”

Nang narinig ko yung balabag nung pintuan ng room namin, dali-dali na kong kumilos. Sinuot ko na yung rubber shoes ko at kinuha yung tubig namin ni Brent. Sigurado, wala kasing dala yun. Palibhasa kasi, masyadong excited sa Enchanted Kingdom. Jusko.

Lalabas na sana ako ng nakita ko si TOP sa may pintuan, nakabihis din at may backpack.

“T-T-TOP?”

Kinuha niya yung dala kong bag at nilagay naman niya sa balikat niya. Pati yung bote ng tubig na hawak ko, kinuha din niya.

“Halika na!”

Kinuha naman niya yung kamay ko at hinila ako pababa ng grounds. Sumunod na lang din naman ako kasi nga baka iwan na kami ng bus. Pagkarating namin, buti na lang nagroroll-call pa lang.

“Teka nga. Akala ko ba hindi ka sasama?”, pagsusungit ko dito.

Nagkamot naman siya ng ulo.

“Tsk! Andaming tanong!”

“MADAMI?! Eh kakatanong ko lang sayo ah!”

Bigla namang may mga dumating na nakaitim na lalaki na may shades pa. Mga nakacoat and tie pa nga eh. Hala?

“Young master, nasa labas na po ang sasakyan.”, sabi nung isa na yumuko pa.

“Tsk. I told you! Wag mo kong tawagin nyan!”, pagpapalo nito nung bote ko sa nakaitim.

“HUY! Ano ka ba!”

Napahinga na lang ng malalim si TOP.

“Di ako sasabay. Sa bus ako.”, sabi nito.

“Pero Young mas---“

Tinitigan siya ng masama ni TOP at pinaltan na lang ang sasabihin niya.

“Pero po, bilin po ni mam na sa amin kayo sasabay.”

Puputok na ata tong si TOP ng buti na lang, dumating sina Clyde at Brent.

“ATHENA! Ano, ready ka na ba???”, excited na bati sakin ni Clyde.

“Akin si Athena.”, biglang sabi ni TOP.

“HA?!”, sigaw naman ni Brent.

“Uhh, partner ko si Athena kako.”

“Pero sabi ni Athena, hindi ka sasama. Nagswitch pa naman kami ng partners ni Brent. Sakin dapat si Athena.”, paliwanag ni Clyde.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon