Maganda atang endorsement yung sayaw nila Brent at Clyde kanina kaya andami na tuloy na tao sa booth namin. Pero syempre, dahil sa galing ni Brent magbigay ng dare, wala ng humalik pa sakin. ^^ Pero sabi ko sa kanya, kukutusan ko siya mamaya dahil sa nangyari dun kay Clyde.
Nagclose muna yung booth namin kasi dinner na. Hinila naman ako nina Brent sa booth nina Zelo at lumamon kami! KYAAA~ Ang sarap talaga ng kikiam ever! Grabe, kahit ilang ulit ko ata tong kainin eh hindi ako magsasawa!
Gulat ko naman ng biglang may humila sa shoulder ko. Napaalis tuloy ako sa kinauupuan ko at nakita ko si Joanna, galit na galit.
“Joanna…bakit ka andito?”
“LABAS.”
Seryosong seryoso yung mukha niya na napasunod naman tuloy ako. Pinatingin niya ko sa stage at nakita kong nagsisimula na yung program para sa winners ng Mr. and Miss ROA.
O____O
Nakita kong sumasayaw ng slow dance sina Kian at Sabrina habang si TOP ay bored na bored na nakaupo sa pwesto niya. Tumingin ako kay Joanna pabalik at nakita kong nakangisi naman siya. BASTOS NA BAKLA TALAGA TO.
“Aww. Diba ang sweet nila? Bagay na bagay!”, pang-aasar ni Joanna.
Syempre. Chill lang ako kunyare.
“O ano naman? It’s part of the program.”
“Wala lang. Akala ko kase iiyak ka na nyan.”, ngisi na naman niya.
“Tss.”
He’s hopeless. Aalis na sana ako ng nakita kong bumaba si TOP sa stage at papalapit na samin. O ano na naman ang trip neto?
“Tara.”, hila-hila niya sakin.
“Ha? San??”
“Bakit? Gusto mo pa bang nakikita silang slo-slow dance???”
O___O
( _ _ “”)
Wala. Nagpahila na lang ako. Di ko man aminin ng diretsahan, pero nanginginig na ko sa selos sa nakita ko. Pano ba naman diba? Yung ex niya kung makahawak akala mo parang sawang nakapulupot eh. Tapos sinabi pa niya na she wants to get back with Kian. Anak ng tinapa. Bwiset.
“San ang booth niyo?”, tanong ni TOP.
“Ayan. Dyan sa may sign board.”
Pagkapasok naming sa booth, kakaopen lang ulit nina Clarence. Naexcite na naman sila ng nakita nila si TOP.
“UY! Maglalaro ka???”, tanong ni Clarence dito.
“Ha??”
Pinaupo naman nila si TOP may mesa.
“Teka…isa ka lang eh. Hmmm….”
Sakto namang dumating si Kian. Oo, si Kian sumunod.
“Kian?? Anong ginagawa mo dito?”, tanong ko.
Tumingin siya kay TOP tapos sa akin.
“Nakita ko kasing papunta kayo ditong dalawa. Kaya naisipan kong sumunod.”, mahinahon niyang sagot.
“AYAN! TAMANG TAMA! KAYONG DALAWA ANG PLAYERS!”, sigaw ni Clarence.
Sasabihin ko sanang hindi magandang ideya ang sinabi niya pero bigla na lang umupo si Kian na para bang game siya. Kung magkatinginan pa sila ni TOP, akala mo mga buhay nila ang nakataya sa gagawin nila.
Sinimulan ni Clarence ang pag-ikot ng bote at napatapat yun kay Kian.
“Truth or dare?”
“TRUTH.”, mabilis na sagot ni Kian.
BINABASA MO ANG
School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)
Teen FictionPano kapag napasok ka sa isang school na puro boys? Hindi naman All-Boys pero wala talagang girls sa pinapasukan ngayon ni Athena Clavelle. Habang on probation siya ng 6 months sa school, makakameet siya ng boys of different characters. May number 1...