CHAPTER 5

9K 194 4
                                    

*BRENT on the multimedia. :)

-------

Tinulog ko ang lahat pagkatapos ng away naming ng bakla na yun. Nagulat naman sakin si Brent nung tinulak ko yung pinto pagkabalik ko tas natarayan ko pa siya. Nakonsensya naman ako kaya paggising ko kanina, nagsorry agad ako. Tinanong naman niya ako kung anong nangyari pero sabi ko, mamaya ko na lang sa kanya ikwekwento.

Monday ngayon at first day of classes ko. Kinakabahan ako pero hindi na masyado. Siguro dahil medyo naorient na ko sa rules at sa uri ng tao na meron dito. Tinignan ko yung schedule ko na binigay ni Miss Graciel at nakita kong CRAFTING ang una kong klase. Buti na lang, sabi ni Brent, magkaklase kami for this subject! ^^

Syempre sabay kami ni Brent papuntang classroom. As usual, pinatitinginan kami ng mga estudyante. Yung iba napapanganga na lang at yung iba ang lakas naman magbulungan. Narinig ko pa yung isa, “Siya yung bagong chiks na transferee.” Tatadyakan ko sana kaya lang nafeel ata ni Brent yung gagawin ko kaya hinila na lang niya ko. Pagkarating naming ng classroom, bigla silang tumahimik lahat. Nakita ko sa labas ng room na may 4-B, section siguro yun.

“Uhh…Brent? May mali ba talaga sa mukha ko?”, tanong ko na lang sa kanya.

“Wala. Halika na.”

Sinundan nila ako ng tingin hanggang makaupo ako sa tabi ni Brent. Actually, may katabi siyang lalaki pero pinaalis siya ni Brent. Naawa naman ako dun sa lalaki.

“Guys. Si Athena yan.”, malakas niyang sabi.

Wala akong nagawa kung hindi ngumiti. Akala ko tatahimik pa din sila pero buti na lang bigla silang nag-ingay. Yung iba tumakbo sa pwesto ko. Para tuloy akong artista na dinudumog ng tao. Pero yung iba, pinagpatuloy kung ano man ginagawa nila.

Andaming nagpakilala sakin. Nakalimutan ko na nga agad kung sino sila eh. Yung sinabi ko na magaling ako sa memorization? I take it back. Pero isa lang tumatak sa isip ko, si Clarence. Parang kasi ang friendly niya, tapos blonde pa yung buhok niya. COOL!

“Clarence talaga pangalan mo? Bakit parang pambabae???”, tanong ko kay Clarence.

“Uy grabe ka naman. Ako nga feeling ko hindi ka tao eh.”, bigla niyang sinabi.

“HA? ANONG HINDI TAO???!!!”, magagalit na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

“Eh kasi ako rin hindi tao. Feeling ko BAGAY tayo. BAGAY NA BAGAY talaga.”, ngiti niya.

Natawa naman ako ng konti sa banat niya. Kahit parang mas playboy ang lines niya kesa kay Josh, mas magaan naman ang loob ko sa kanya. Siguro kasi hindi siya mahangin.

“Tama na nga yan Clarence! Nakakita ka lang ng babae, bumanat ka na agad diyan.”, saway ni Brent.

“LAGOT KA KAY JOANNA!”

May sumigaw na lalaki sa likod ko at bigla kong naramdaman na may sombrero na sa ulo ko. Pagkatingin ko, isang ordinaryong lalaking maputi ang nakita ko. Kinindatan niya ako at bigla na namang sumabat si Brent.

“Hyukjae tama na nga yan. Pasensya ka na Athena ha.”, sabi ni Brent.

“Sabi ko naman sayong huwag mo kong tawaging Hyukjae eh. It’s Jeff okay? As for you, Athena…Welcome sa WAR.”, kumindat na naman siya.

“Okay lang Brent. Uhm…Kilala mo si Josh?”, tanong ko kay Jeff.

Nagulat siya sa tinanong ko. Maybe tama nga ang hula ko, magkaugali kasi sila. Pero mas mahangin talaga si Josh.

“Oo naman! We’ve been friends since childhood! Pano mo nalaman???”, curious na tanong ni Jeff.

“Wala, hula ko lang. Alam mo yung kasabihan na…Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are?”

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon