CHAPTER 19

7.1K 166 9
                                    

Hindi ko naenjoy ang foundation week. Everything was a mess. Ni hindi ako lumabas ng room namin ni Brent for about THREE DAYS. Walang contact kahit kanino. Kahit magsayang lang ng laway para sagutin si Brent kung okay lang ba ko, hindi ko magawa.

Madami ding naguilty sa sitwasyon ko ngayon. Andyan sina Jeff at Clarence na may pakana ng TRUTH OR DARE BOOTH. Sabi nila, kung hindi dahil dun, hindi na sana nagkainitan sina TOP at Kian.

Sina Brent, Zelo at Liam, masyado ding naapektuhan sa kalagayan ko. Sabi nila, kung andun lang daw sila nung inapi-api ako nina Joanna, baka sakaling pinakinggan daw ako ni Kian. Baka sakaling napagtanggol nila ako.

Sinubukan din akong kausapin ni TOP. Pero sabi ko kay Brent, ayoko siyang makita. Nagpumilit man siyang pumasok sa room namin, isang matalas na tingin ko lang sa kanya, hindi na niya tinuloy pa.

At andyan si Kian.

Ang totoo, gusto kong magalit sa ginawa niya. Gusto ko siyang suntukin kasi pinaasa niya lang ako sa wala. At higit sa lahat, gusto ko siyang tadyakan kasi siya ang shunga-shungang naniwala sa ex niyang sinungaling. Ang kaso, masyado akong nagiging malambot pag nakikita ko siya.

Lahat sila, concerned. Pero sa mga oras na masyadong mabigat ang dinadala ko, lalo na kung dahil lang sa mga lalaki, parang gusto kong magpabitin patiwarik. Buti sana kung namomroblema ako kasi may malubha akong sakit o kasi wala na kong pera eh, kaso hindi. BOY PROBLEMS ang peg ng lola mo. Minsan nga, parang nakakatawa na lang. Pero syempre sa huli, alam kong feelings ko pa din kasi ang pinaglaruan. AT BIG DEAL yun para sa mga babae.

Isang tao lang ang nakakuha ng atensyon ko. Nasa corridor ako ngayon, kasama si Jonathan.

“Okay ka lang?”, tanong nito.

Napangiti na lang ako.

“Sorry. Shunga lang. Syempre di ka okay.”, biglang banat niya.

“Hinde. Okay lang. Sus.”, pagdedeny ko.

“Eh bakit di ka man lang nagpapakita samin? Para ka namang may bulutong eh. Ayaw lumabas ng kwarto.”

Napabuntong hininga na lang ako. Tumingin ako sa paligid at masyado na naman akong nalungkot.

“Alam mo, ilang buwan pa lang ako dito pero feeling ko taon na yung nakalipas.”

“Uhh…o tapos? Anong drama mo?”

“Wala. Wala lang….”

Niyakap ako ni Jonathan bigla at for the first time, yumakap ako sa kanya pabalik. Ngayon lang kasi ako nagpadala sa yakap ng isang lalaki. I mean, bakla pala. Gusto ko tuloy maiyak.

“Ikaw naman. Akala ko dati tapang-tapangan ka. Pag lalaki pala ang pinag-uusapan, nagiging mahina ka.”, biro ni Jonathan.

“Ikaw kaya sabihan ng super crush mo na gusto ka niya, tas ikaw naman si tanga, sobrang umasa! Tas joke lang pala! Hindi ka ba masasaktan?!”

“Ok fine. Wish ko lang sabihan ako ni TOP nyan no.”

Tumawa naman kaming dalawa. Oo nga pala, ultimate crush nito si TOP. Medyo nag-iba naman tuloy yung mood ko.

Kumalas si Jonathan sakin at tinignan ako ng diretso.

“Uhh…Athena. Kaya pala ako nandito….pinapatanong ng 4-B kung, sasali ka pa ba ng Miss WAR 2013?”, nakayukong sabi nito.

AY SHEET. Oo nga pala! Yun pa pala ang isang problema ko!

“Eh kasi alam mo na…bukas na yun diba? Sabi kasi ni Jeff, pag di ka sumali….ako yung proxy. Ano? Game ka pa ba??”

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon