CHAPTER 12

7.3K 177 20
                                    

*TOP in multimedia.

_________________________

Pagkalabas ko ng office ni mam, nakita ko si TOP na nakasandal sa pinto. Tinitignan ko palang siya, hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang promise ko kay mam. Saka hindi pa kami in good terms nito. Sabi ni mam, nagsorry daw siya. Sus. Like that changes anything.

Nakita na niya ko at napaiwas naman ako. Nakatitig na pala ko sa kanya sa sobrang pag-iisip.

“What did she say?”, agad agad na tanong niya.

“Wala…”

Magwo-walk out na sana ko. Hindi ko kasi mapigilan sarili ko na mainis pa rin. Siya kaya ang first kiss ko! SIYA PA HA. Para sa babae, nakakapanghinayang kaya yun. Lalo na kung hindi niya gusto ang nangyari.

“Hey. Don’t walk out on me. Tinatanong kita ng maayos ha?”, sabi nito.

Nagcross arms ako at humarap sa kanya. Napakamanhid din talaga nitong lalaki to, ano?

“Eh bakit di ka magsorry sakin ng harap-harapan? Kailangan ipadaan pa kay mam?!”, hindi ko napigilan na sinabi.

Nakita kong nagulat siya. Para ngang magbla-blush siya kaya lang agad agad na namang nagbago ang expression nito.

“Tss. Gusto ko eh.”

Dang. Ang hopeless niya.

“Fine. Mag-isa ka!”

I attempted another walk-out. Pero mukha talagang napakagat ko siya.

“GOSH YOU’RE SO ANNOYING! I’M SORRY OKAY?! HAPPY?!”

Di ko pinakitang ngumiti ako. Haha, akala niya ah.

“Okay na. At pwede ba, wag kang gumawa ng kahit anong iskandalo hanggang wala si Mam Graciel? Ako lang naman kasi ang lagot pag may ginawa ka.”

“Tss. As if you’re the only one who’s pretty stuck with this situation.”, malakas na bulong nito.

“Yun na nga eh. Kaya makipag-cooperate ka pwede?”

Umirap siya at napahinga na lang ng malalim. Naglakad siya papunta sa akin at parang hindi ko na naman magawang makagalaw.

“You should better join that petty contest or you’re dead. Kuha mo?”, nanduduro-duro niyang sinabihan ako.

“Pwede ba ingles ka ng ingles, nasa Pilipinas tayo!”, sigaw ko naman.

“AYSH! Ano bang pakialam mo?! Diyan ka na nga!”

Aba. Siya pa ang may ganang magwalk-out. Nakakainis ha, ako nga dapat gagawa nun eh.

“OY SAN KA PUPUNTA! WAG KANG MAKIKIPAG-AWAY HA!”

Hindi niya ko nilingon. Tinaas niya lang ang kamay niya na para bang sinasabing na WHATEVER. ARGH. Kaasar talaga yun. Pasalamat talaga siya mabait ako.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon