Okay. My bitchy mode is back.
Tama si Brent. I was being so melodramatic sa mga bagay-bagay.
Kagabi kasi, I was back to my normal self. Medyo nasa mood na ko makipag-usap kay Brent at doon ko nga nilabas sa kanya lahat-lahat. Like I told you, parang kuya ko na si Brent. Nalalabas niya ang kanyang pagkaprotective in times when I badly needed help. At ang nakakatouch pa, kahit na alam kong ang pathetic ko na pakinggan (na alam kong bubully-hin ako ni TOP pag sa kanya ko to kinwento), nagagawa pa rin niyang makinig mabuti sa mga sinasabi ko.
Naalala ko naman tuloy yung sinabi ni Clyde na gusto ko si Brent. Hell, no. (No, hindi ko siya dinedeny in an insulting way, please.) Masyado na kong komportable sa kanya na pati ang pagutot ata sa harap niya ay hindi na big deal saming dalawa. Plus, ni hindi ko naman naramdaman sa kanya ang kilig o ano mang kakaibang feeling tulad ng kay….ayun. Basta.
Athena, hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo sa bagay na hindi ikaw ang may kasalanan. If someone should suffer, I really think na si Kian yun.
Tama nga naman si Brent. Though medyo hindi ako nag-agree sa part na magsa-suffer si Kian kasi kawawa naman siya.
Lukaret ba?
Oo. After ko mailabas ang mga hinanakit ko kina TOP at Brent, parang medyo gumaan na din yung loob ko. Parang all of a sudden, parang walang nangyari.
Saka Kian is not someone na kaya kong talikuran na lang. Masyado na kong naging absorbed sa kabaitan niya even before THAT happened. Kesa kasi maloka ko sa katotohanang hindi pala ko gusto ni Kian (OKAY, OUCH PA RIN), mas pinili kong maging understanding na lang. Minsan kasi, kailangan kong pairalin ang boring side ko. Ang pagiging mature.
Pero syempre, alam kong temporary lang yon. Dadating ang panahon na pag nagkita kami, papairalin ko naman ang pagiging bitter at walang-hiya.
“Athena naman eh! Okay ka na naman diba?! Bat hindi na lang ikaw????!!!”, mangiyak-ngiyak na sabi ni Zelo.
Nasa dressing room kasi kami. Magsisimula na kasi ang Miss WAR 2013 at tinutulungan naming si Jonathan na mag-ayos.
“Hay nako, Athena. Hindi ko alam kung may muka pa kong ihaharap kapag lumabas ako sa stage.”, buntong-hininga ni Jonathan.
Bakla man si Jonathan pero he hated the idea of wearing GIRLS’ CLOTHING. Lalo na kung nakacocktail pa siya tonight. Since ako ang pwedeng magmake-up sa kanya, ito na lang ang nagawa ko para man lang bigyan siya ng moral support.
“Guys, okay lang yan. Patumbahin mo si Joanna para sakin.”, kindat k okay Jonathan.
Mas lalo naman ata siyang nadepressed. Nagdabog lang siya ng nagdabog hanggang dumating si Brent dala-dala ang “dress niya”.
“Jonathan, ito na yung isusuot mo oh.”
Pinigilan tumawa ni Brent pero di niya kinaya.
“Sisikuhin talaga kita sa kahinaan mo pag di ka tumigil.”, banta ni Jonathan.
Nagblush naman si Brent. HAHA, kahinaan daw ba?
Tinulungan ko si Jonathan na suotin yung white mini dress na pinatahi pa ni Clarence sa boutique nila. Sa laki daw kasi ng katawan nitong si Jonathan, walang magkakasyang dress sa kanya. Nang ziniper ko yung sa likod niya, nakita kong nga-nga lang ang mga boys.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...