*KIAN on the multimedia.
---------------------------------
Nagtuloy tuloy ang school days ng normal naman. Palipat-lipat ako ng section, sa umaga sa B ako sa hapon naman, sa A. Minsan nakakabangga ko si baklitang Joanna, pero pilit ko talagang umiiwas sa gulo. Matapos ng pag-uusap naming ni Miss Graciel, nagwarning siya sakin na hindi na dapat ako madamay sa ano pang away dahil nga on probation pa ko. Crucial daw pa gang authority na ang kumausap sakin. T^T
As for TOP naman, syempre tuwing klase, iniiwasan ko siya. Miski makipag-eye contact hindi ko na sinusubukan. Nato-trauma kasi ako sa ginawa niya sakin, hindi ko akalaing kaya niyang pumatol sa babae. Para bang nandidilim ang paningin niya nung hinawakan niya ko. Creepy.
Tapos si Clyde naman, parang casual lang ang lahat sa pagitan namin. Kakausapin niya lang ako sa lab pag may papagawa siya, pero since halos lahat naman siya yung gumagawa, parang hindi na rin kami nag-uusap. Sabi sakin ni Kian, mas mabuti na daw na hindi ko na lang siya pansinin. Talaga daw na concentrated siya sa studies. Ayos no? Sayang may hitsura talaga sana siya, kaso nerd.
Friday na, at buong araw na Combat ang klase namin. First time ko lang sa subject na to at nasa B ako. Hay mabuti na lang, baka makipagpatayan sakin si Joanna o si TOP pag nasa klase nila ko. Kakaiba ang classroom naming ngayon. Kasing laki siya ng soccer field at nasa underground. Nagulat na lang ako ng parang nasa gubat kami. Ang daming puno, may mga ilog at mga bato. WOW.
“Akin na nga yan, tulungan na kita.”, offer ni Brent.
“Ang hirap naman kasi isuot ng armor na to. Andaming belt, nakakalito.”, sabi ko.
Tinusok ni Brent yung ulo ko. Medyo naging close na kasi kami for the past week kaya kaya na naming sapakin ang isa’t-isa. Haha.
“Hindi ka kasi nakikinig kanina! Buti nga nag-orient pa eh, para sayo kaya yun!”
“Ang boring kaya! History pa ng Battle of the Flag ang diniscuss, edi nakatulog agad ako!”, excuse ko naman.
Bigla na lang na may nagtakip ng mga mata ko, malambot ang medyo maliit ang mga kamay. Kilala ko na to.
“Zelo, bitaw na.”, sabi ko.
“Hahaha, naeexcite na kasi ako mag-combat!”, sigaw ni Zelo.
“Para namang hindi ka pa nagcocombat.”, sabat naman ni Liam.
Nagbatukan silang dalawa at natawa naman ako. Masaya ako kasi hindi na ganun nahihiya sakin si Liam. Madalas kasi sila kasama ko tuwing break at parang wala na ang awkwardness sa pagitan namin. Nakakatuwa kasi parang mga kapatid ko na ang mga freshman na to.
“Oh ano Athena? Ready ka na magpatalo?”, tanong ni Brent habang inaayos yung armor ko.
“Magpatalo??? Ano ba yun?? Bat pa tayo maglalaban?”
“Alam mo kasi Athena, hindi pa nananalo ang Carthaginian laban sa Romans.”, paliwanang ni Zelo.
“Bulok ang defense namin. At mas lalong mahina ang offense. Hay.”, comment ni Liam.
“Ano ka ba Liam! Nakakatawa namang margining ang tilian nina Kuya John at ng friends niya tuwing hinahabol ko sila ng sword ko! Hahahaha!”, biro ni Zelo.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...