THE FINAL :)

6.4K 149 16
                                    

----- TOP’s Point of View -----

Ako na ang nagbuhat kay Athena papunta sana sa kotse namin. Hindi na naman nagreklamo si Clyde na sa bus siya isakay kasi nga baka pagkaguluhan pa si Athena ng mga kaklase namin. Mas lalo siyang mawawalan ng space.

Pagkarating namin sa labas, madaming sumalubong sa amin. Ang karamihan sa kanila ay taga-4B at nagaalalang mga muka nila ang dumumog sakin.

“TOP??? ANONG NANGYARI??? BAT GANYAN ITSURA NIYO?!”, tanong ni Jonathan.

“ATHENA MAYLABS!!! BAKIT SIYA NAWALAN NG MALAY?!”, sabat ni Clarence.

“SAN NIYO SIYA NAKITA?!”, tanong naman ni Jeff.

Saka ko lang napansin yung mga damit ko. Yung t-shirt ko pala ay medyo napunit-punit tapos ang dumi dumi na nung white pants ko. Meron din akong mga sugat sa braso at ganun din si Clyde. Buti na lang, pinaiwan ko yung mga gamit namin sa driver ko bago ko hinanap si Athena kanina.

“GUYS! Padaanin niyo muna sila! Kailangan ni Athena madala sa clinic agad!!!”, pagtutulak naman ni Brent sa kanila.

Thank goodness he was there. Ayoko na din kasing magexplain pa kung anong nangyari. I was both physically and mentally tired. Since he paved the way for us, natakbo ko nga si Athena sa kotse at sinandal siya sa tabi ko. Sinabihan ko naman yung driver ko na bilisan niya kung hindi I’ll get him fired for real.

Kinuha ko yung locket na binigay ko sa kanya kanina. Binalikan ko to kay Jarred bago siya kunin nung mga staff ng EK. Buti na lang, hindi nasira.

Sinuot ko naman ulit yun kay Athena at hinalikan ko siya sa noo.

“You’ll be fine. Sorry I was late.”

After almost an hour, nakarating din kami sa WAR. Pero sa inaasahan, andami nan gang fangirls na naghihintay sa gate. Tsk.

Pinabusinahan ko na sila sa driver ko pero wrong move ata. Mas nakilala nila ang kotse namin at bigla nila kami dinumog.

“Young master! Ano pong gagawin ko sa kanila???”, tanong ni manong.

“Ano pa?! Get them out of here! Athena needs to be attended quickly!”

Lumabas naman agad si kuya at sinubukang palayasin yung mga babae. Grabe naman tong mga to. Gabi na nga, nandito pa rin. Tapos nakauniform pa sila. Jeez. Hindi pa ba sila nagsasawa??

Masyado na nila kong iniinis kaya binuksan ko yung bintana sa tabi ko. Narinig ko namang nagsigawan yung mga fangirls at parang mahihimatay sa mga tili nila.

“OMG!!! SI TOP!!! SI TOP RAMISSES!!!”

“I KNEW IT! HE’S THE MOST HANDSOME!!!!”

“KYAAAA~~~ ANG PERFECT NG JAWLINE NIYA!!!”

“AKO! PATINGIN NAMAN AKO!!!”

Nagkagulo na sila ulit at lahat sila ay nagsiksikan malapit sa pinto ko, makita lang ang muka ko. TSK. I really wanted to be rude at them ngayon na hindi pa maganda ang lagay ni Athena. Sinubukan kong kumalma at mag-isip kung pano sila papaalisin ng hindi nasisira ang image ko. Sigurado kapag kumalat sa internet na nagsungit ako sa mga to, lagot ako kay mama.

School Rumble Volume 1: Fight for the Muse (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon