Dumating na ang araw para sa Mr. and Miss ROA. Busy ang karamihan sa mga estudyante at staff para sa paghahanda sa auditorium. Meron namang mga dumating na kanya-kanyang mukang P.A at mga make-up artist para sa mga kasali.
Siya nga pala, bati na kami ni Kian no! Hindi ko na lang binanggit si TOP sa kanya tuwing nag-uusap kami. Hindi ko rin naman siya kinulit tungkol dun sa nalaman kong away nila ni TOP. Baka sabihin kasi niya, puro TOP na lang ako. Tapos magtampururot naman siya! HAYYY.
Habang busy ang mga contestant sa preparations nila, hindi daw namin sila pwede gambalain pa sabi nung coordinator. May pagkasungit din kasi yung lalaking yun pero feeling ko beki yun eh. Anyway, kaming mga ibang estudyante, naghahanda naman para sa school fair.
Since ito daw kasi ang araw ng Mr. and Miss ROA, ito rin daw ang araw na magbubukas ang WAR sa ibang mga taga-labas at kaming mga estudyate ang magmamanage ng booths at activities para sa kanila. Naisipan ng 4-B na gumawa ng Truth or Dare booth. Aaminin ko, ngayon lang ako nakakita ng ganto. Wala daw kasing gastos at tutal andyan naman daw si Jeff na isa sa mga “campus crushes”, isang kiss na lang daw sa kanya once (for girls) at sa akin (for boys) kapag naging matagumpay sa ano mang dare na ipapagawa.
Aba syempre nagreklamo ako sa premyo. AKO? AKO IPAPAKISS sa kung kani-kaninong lalaki?! ABA, BUTI KUNG SI KIAN YAN! HAHAHA, KIDDING.
Napapayag lang nila ako ng sinigurado sakin ni Brent na kung sino man ang magde-dare, eh siguradong hindi magtatagumpay. Susko, ipinagdasal ko naman na sana’y magdilang anghel siya.
“Hoy Athena!”
Nagulat naman ako sa sigaw ni Jonathan. Busy akong nag-aayos ng booth namin eh.
“Maka-hoy naman to! Oh bakit???”
“Anong bakit? Ganyan ka na???”, tingin niya sakin na parang nandidiri.
Tumingin naman ako sa suot ko ngayon. Hindi na ko naka-uniform okay. Wala kasing klase kaya nakasuot ako ngayon ng pink loose shirt at skinny jeans. ^^
“Bakit? Cute kaya to!”, dinagdagan ko pa ng pout.
“Cute ka dyan! Ikaw kaya ang premyo namin tas ganyan lang itsura mo! Saka magsisimula na ang Mr. and Miss ROA!!!”, hiyaw niya.
“O eh…ano naman?”
“Ano ka ba! Syempre pogi si papa Kian mo mamaya tas ikaw muka kang yagit? Halika nga!”
Aray ah. Yagit daw?! Pektusan ko to si Jonatahan eh. Well sabagay tama siya. Idagdag mo pa na andun si Sabrina na maganda na nga, magiging dyosa pa ata pag nilagyan ng make-up at binihisan. -_- Umiral na naman ang insecurities ko nyan.
Sumunod na lang ako kay Jonathan. Pinatapos ko na lang kay Clarence yung pag-aayos ng mga mesa sa booth at pumunta kami ni Jonathan sa kwarto ko. Bigla naman niyang hinalungkat yung maleta ko na para bang nagtatapon lang ng basura sa sahig.
“Hoy! Anong ginagawa mo dyan!!!”
Sinubukan ko siyang pigilan kaya lang nagmatigas siyang maghalungkat pa. Sus ko, buti na lang wala na akong natirang undies sa loob kung hindi, nakakahiya talaga!
“Wala ka ba man lang na damit na maganda??? Puro mga t-shirt to eh! Ano ka manang???”, panlalait nito.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Novela JuvenilPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...